chapter 2

511 10 4
                                    

"Stars are like friends; there's always come around, you just need to find your favorite one." unknown

Ng makita kong umalis na sila sakay ng kanilang magarang kotse. Agad akong lumakad para umuwi. Oo nagsinungaling ako sa kaibigan ko dahil nahihiya ako na makaaabala. Ayaw ko na rin magkaroon ng di pagkakaunawaan ang magkapatid dahil sa akin.

Ng makarating ako sa amin pasado 4:00pm na kaya nagpalit agad ako ng damit at natulog. Pagkagising ko bandang 8:30 ng gabi nakahanda na ang pag-kain namin ni nanay. Lumigo muna ako at nagbihis kasi may gig ang banda ng kaibigan kong si Rick kaya may raket ako ngayong gabi.

"Devon anak, kain na. Anong oras ng uwi mo mamya?"tanong ni inay.

"Siguro po mga ala-una po ng umaga nay. Pero wag nyo na akong hintayin na dumating matulog na po kayo.,"sagot ko habang naglalagay ako ng kanin sa pinggan. Yun ang gusto ko sa nanay ko ko hindi nawawalan ng gulay sa hapag-kainan. Kahit pa ito ay nilagang kangkong lang at pritong isda solve na ako dito.

"Ganun ba, o cya mag iingat ka ha. Kung pinapayagan mo na ba ulit akong mag trabaho di kana masyadong mahihirapan."

"Nay, kaya ko naman po e. Basta po magpahinga na po kayo at ako naman ang magtatarabaho,"

"Anak, paano naman ang pag-aaral mo?"usisa ng nanay nya.

"Mga 10:00am po ang simula ng klase ko kaya makakatulog naman po ako ng maayos.Basta wag po kayong mag-alaala sa akin nay, kaya ko po yung sarili ko." pag aalo ko kay inay. At kumain silang tahimik mag-ina. Hindi pa nia napag-uusapan ang tatay niya simula ng ito ay pumanaw, alam nyang masyadong masakit para a inay nya kasi alam nyang mahal na mahal nya ito. Matapos nilang maghapunan ay nagbihis siya kaagad at pumunta na siya kina Rick.

Di naman kalayuan ang bahay ng kaibigan at kababata nyang si Rick sa bahay nila kaya madali rin itong nakarating. Enrique Santillan, Rick for short, tapos ng kursong B.S. Commerce ang kaibigan 22 years old, dahil sa pagkahilig sa pagbabanda pagkatapos ng kolehiyo ay hindi na ito naghanap ng trabaho at ipinagpatuloy ang hilig. Sa una ay inayawan ng tatay nito pero kalaunan natanggap na rin nito ang pinili ng kanyang anak. Matalik na magkaibigan ang tatay nila dating driver din si ito pero sinuwerte ang pamilya nito ng makapag abroad ang tatay ni Rick.

"Bes, buti at dumating kana namiss kita."biro nito sa kaibigan.

Pagkakita pa lang nito sa kanya ay inakap at hinalikan siya sa pisngi. Sanay na siya sa kaibigan kapag sila ay nagkikita pero minsan nahihiya siya kasi nung mga bata pa sila nagkaroon siya ng crush dito. Pero dahil sa kaibigan lang talaga ng turing ng lalaki sa kanya nawala na kung ano man ang nararamdaman dito. Sa dami ng mga babaeng nagkakadrarapa dito, magagandang mestisa at artistathin pa ang dating. Siguradong sakit sa ulo at puso lang ang mapapala nya.

"Ganun parang nung isang araw lang nakitulog ka sa amin kasi natatakot kang umuwi kasi may stalker ka na naman" sabay tanggal sa pagkakaakap ng kaibigan.

"Yan ang gusto ko sa'yo Bes e masyadong OA, stalker agad di ba pwedeng tagahanga lang"biro nito sa kanya.

"O siya alis na tayo at baka ma-late pa tayo." paalis na kami ng masalubong namin ang tatay nya sa may gate ng bahay nila.

"Tatay Romeo musta po kayo?" sabay mano. Tatay din ang tawag nya dito dahil yun ang gusto ng matanda.

"Mabuti naman iha, kamusta ang inay mo?"tanong nito.

"Magaling na po siya"Sagot ko.

"Rick saan kayo pupunta? Mag date ba kayo ni Devon?"biro nito sa anak.

Kahit nun pa gustong-gusto ng tatay ni Rick si Devon para sa anak pero sa kasamaang-palad talagang kaibigan lang ang turing ng binata kanya. Siguro may mga tao talaga na tinadhana na maging kaibigan lang. Ganun sila ni Rick BESTFRIEND for life, na kahit anong mangyari may karelasyon man ito o wala andyan lagi para damayan siya. Masayang kasama si Rick, lahat na ata ng magandang katangian nasa kaibigan na. ALL OF THE ABOVE IKA NGA. Matalino, mabait, understanding, handsome, hot, sexy at oozing with sex appeal. Kaya nga maraming babaeng nahuhumaling dito, pero ganun pa man di naman ito playboy. Siya yung tipo na hindi pinaglalaruan ang damdamin ng mga babae, kasi babae rin ang nanay nya at ako na bestfriend nya. Noong una akala ng mga kaibigan nya na bading ito dahil hindi ito mahilig sa babae, pero hindi lang talaga mahilig sa babae ang kaibigan. Minsan lang ito nagkaroon ng kasintahan. Hindi ko alam ang nagging dahilan ng kanilang paghihiwalay. Akala ko nga yun ang mapapangasawa nya hindi biro ang dalawang taon na panliligaw. Ganun nya katagal yun sinuyo. Mga 5 buwan lang ang itinagal nila.

unofficial loveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon