chapter 1 :'(

1.4K 16 4
                                    

“Our prime purpose in this life is to help others. And if you can't help them, at least don't hurt them.”

Dalai Lama

Sabi nila ang buhay ay parang gulong, di laging kang nasa ibaba o laging nasa taas. Pero sa uring pamumuhay namin lagi kong naitatanong sa aking sarili kung kelan naman kami uunlad? Kelan matatapos ang mga pagsubok na aking pinagdadaanan? Kaya pinagbubuti ko ang aking pag-aaral para naman kapag nakapagtapos ako mabigyan ko sila ng maayos na buhay. Sinusuportahan naman ako ni inay at ni tatay na maabot ang aking pangarap na makapagtapos ng kolehiyo. Isang jeeney driver si tatay at namamasukan naman na isang kasambahay si inay. Kahit kapos kami sa materyal na bagay masaya kaming namumuhay.

Simple lang ang mga pangarap namin, pero sadyang mapaglaro ang tadhana. 18 years old ako, nasa ikatlong taon na ako sa kolehiyo ng maaksidente si tatay, naratay siya ng matagal sa hospital at di nagtagal binawian din siya ng buhay. Halos lahat ng naipundar namin ay nasimot at nabaon kami sa utang. Si inay naman ng mawala si tatay ay naging malulungkutin at masasakitin. Halos lahat na ata ng raket pinasukan ko para makaraos kami ni inay.  Hindi ako pinanghinaan ng loob pinagpatuloy ko pa rin ang aking pag-aaral at mas nagging masipag ako para dito. Iskolar ako kaya kelangan na mai maintain ang aking grado. Sa awa ng Maykapal nakatuntong ako sa ikaapat na taon. Mahirap pero kailangang maging matatag para sa amin ng inay at para na rin sa ikatatahimik ni tatay kung saan man siya naroon.

"Ate Devon,  kamusta kana?" Tanong ni Katryn sa akin. Katatapos lang ng aming huling klase ito rin ang unang araw ng pasukan.

"Ok lang ako Elle,"sagot ko sa kaibigan ko.

"Si inay kamusta na siya?"

"Magaling na siya Kat, Thanks God at naka-rekober na siya sa pagkawala ni tatay. Pero di ko na siya hinayang bumalik sa pagtatrabaho."

"Ganun ba? Buti naman" at inakap ako ni Kat.

Si Katryn Elle Madrid, 19 years old, siya ang kaisa-isa kong kaibigan sa unibersidad na pinapapasukan ko. Classmate ko siya since first year, BS Accountancy ang kursong kinukuha namin. May kaya ang family nya, nung una nahihiya ako makipagkaibigan sa kanya. Dahil na din sa likas na mabait ito at walang ere sa katawan di tulad ng iba naming kaklase madali ko siyang nakagaanan ng loob. Siguro siya yung angel na binigay ni Lord sa akin para malampasan ko ang pagsubok na kinaharap ko last year. Malaki ang pasasalamat ko sa kanya dahil dun.

"Thanks Kat sa lahat, kung wala ka dito di ko na alam ang gagawin ko"

"you are welcome! no worries ate alam mo naman na malaki rin ang naitutulong mo sa akin. Ikaw siguro ang long lost sister ko."

Si Katryn galing siya sa buena familia pero ganun naman ata lahat may kanya-kanyang problemang dinadala. Kung ako kahirapan pero may masayang pamilya, siya pamilya nya ang problema. Siguro dahil din dun kaya click kami sa isa't-isa.

"Ayaw mo kasing tanggapin yung tulong na ibinibigay ko para kahit papaano makatulong sa inyo ni inay Elena."

"Elle, nakakahiya na ang dami mong tulong na naibigay sa akin, sobra-sobra naman kapag tinanggap ko pa yun. Hayaan mo kapag talagang wala na talaga akong magagawa sabihan kita"

"Ok madam Devon di naman ako mananalo sa'yo e. So mamya kakanta kaba sa club kasama ng banda ng friend mo?"

