You cannot make yourself feel something you do not feel, but you can make yourself do right in spite of your feelings
Pearl S Buck
Inihatid ako ni Sam sa bahay. Habang daan wala kaming imikan sa loob ng kotse. Hind ko naman siya ka-close at di ko rin naman siya kaibigan na maituturing. Siguro ganun din an gang nararamdaman nya kaya hindi ito nagsasalita. Sa dami rin ng masasakit at pag-aalipusta na nasabi nya sa akin kaya hindi na rin ito kumibo. Tahimik siyang nagmamaneho ng sasakyan hanggang sa makaratin ako sa aming bahay. Agad kong inalis ang aking seat belt. Bago ko binuksan ang pinto ay tipid akong nagpasalamat at nagpaalam dito.
Nakita kong magsasalita ito ng dali-dali akong bumaba sa sasakyan. Hindi ko rin kasi alam kung paano siya pakikitunguhan. Ayaw ko rin marinig kung humingi ito ng despensa sa akin dahil sa nalaman nya. Ayaw kong kaawaan ako lalong-lalo na kung galling sa kanya. Sabihin na masyado akong bitter o anuman ngunit tao lang ako na marunong masaktan. Alam kong malaki rin ang naitulong sa pagsama nya sa akin pero hindi nun matatakpan lahat ng salitang binitiwan nya sa akin.
Aminado naman ako na mahirap lang ako. Salat ako sa karangyaan na meron siya. Sana man lang…naku ano ba itong mga pinag-iisip ko. Devon salita lang naman yun e. hindi ka naman nagalusan. Tandaan mo kaibigan mo ang kapatid ng tukmol nay un. Saka siguro naman mababawasan na ang pagsasabi nya ng mahahanghang na salita sa’yo.
Ng makapasok ako sa loob ng bahay mga ilang sandali pa ay narinig kong umalis ang sasakyan ni Sam. Ng matiyak kong naka-alis na ito ay nagsimula na akong mag-ayos ng bahay. Nasa kalagitnaan ako ng paglilinis ng tumawag sa akin ang aking kaibigan.
PHONE CONVO
“Devz, kumusta kana? Si nanay? Ok ka lang ba?”sunod-sunod nitong tanong.
“Hey, isa-isa lang ang tanong”pabiro kong sabi. Ng marinig ko ang boses ni Rick para mas naramdaman ko ang pangungulila at una-unahang pumatak ang aking luha.
“tahan na Devz, mamya andyan na ako.”pag-aalo nito sa akin.
“Bakit? Paano ang pagtugtog nyo dyan?’naguguluhan kong tanong.
“Weekdays naman e, kahit wala munang poging drummer saka day-off din naman namin ngayon.”sagot nito
“Ganun ba? Salamat sa tawag Bes at sa pagtulong nyo ni tatay.”
“Ilang beses ka ba na magpapasalamat Devz. Ano kaba? Parang pamilya na tayo. Sino pa ba ang magtutulungan. Tayu-tayo rin lang naman.” Paliwanag nito sa kanya.
Tama si Rick, pamilya na nga kami. Simula ng maulila siya sa kanyang ina sampung taon na ang nakalilipas ang nanay nya ang nagsilbing ina nito. Kaya kapatid na rin ang turing nito sa kanya.
“Uy, wag ng magdrama. Matulog kana at may pasok kapa bukas.” Sabi nito ng hindi siya sumagot.
“Ok bossing Rick, salamat ulit sa tawag. Kahit papaano lumuwag na ang pakiramdam ko. Kasi alam kong andyan lang kayo ni tatay Romeo.
“Ingat sa byahe mamya. Baka gabihin ako sa pag-uwi at may aasikasuhin kami sa campus. Pilitin kong makauwi ng maaga. Ano nga palang oras ng flight mo?”
“Mga gabi na rin. Wala na kasi akong makuhang booking e. sige tulog kana. Tandaan mo di ka nag-iisa at maraming nagmamahal sa’yo.”pagpapaalam nito.
Matapos kaming mag-usap ay nag-ayos na ako ng sarili at humiga para matulog. Dahil na rin siguro ng pagod at pag iyak at madali akong nakatulog.
Nagising ako sa tunog ng aking cellphone mga alas-nuebe ng umaga. Hihikab-hikab akong sumagot ng hindi ko tinitingnan kung sino ang nasa kabilang linya.
PHONE CONVO
“Hello”
“Good morning.”sagot ng nasa kabilang linya.
“Sorry sir wrong number.” Hindi ko kilala ang boses kaya pinatay koi to. Ngunit patuloy tumawag may unregistered number na lalaki. Kaya napilitan akong sagutin.
“Hello, ang kulit mo. Sinabi ko ng wrong number.”mataray kong sabi. Habang nasa kabilang linya ay tumawa.
