"You know it's never fifty-fifty in a marriage. It's always seventy-thirty, or sixty-forty. Someone falls in love first. Someone puts someone else up on a pedestal. Someone works very hard to keep things rolling smoothly; someone else sails along for the ride."
― Jodi Picoult, Mercy
"Good morning mahal ko!" bati ni Rick sa akin sabay halik sa aking pisngi.
Ano pa ba ang mas gaganda sa umaga makita mo ang makisig na lalaking nasa tabi ko at bonus pa ang kiss sa cheeks? Feeling ko tuloy namumula na naman ako.
"Halika na! naghihintay na si inay at tatay sa labas para mag-agahan."aya nito sa akin.
"Good morning din. Teka, kanina ka pa bang gising?"tanong ko dito.
"Oo, grabe mahal naghihilik ka pala."pabiro nitong sabi.
"Hindi kaya. Baka sarili mo ang narinig mo."sagot ko dito
"Uy, pikon nayan. Di kana talaga mabiro. Come at baka lumamig na ang niluto ko."
"Talaga, ikaw ang nagluto. Sana ginising mo ako tayong dalawa ang nagluto. Kahiya naman kay tatay Romeo baka akalain nya e Andres de saya ka" biro ko dito habang bumango ako at sumaglit sa banyo.
"Ok lang ang maging ander mo mahal. Kahit araw-araw at gabi-gabi ander mo ako walang problema" at inakap nya ako mula sa likuran ng lumabas ako ng banyo.
"Sira ka talaga. Hoy, ang aga-aga nang-aakap ka. Halika na baka kung ano na naman kabulastugang masabi mo dyan" habang pilit kong kumawala dito.
"Ikaw talaga ang sungit at ang damot. Pinagluto na nga kita tapos ala man lang kiss at thank you."
"Cge na. Thank you Mokong" sabay kiss sa cheeks ngunit biglang humarap ito sa akin kaya sa labi ito tumama. Kinurot ko nga ito sa tagiliran masyado na kasing nagiging comfortable sa paglalambing at at pag kiss e. Pero siyempre kinilig ako. at lumubas na kami ng kwarto na tuloy ang kulitan.
"Ehem!"tumikhim si inay para makuha nila ang aming atensyon.
"Kain na tayo" aya ni tatay Romeo na nangingiti sa aming dalawa. At umupo kaming magkatabi sa hapag-kainan.
Grabe parang hindi naman agahan ang kakainin naming kundi tanghalian kasama pati ang hapunan sa dami ng pagkain. Ano kayang oras ito nagising at nakaluto ng ganito karaming pag-kain. Take note lahat ay paborito ko. Sinigang na hipon, calamares, escabecheng isda, tinola, fried chicken, pork lumpia, chicken-pork adobo, baked bangus at chopsuey. Fiesta!
"Anong okasyon?"tanong ko dito. "Ang dami naman na pagkain. Ikaw lang ba ang nagluto nitong lahat?'
"Alam ko naman na matakaw ka kaya lahat ng paborito mo niluto ko. Kulang pa nga yan e hindi ko naluto yung spaghetti at bulalo. Hayaan mo next time mas aagahan ko pa ang gising ng maluto ko ang mga iyon."nangingiti nitong sabi.
"Hmmp matakaw! Ang sabihin mo paborito mo rin ang mga ito kaya niluto mo."nakasimangot kong sabi. Sino ba ang hindi maiinis sabihin ba na matakaw ako. hindi ako matakaw masarap lang akong kumain. Buti na nga lang at hindi ako tumataba.
"ay siya tayo ay kumain na. lalamig ang pagkain"suwestiyon ni inay.
Nagdasal muna kami at pagkatapos ay masaya naming pinagsaluhan ang pagkain.
Sarap ng ganito. Kumpleto kami lagi. Sana laging dito matulog si Rick para tuwing umaga masaya kami tulad ngayon. Ngunit alam kong sa mga susunod na araw magiging busy na siya sa kanilang banda. Malapit na yung audition na sasalihan nilang contest.
Ng matapos ang aming pagkain napagkasunduan naming na kaming dalawa ang maghuhugas ng pinagkainan. Si tatay Romeo ay sasaglit sa kanyang maliit na opisina para sa likumin ang pinagpasadahan sa ilan nyang driver ng taksi. Si nanay naman ay nagpasyang mag ayos sa kanyang kwarto kahit meron nag aalaga sa kanya dito mas gusto nya na siya ang magligpit ng kanyang gamit.
Kinatanghalian ay nagpaalam si Rick na sasaglit sa condo para maiayos ang kanilang practice at mga schedule ng mga gigs nila. At ako naman ay inayos ang mga sketches na disenyo ng mga napili ni Kathryn para sa bubuksan nyang boutique. Pati na tin ang mga reports na gagawin naming next week. Nag advance reading na rin ako para sa nalalapit na finals.
Excited na ako. ilang buwan na lang ay gagraduate na ako at magrereview. Sana ay makapasa agad ako ng makatulong ako kina Rick sa mga gastusin sa bahay. Kahit pa mag-asawa na kami ayaw ko rin na maging pabigat ako sa kanila. Malaki na ang naitutulong nila sa amin ng inay.
Mga alas-singko ng hapon ng matapos ko ang aking Gawain ay nakatanggap ako ng text mula kay Rick na hindi siya makaka-uwi ngayong gabi. May mga dapat daw siyang asikasuhin. Ayaw ko man ngunit wala akong magagawa trabaho nya yun at alam kong importante talaga ito para sa kanya.
Kinagabihan ay maaga akong natulog para sa pagpasok ko kinabukasan. Naiinis ako kasi namimiss ko kaagad ang mokong na iyon. After nyang mag text kanina at hindi na ulit ito nag text muli.
Wala naman akong dapat ikainis diba. Ganito ba ang may asawa? Alam kong trabaho ang ginagawa nito at para na rin ito sa kinabukasan namin. Ngunit parang ewan lang. alam kong mahalaga ako para kay Rick at hindi naman ito gagawa ng alam nyang ikakasira namin. Pero kahit papaano natatakot pa rin ako. mahal nya ako bilang kaibigan. Pinakasalan nya ako dahil kailangang pakasalan nya ako hindi dahil mahal nya ako.
Pero kailangan kong panghawakan ang mga sinabi nya sa akin. Gustuhin ko man siyang tawagan ay pinigilan ko ang aking sarili. Siguro talaga lang busy siya ngayon kaya hindi na siya tumawag o nag text man lang. hanggang sa nakatulugan ko ang mga isipin nyun.