"Oo alam mo naman na raket din yun"

"Kung tinatanggap mo ba yung tulong ko e di sana uuwi kana at makakapagpahinga ka na."

"Sis ayaw kong samantalahin ang kabaitan mo sa akin. Baka masanay ako nyan mamya hanap-hanapin ko yan"biro nito sa kaibigan.

"No, worries di ako magsasawang tulungan ka" sinserong sabi nito sa kaibigan.

At inakap ko siya ng mahigpit. Pinigil kong maluha kasi ayaw kong makita nya na mahina ako at sinabi ko sa kanya "Sis, ang swerte ko at naging kaibigan kita" at inakap nya rin ako ng may tumikhim sa likuran namin. Nagulat ako ng makita ko ang kuya Sam niya.

"Katryn, cut the drama pinagtitinginan na kayo o!" iritableng sabi ni Sam sa amin.

Pinigilan ko na lang ang sarili kong magsalita, ayaw ko rin kasing magkaroon ng ano mang di magkakaunawaan ang magkapatid. Kaya hinayaan ko na lang si Katryn ang magsalita. Kahit na masyadong below the belt ang tirada nito. Kaya hindi ko nalang siya pinag-ukulan ng pansin.

"Kuya, grabe ka naman. You know she is my bestfriend. Alam mo namn siguro ang nangyari sa kanya diba? and besides who cares kung anong sabihin nila kung magakap kami walang masama kasi magkaibigan kami."mahabang litanya ni Kat sa kuya nya. Napansin nyang kumunot ang noo ni Sam sa tinuran ng kapatid.

"Whatever! Anyway dad called and he told na umuwi daw tayong maaga so pareho naman tapos na ang klase natin we might get going" sabi nito sa kapatid na may awtoridad na tono.

"Ok, pero kuya ihatid naman natin siate  Devon sa house nila anyway on the way naman diba?"

"katryn, wag na mag dapat pa rin akong gawin dito sa school sige mauna na kayo" sabat ko sa kanila.

"You heard her so let's go baka masabon pa tayo ni dad" agad aya ni Sam sa kapatid.

"Ganun ba ate, ok sige una na kami but be sure to go home safely. Regards kay inay" sabay akap at halik sa cheeks ko.

Nakita kong umiling-iling ang kuya nya. Di ko alam kung ano ang ikinaayaw nun sa akin. wala naman akong ginagawang masama at hindi ko naman naiimpluwensyahan si Katryn sa masamang gawain or something bagkus tumaas ang grades nito at napasama sa pagiging dean's lister.

Pero di ko siya masisi kasi mahirap lang ako at siguro akala nya ginagamit ko lang ang kapatid nya. Minsan pinagsabihan nya akong lumayo dito. Ilang araw kong di kinibo at hindi sumama  sa mga lakad nito. Pero sa kalaunan naawa rin ako sa kaibigan ko. Wala naman itong ginawang masama sa akin kaya bagkus naging mas malapit kami sa is't-isa at yun ang mas ikinagalit ng kuya nya.

Si Sam Limuel Matias, 22 years old graduating taking up Civil Engineer. Heartrob ang dating, halos lahat ata ng girls sa university ay crush siya. Matalino, mayaman at mayabang ang kanyang mga katangian. Mayabang, oo mayabang, maere at chickboy siguro dahil na rin sa magkaibang circle of friends niya. Kabaliktaran naman ni Kat. Di mo nga sila aakalaing magkapatid sa kadahilanang magkaiba ang kanilang ugali. Kasama siya sa Elite, mga mayayamang estudyante sa university.

 Tinanaw ko silang magkapatid hanggang sa makasakay sila sa magarang kotse nila. Kumaway si Katryn sa akin habang papaalis sila sa campus. 

naku sana yung mga kaibigan ko dito ay suportahan pa rin ako. di ko pa mai update ang LOVING YOU may readers block...este writers block...choss...ako

unofficial loveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon