Chapter 9
It's hard to pretend to be friends with someone special when every time you look at that person, all you see is everything you want to have.
Unknown
Para sa akin simple ang buhay ng tao. Tayo lang gumagawa ng kumplikasyon. Sa dami ng pinagdaanan at pinagdadaanan ko kung sineryoso kung ito malamang sa ICU (Intensive Care Unit) na ako pinulot.
Matapos ang party kina Kathryn naging close na kami ni Sam. Di masyadong makapaniwala si Kathryn sa ipinakikita ng kuya nya sa akin. Kung dati may pagdududa pa ngayon parang ibang tao ang nakikita naming dito. Pati ang mga kaibigan nya na ubod ng gaspang ang ugali unti-unting nagbago for the better.
Ang pinakagusto kong nangyari sa lahat ay ang pagbabalik ni Rick sa Maynila. Sa kasalukuyan minsanan lang silang magka gig ng mga kasamahan nya. Hindi na rin muna siya tumira sa bahay dahil kumuha sila ng bandmates niya ng condo na malapit lang din sa tinitirhan namin. Lagi naman siyang andun lang sa bahay kapag gabi lang siya umuuwi sa condo.
Masaya ang bahay kapag kumpleto kami. Tinuturuan nya pa rin akong magluto. Gusting-gusto ni nanay na lagi kaming magkasama. Minsan nga tinutukso nya kami na sana kami na lang daw ang magkatuluyan. Noong una awkward lang kasi naman BESTFRIEND kami. Hindi ko rin kasi maisip na maging BF ko ang Mokong na ito. Masyado lang akong mapapa praning for sure. ALL OF THE ABOVE nga diba. Complete package means Heartaches for sure.
Si Rick hayun sinasakyan ang kapritso nanay kaya siguro mahal na mahal ni nanay ito. Lahat ng hiling nito kung kaya lang gawin ni Rick ginagawa nito. Minsan dumalaw sina Katryn at Sam sa bahay. Tamang-tama na nagluto kami ng espesyal na pagkain na paborito ni nanay na kare-kare, escabeche, leche flan at fried chicken.
Tuwang-tuwa si Kathryn ng malaman na marunong na akong magluto. Si Sam naman ay tahimik lang na nakamasid sa mga inihahanda naming ni Bes. Ng naiayos na namin ang hapagkainan inaya na naming silang dumulog at kumain.
“Naks ate ang sarap mo ng magluto ah! Pwede ka ng mag-asawa. Diba nanay?”pabirong tanong nit okay nanay.
“Naku, Kathryn anak kung pwde nga lang na ipakasal ko na si Rick at Devon.” Sagot ni nanay. Halos sabay-sabay kaming nasamid nina Sam at Kathryn. Si Rick at Tatay Romeo naman ay nakangiti lang kay nanay na parang hindi nagulat. Hindi mo malaman kung ano ang iniisip ng Mokong na ito.
“Nanay talaga kung anu-anong sinasabi”namumula kong sabi.
“Anak, matanda na ako. Gusto ko lang makita kayo ang nagkatuluyan ni Rick.”sagot ni nanay.
“Elena, hayaan mo ang mga bata mag desisyon. Baka may gustong iba si Devon.”sabat ni tatay Romeo.
“Ganun ba? Ikaw Sam may gusto kaba sa anak ko?”bigla nitong tanong na lalong ikinasamid at ikapula ni Sam.
“Nanay talaga! Kung anu-anong pumapasok sa isip. Kapatid po iyan ng kaibigan ko. Kaya malamang kaibigan ko rin po yan” natatawa kong sabi.
“Anak, di naman ikaw ang tinatanong ko e si Sam. Para alam ko kung may karibal si Rick kung manliligaw itong torpeng ito sa iyo" sabay baling kay Rick. Hindi ko alam kung namumula sa hiya o namumula siya sa kapipigil na matawa.
“Akala ko si Devon at Rick ang nasa hotseat, kasama rin pala ako”pabirong sabi ni Sam. Ano bang nangyayari sa simpleng salu-salo. Nahihiya tuloy ako. Si Kathryn naman halatang pinipigilan din ang pagtawa. Bigla kong siniko si Rick para naman tulungan akong lusutan ang mga nangyayari.
