Why waste your time getting hurt by someone when there's someone else out there waiting to make you happy?
Kemmy Nola
“May tampuhan ba kayo ni Rick, anak?”tanong ni nanay sa akin. Halos tatlong linggo na kasing di pumupunta sa bahay si Rick. Kung pumunta man ay madali lang para kamustahin si nanay at tatay Romeo. Hindi rin sila nagkakaroon ng pagkakataon na makapag usap. Araw-araw pa rin itong ng titext para kamustahin ang dalawang matanda bukod dun wala na.
“Hindi ko nga po alam nanay kung bakit parang nagbago si Rick.”naguguluhan kong sagot.
“Dalawin mo kung may pagkakataon ka sa condo o dun sa kanilang tinutugtugan:sabi ni inay.
“Gawan ko po ng paraan inay kapag nakaluwag-luwag po ako sa schedule ko.”sagot nito.
“Baka kasi may pinagdadaanan yun na problema at kailangan nya ng kaibigan. Baka kailangan nya ang tulong mo.”
“Sige, I try ko po sa Friday after ng exams ko”sagot ko.
Kinabukasan habang nasa kotse kami ng sinundo ako nina Kathryn sa bahay ay kinausap ko si Kathryn.
“Kathryn, busy ka sa Friday night?”tanong ko.
“Naku ate may pupuntahan ako e. nagpapasama si mommy sa akin. Bakit?’
“Ah, ganun ba. Punta kasi ako dun sa bar na tinutugtugan nina Bes. Alam mo na hanggang ngayon e di pa nya ako kinakausap.”
“Kuya, baka naman pwde mong samahan si Ate Devon? Free kaba?”biglang tanong nit okay Sam.
“Naku Kathryn ok lang. baka may gagawin si Sam. Ako na lang mag isa. Anyway, malapit din naman yun sa amin isang sakay lang. “nahihiyan kong sabi.
“Wala naman akong gagawin. Sige ba samahan na lang kita Devon. Hanggang ngayon ba e may LQ pa rin kayong magkaibigan”biglang tanong nito.
“LQ, sira. FQ kamo. Friends quarrel”biro ko dito.
“Sige samahan na kita. Feeling ko e kaya malaki ang eyebags mo dahil na miss mo na yun”biro ni Sam.
“Miss ko naman ang Mokong nayun. Totoo, aba ito na ata yung di kami nagpapansinan.”
“Sige, samahan kita. Baka kasi may mambastos sa iyo habang tumutogtog si Rick. Ikaw pa naman ang ONE TRUE CRUSH KO”tawa-tawa nitong sabi.
“ONE TRUE CRUSH ka dyan. Sira ka talaga. Baka maniwala ako dyan”balik biro ko dito. “Kathryn, di siguro ito nakainom ng gamot kaya kung anu-ano ang sinasabi.”
“Ate, matagl kanang crush ni kuya Sam”pagsali nito sa pagbibiro ni Sam. “Crush lang ba kuya o love na?”tawa-tawa nitong sabi.
“Hay naku, sige pagtulungan nyo pa ako. As if naman na magustuhan ako ng Tukmol na ito?’sabay hampas sa balikat ni Sam.
“Aray! Uy hinay-hinay lang nagmamaneho ako.”paalala ni Sam. At napuno ng tawanan ang loob ng sasakyan.
Ganun na kami ka close sa isa’t-isa. Wala na sa amin kung anuman ang nangyari before. Minsan naiisip ko rin na napakaswerte ng magiging GF nitong si Tukmol. Lahat na ng katangian na hinahanap sa lalaki nasa kanya na rin. Nabanggit sa akin ni Kathryn na simula ng mabasted ito ng highschool hindi na ito nanligaw pa. bakit nga naman manliligaw pa e siya nga itong hinahabol ng mga babae.
Sa nakalipas na dalawang buwan. Ilang babae na rin ang pilit na iniwasan nito. Sabi nga nya nagbagong buhay na daw siya. Akalain mo yun ang high and mighty Sam Limuel TUKMOL Matias going straight. Pero natutuwa na rin ako dahil mas naging close ang magkapatid sa nangyari. Sanggang-dikit ika nga. Masaya ako para sa kanila. Sana nga lang maging maayos na rin si Sam at ang kanyang ama.