“One of the most beautiful qualities of true friendship is to understand and to be understood.”
Lucius Annaeus Seneca
Ang sarap pala ng feeling na walang naiinis sa’yo, walang sambakol ang mukha kapag nakikita ka to the point nagdududa ka sa sarili kung ganun ka nega ang dating mo. It’s gone with the wind. Tiba-tiba palang maging friend si Sam Limuel ‘TUKMOL’ Matias. Halos araw-araw hatid sundo lang naman ako. Mali pala…halos araw-araw na kaya akong isinasabay papasok at pauwi syempre kasama namin si Kathryn baby.
Noon una para lang nahihiya ako at naninibago. Pero sa katagalan keribels na. Hindi naman ako nagpupumilit diba? Mahirap tanggihan ang grasya lumalabo ang mata. Yun nga lang kulang na lang ay magpalit na kami ng mukha sa pagiging close. Tingnan mo nga naman kung dati-rati to the highest power ang pagkasungit nito sa akin ngayon konti na lang tatalunin na nya ang pagiging ALL OF THE ABOVE ng Bes ko. Pero syempre no one beats the original.
Nitong nagdaan na mga linggo ay naging busy kami sa school at ang paghahanda sa nalalapit na pagbubukas ng boutique ni Kathryn. At dahil syempre ako ang dakilang PA always present ako sa lahat ng preparations. Buti na nga lang at minsan hindi nakakasama sa amin si Tukmol you know who sa mga lakad dahil na rin na busy siya sa thesis na ginagawa. Breathing space yun para sa akin. Minsan kasi OA na. Kung pwde ko nga lang patulan ginawa ko na.Iinaalala ko lang ang aking ever supportive friend na si Kathryn.
Gustuhin ko mang magtanong kung ano ang nakain ng kuya nito at parang 360 degrees ang pagbabago sa pakikitungo nito sa akin pero dala ng aking hiya di ko na naitanong. Siguro tama lang ang aking motto sa buhay ‘Hindi lahat ng katanungan ay may kasagutan. Makiayon sa agos ng buhay.’ Ganun kasimple. Baka kasi malaman ko pa maging kumplikado pa ang buhay ko.
Si Rick my Bes, magdadalawang buwan lang naman hindi umuuwi. Inaasikaso kasi nila na makakuha ng panibagong resident band na tulad nilang HOT daw na papalit sa kanila. Nahihirapan na kasi sila. Halos lahat ng ka bandmates nila ay dito sa manila naka base kaya napagkasunduan nila na maghanap. Infairness walang pagbabago sa schedule ng pagtawag at pag text. BF na BF talaga ang peg. Katulad ngayon tumatawag si mokong.
PHONE CONVO
“Hello, Bes musta na?”panimulang bati ko.
“OK, lang Bes parang ang aliwalas ng araw natin ngayon ah”pabiro nitong sagot. “Hula ko nasa school ka ngayon at hindi mo pa nakikita ang makakapagpasira ng mood mo. Tama ba ako?”minsan naisip ko may ESP itong mokong na ito. O baka naman ganun nya talaga ako kakilala. Anyway, tama naman siya kasi Lunes ngayon at kami lang ang magkasabay ni Kathryn pumasok. Meaning walang tukmol.
“Oo naman. Lalo na at ikaw ang unang tumawag sa antique kong cellphone”biro ko dito.
“Antique, hoy alam kong hindi mamahalin ang cp na binili ko sa’yo pero yan ay galing sa puso ko”nagtatampo nitong sabi.
“Di kana talaga mabiro Bes. Siyempre mahal na mahal ko itong cp na ito. Ikaw naman itong sinasabi kong antique e.”tatawa-tawang kong sabi.
“O sige baka makaabala pa ang Antique na ubod na hot na ito sa’yo”ganting biro nito. “Namiss lang kita kaya ako tumawag at para na rin icheck kong ok ang mood mo”.
“Oo na, miss na rin kita pati ni nanay at tatay Romeo kaya sana umuwi ka naman.”
“Malapit na Devz kaya dapat maghanda kana mag evacuate sa kwarto ko o kaya naman maging roomates na lang tayo”
“Aruu, feeler ka talaga kahit kelan. O cge na kahit alin basta umuwi kana. Ingat ka jan”sabi ko.
“Opo, Mrs. Santillan”patawa nitong sagot.