“Hey, somebody wake up at the wrong side of the bed.”pabiro sabi ng nasa kabilang linya. “Si Sam ito, pinatawag kasi ako ni Kathryn to inform you na ok lang na hindi mo siya samahan sa pag-aayos sa campus ng mga dapat nyong gawin. I already told her what happened to your mom. She wants you to stay with your mom but we will pick you up at around 4PM. You know to get dressed.” Mahaba nitong paliwanag.
Inglesiro tala itong tukmol na ito. At nakuha pa nyang magbiro akala nya close kami. Bipolar din pala ang isang ito. Magbiro na sa lasing wag lang sa bagong gising. Ayaw ko lang masira ang maganda kong araw.
“Ok sir, thanks for informing. Anything more sir.” Akala nya siya lang ang marunong mag English. Deans lister/scholar kaya ako.
“That’s all. Goodbye.”at ini off na ang kanyang cp.
Agad akong naligo, inayos ang isusuot sa party at agad na nagpunta ng hospital. Dumaan ako sa McDonalds para ibili na rin ng pagkain si inay at ang tatay Romeo. Habang papasok ako ng hospital ay tumawag si Rick. Kinamusta nya kung nakatulog daw ba ako ng maayos. Siya na rin ang nagsabi na maayos na ang lagay ng inay at baka daw bukas ay pwde na itong umuwi. Sinabi rin nya na mga alas-siyete ng gabi siya makakarating ditto sa manila. Agad akong nagpaalam at sinabing nasa ospital na ako.
Pagpasok ko ng kwarto ay nakita kong gising si inay at naka upo sa kanyang kama at si tatay Romeo nanaka upo sa silya malapit sa higaan ni inay. May pinag-uusapan sila at ng makita nila akong pumasok ay bigla silang tumahimik. Sinalubong ako ng magandang ngiti ni nanay.
“Anak, andyan kana pala.”bati nito sa akin. Si tatay naman ay ngumiti rin sa akin.
“Kamusta na po kayo.”agad kong tanong sa kanya habang ako ay nagmano sa kanilang dalawa.
“Maayos na aking pakiramdam. Pasensya kana anak at pinapag-alala kita.”malungkot nitong sabi.
“Ok lang yun inay. Kaya pagaling kana na po kayo.”at inakap ko ang aking ina. Hanggang ngayon di pa rin maalis sa isip ko na simpleng sakit lang meron ang inay. Alam ko naman kahit pilitin ko hindi naman magsasabi ang mga ito. Kelangan ko talaga ng ibang raket para mapatingnan sa espesyalista.
Ibinigay ko sa kanila ang binili ko at sabay naming kumain. Pagkatapos ay pinauwi ko na si tatay Romeo para makapagpahinga. Ipinaliwanag ko na mga alas-kuatro ng hapon ay susunduin ako nina Kathryn para sa party ng school. Sinabihan ko na rin si aling Tale na pansamantalang bantayan si inay habang wala ako. Pagkaalis ni tatay Romeo ay agad kong kinausap si inay.
“Inay, talaga bang maayos ka ang pakiramdam nyo?”nag-aalala kong tanong.
“Anak, maayos naman anak. Diba sabi ko wag mo akong alalahanin. Ganito ata kapag tumatanda.nakangiti nitong sagot. Hind ko na pinilit pang magsalita si inay. Ayaw ko rin naman bigyan siya ng stress. Kaya sa loob ng maghapo kwentuhan at tawanan an gaming ginawa. Bandang alas tres-trenta dumating si Katryn kasama si sir Sam na may dalang pagkain. Kasunod din nilang dumating si aling Ursula.
“Hello ate.”bati nito sa akin. “Inay, ok nap o ba kayo?”tanong nito kay inay habang palapit ditto at sabay mano bilang paggalang. Marami ng beses na nakita ni inay si Kathryn sa katunayan kasama oi to minsan magbantay kay itay ng ito ay maratay ng matagal sa hospital na ito.
“Oo nga po pala, si kuya Sam kop o. kapatid ko.”pakilala nito.
“Ang ganda pala ng lahi nyo anak. Sabi nga pala ng tatay Romeo ni Devon ikaw Sam ang naghatid kay Devon papunta dito. Salamat ng marami.”
“Walang anuman po kaibigan po kasi siya ng kapatid ko kaya nagkusang- loob na po akong gawin yun”paliwanag nito. Iniabot kay Devon ang mga pagkain na dinala nila dito.
“Aling Ursula, kumuha n lang po kayo ng pagkain dito”aya nito habang ikinuha nya ang ina ng makakain.
Matapos kung pakainin si inay ay inihanda ko ang aking dadalhin para sa program sa school. Nagpaalam ng maayos.