“Ehem, nay wag nating biglain si Devon. May usapan na tayo diba?”makahulugang sabi ni Rick.
“Gusto ko lang malaman kung meron na ibang umaaligid sa dalaga ko para makilatis ko naman”ayaw paawat talaga ni nanay.
“Nay pwede dahan-dahan lang. Aba baka kung anong isipin ng mga bisita natin. Ikaw Rick kaasar ka nagpapatulong ako sa’yo at talagang sumali ka pa kay nanay. Sori Sam medyo hyper si nanay paborito kasi nya yung niluto namin” namumula kong sabi. Hindi ko na alam yung gagawin ko ng oras nay un. Kung pwede lang biglang maglaho parang bula o kaya magpakain sa lupa ginawa ko.
“Nay mamya na lang natin pag-usapan. Hayan tuloy nabuking na tayo ni Devon” nakanginiting pakiusap nito kay nanay. Sino ba ang makaka resist sa charm nitong si Bes? Masyado naman akong chosy kung di pasado sa akin ang kaibigan ko. Kaya lang siguro mas mabuti pang maging magkaibigan na lang kami. Walang kumplikasyon.
Ng matapos ang nakaka tense na salu-salo. Tinulungan kong maglinis ng pinagkainan si Bes. Kahit anong taboy nito na estimahin ko ang mga bisita ko ay di ko ginawa bagkus ay kinulit ko ang mokong sa nangyaring usapan kanina.
“Tapatin mo nga ako. Ano bang usapan na sinasabi ni inay? Ikaw, masyado ka ng malihim sa akin.”nagtatampo kong tanong sa kanya.
“Devz, ang sa akin lang gusto kong maging masaya ang nanay mo kaya sinasangayunan ko ang lahat ng hinihiling nya.”sagot nito.
“E ano nga iyon?”pangungulit ko.
“Basta.”pag-iwas nitong sagutin ang tanong ko. “Pumunta kana dun malapit ko na din matapos ito. Estimahin mo muna ang mga bisita”pagtataboy nito sa akin. Dahil sa naiinis ako iniwan ko na siyang magtapos ng mga hugasin at pumunta ako sa sala kung saan andun sina Sam, Kathryn at inay.
Napakaswete ko sa pagkakaroon ng mga kaibigan tulad nila. Hindi sila yung mga tipikal na mayayaman na spoiled, magaspang ang ugali at mapang-mata. Giliw na giliw na ipinakikita ni nanay ang mga baby pictures ko sa dalawa at tuwang-tuwa naman ang dalawa sa pagtingin dito. Sumali ako sa kanila. Halos maiyak sila sa pagtawa ng makita nila ang isang picture ko na umiiyak habang hinahabol ko ang pusang tangay-tangay ang aking laruan. Pilit kong tinatakpan ang mata ni Sam sa kadahilang nahihiya ako sa iba pang pictures na ipinakikita ni nanay. Inaalis nya ang aking kamay sa mata nya at inakap nya ako para hindi ko na matakpan ang kanyang mga mata.
Nasa ganun kaming ayos ng pumasok si Rick. Hindi ko namalayan na kanina pa pala itong nakatayo at nakamasid sa amin. Inaya ko itong pumunta dun ngunit lumabas itong nakasimangot. Hindi ko ito pinansin at patuloy kaming nagkakasiyahan. Makalipas ang 30 minutes ay hindi pa rin ito bumalik. Lumabas ako para tingnan kung saan ito nagpunta ngunit nakasalubong ko si tatay Romeo at sinabing umalis daw ito.
Umalis ito na hindi man lang nagpaalam. Siguro baka may emergency lang talaga. Kaya pumasok ako sa loob. Mga bandang alas kuatro ay nagpaalam na din ang magkapatid. Naunawaan naman nila ang biglang pag-alis ni Bes. Inihatid ko sila hanggang sa labas. Nagpasalamat ako sa pagbisita kay inay. Inakap at nagbeso kami ni Kathryn. Pasakay na si Sam ng sasakyan ng bumalik ito at inakap ako. Hindi na naman ako nabigla dahil para sa akin kaibigan ko na rin naman ito at ganun din naman sa akin si Rick kaya hindi na rin ako nagtataka sa mga kinikilos nito.
Hindi ko namalayan na nasa di kalayuan lang si Rick na malungkot akong pinagmamasdan.