Chapter 14
“So it's not gonna be easy. It's going to be really hard; we're gonna have to work at this everyday, but I want to do that because I want you. I want all of you, forever, everyday. You and me... everyday.”
Nicholas Sparks, The Notebook
God gives us what we needed and not what we wanted. At ito ang aking pinaniniwalaan ngayon. Masyado man mabilis ang pangyayari ng aming pagpapakasal. Kesehodang shotgun wedding ang nangyari. Hindi naman nag dalawang isip si Rick na pakasalan ako kaya dapat na maging mabuti akong maybahay dito. Tanggapin ng maluwag na ito ang aking kapalaran.
After naming na mag-usap at konting kissing scence sa restaurant ay may ngiti kaming bumalik sa aming lamesa. Umaliwalas ang mukha ni nanay ng makita kaming magkahawak kamay na lumalapit sa kanila.
Nakaraos ang munting salu-salo namin ng payapa at matiwasay. Hanggang sa pag-uwi naming ng bahay ay dala-dala naming ang masayang pakiramdam. Nakita ko sa mga mata ni inay at tatay ang kaligayahan na maayos naming na tinanggap ang sitwasyon. Agad kaming nagpaalam kina tatay at inay pagkarating sa bahay na papasok sa aming kwarto.
“Devz” tawag ni Ric. Kasalukuyang nasa loob kami ng kwarto. Papasok na sana ako sa loob ng banyo.
“Bes este Rick bakit?”nagtataka kong tanong. Hanggang ngayon kasi hindi pa rin nag sink in sa akin ang lahat ng pangyayari.
“Ah, wala sige lalabas muna ako at kausapin ko lang ang inay at tatay.”paalam nito sa akin.
“Ganun ba? Sige gamit lang ako ng banyo” at tumalikod na ako sa kanya.
Nanligo ako at nagpalit na rin ng damit pantulog. Pagkalabas ko ng banyo nakita kong bagong ligo na rin si Bes, naka puting kamiseta at pajama na nakahiga sa kama. Ng magbigay ata ang Diyos ng kagwapuhan ay gising na gising si Rick kaya nasalo nyang lahat. Para akong napako sa aking kinatatayuan ng makita ko ito. Kumpleto pa ang damit nyan e paano kaya kung wala. Di naman talaga ako lugi na itong lalaking ito ang aking pinakasalan. Makatulo laway talaga.
Mga ilang Segundo ko siyang pinagmasdan. Siguro ay naramdaman nya ang aking pagnanasa este pagtitig dito kaya napatingin ito sa akin.
“Devz”hanina nitong sabi.
“Ah eh….Rick” nauutal kong sabi.
Ewan ba bigla akong kinabahan ng tinawag nya aking pangalan. Iyon naman ang tawag nya sa akin dati pa pero parang kung anong meron sa pagkakasambit nya nito. Parang bigla akong pinanindigan ng balahibo . lalo nang maalala ko na first night nga pala namin ngayon. Mas lalo akong napako sa kinatatayuan ko.
“He he he he, para ka naman natuklaw ng ahas dyan eh.” Tumayo ito ng kama at iginiya nya akong papunta ng kama.
Mas lalo akong kinabahan at parang nanlalamig ang aking katawan. Naging parang sunud-sunuran ako dito.
Iniupo nya ako sa kama, tiningnan nya ako sa mata, hinawakan nya ang magkabila kong pisngi at dahan-dahang inilapit nya ang kanyang mukha sa mukha ko. Bigla akong pumikit at hinintay ang paglapat ng kanyang manipis at mapupulang labi sa akin
Ilang Segundo ang lumipas at wala akong naramdaman na labi kaya dahan-dahan kong minulat ang aking mata. Ang mokong halos maluha-luha sa pagpipigil ng tawa.
“Devz, ngayon ko talaga nagpagtanto na may HD ka sa akin”sabi nito na may nakakalokong ngiti.
“Ewan ko sa iyo!”sabay higa at talikod dito. Nagtalukbong ako ng kumot. Grabe nakakahiya. Nag iinit ang mukha ko sa kahihiyan. Ano na lang ang iniisip ng Mokong na ito na iniisip ko na may mangyayari sa amin.
“Uy! Bakit mo ako tinalikuran? tampo na agad ang asawa ko e. sige na pagbibigyan kita”habang pilit nya na humarap ako sa kanya.
“Heh! Matulog kana! Maaga pa ako bukas gigising bukas.”saway ko dito.
“Mahal” habang inaakap at hinahalikan nya ako kahit nakataklob ako ng kumot. Grabe balot ako ng kumot pero damang-dama ko ang pinaggagagawa nito sa akin.
“Rick, tumigil kana nga dyan”singhal ko dito. Ikaw ba naman ang mapahiya. Akala mo may karugtong ang nangyaring KS sa amin sa amin kanina. Kung itinuloy nya di sana baka napagbigyan ko siya. Ngayon neknek nya.
Ilang minuto pa rin nya akong kinulit ng magsawa ito ay humiga sa tabi ko at tumahimik. Makaraan ng ilang minutong nakakabasag pinggang katahimikan nagsalita ito.
“Mahal ang itatawag ko sa iyo mula ngayon. Masaya ako at maluwag sa dibdib mong tinanggap ang pagpapakasal sa akin. Kahit sa totoo parang pinikot mo ako”pabiro nitong sabi. Hindi pa rin ako nagsalita kahit gustong-gusto ko siyang suplangin.
Naramdaman kong humarap ito sa akin at inakap ako mula sa likuran. “tandaan mo Mahal, gagawin ko ang lahat para mag work ang relationship natin. Alam ko rin naman na ito rin ang gagawin mo. Basta till death do us part. Pakakasalan ulit kita afte two years sa simbahan. Yun naman ang dapat diba? Kung di nga lang nagmamadali ikaw…este si nanay na pakasalan kita dapat dun kita pakasalan kasi you deserve it. Kaya naman two years siguradong nakamit mo na ang pangarap mong maka graduate at maging CPA. Saka liligawan muna kita para naman masabi mo na tapat ako sa iyo. Alam ko rin na di ka pa handa na gawin ang ginagawa sa first night kaya maghihintay ako kapag ready kana.”
Masyado naman akong kinikilig sa mga sinasabi ng Mokong na ito. Bakit ba ito ganito magsalita para naman na mahal nya ako hindi bilang kaibigan kundi higit pa dito? Naku Rick, hwag kang ganyan baka maniwala ako.
Maya-maya pa naramdaman ko na nakatulog na ito. Unti-unti kong binaba ang kumot na nakataklob sa aking ulo para tingnan ito. Tama nga ang hinala ko na natutulog na ang mokong at nakaakap ito sa akin na para bang natatakot na makawala ako. Hinawakan ko ang kanyang ulo at hinagod ang kanyang buhok.
Naiinis ako ngunit di ko alam kung bakit. Baka sa hindi natuloy na love making o sa biro nyang pinikot ko siya. Masaya ako. Oo masaya ang pakiramdam ko kasi kahit papaano nalaman ko na hindi pilit ang pagpapakasal nya sa akin. Tama gagawin naming ang lahat na maging maayos ang aming pagsasama bilang mag asawa.
Humarap ako dito at inakap ko rin siya gaya ng isang tunay na asawa. Gustuhin ko man na halikan ito kahit sandali ay pinigilan ko ang aking sarili. Mahirap na baka magising at ituloy na nya ang naudlot naming na honeymoon at hindi na ako makahindi. Hanaggang sa dalawin na ako ng antok at makatulog na rin ako ng payapa sa bisig nito.