Don't judge me, you can't handle half of what I've dealt with. There's a reason I do the things I do, there's a reason I am who I am. – Anonymus
Ilang lingo ng nakaalis si Rick at ang grupo nya papuntang Cebu para maging resident band ng Bar na itinayo ng kaklase nya. Pagkatanggap ko ng alok ng tulong sa kanila kada lingo ay nagdadala ng groceries at mga gamot na reseta sa inay si tatay Romeo. Alam nila kasi na di ako tumatanggap ng pera kaya sila na ang bumibili ng mga gagamitin ko sa bahay. May konti akong naipon kaya yun ang ginagamit ko panggastos sa aking pag-aaral.
Sa ilang linggong rin na iyun halos araw-araw may text at tawag ako mula sa aking kaibigan. Parang bf lang peg. Minsan nga napapaisip ako na may gusto sa akin ito ngunit kapag naalala ko ang dalawang taon na panliligaw nito sa dati nyang nobya na si Celine. Nasasabi ko na matalik na kaibigan lang talaga ang papel ko sa buhay nya. Kung mas higit dun ay kapatid na ang turing nya sa akin.
Dahil raketera ako at hindi naman sasapat ang aking naipon at sa ilang gastusin na hindi ko na inasa kina tatay Romeo. Tinanggap ko ang alok na maging PA ni Kat. Inaayos ko lang ang schedules nya at mga research papers dapat nyang asikasuhin ngunit siya ang nag-aayos ng mga reports nito. Busy narin kasi siya sa pagiging Secreatry ng student council ng university naming at pag-aayos ng sisimulan nyang negosyo pagka-graduate naming.
Maayos n asana ang lahat ngunit mas lalong naiinis sa akin si Sam, sa kadahilanang lagi akong kasama sa mga lakad ni Kat dahil nga sa pagiging PA ko. May party na iniorganize si Kat sa campus kaya ako ang kasama-sama nya sa pag-aayos at paglilista ng mga dapat bilhin na mga decorations. Dahil sa wala akong damit na magagamit ay isinama ako ni Elle sa pamimili nito. Sinamahan siya ni Sam ng araw nayun. Habang namimili si Elle ng kanyang isusuot nakaupo ako sa isang upuan at abala ako sa pag-aayos at pag reresearch na gagamitin nya sa reports sa susunod na araw. Naramdaman kong tumabi ito malapit sa akin at may sinabing hindi ko nagustuhan.
"So, kamusta ang pagiging PA ng kapatid ko.Marami ka bang nakikilala na matataas ang estado ng buhay na magagamit mo sa ambisyon mo?"sarkastikong tanong nito.
" I beg your pardon sir? Paki explain mo ng maayos at di ko nauunawaan ang tinatanong mo?"Naguguluhan tanong ko sa kanya.
Sir ang tawag ko sa kanya at hindi naman nya iyon tinutulan. alam ko naman kung gaano kababa ang tingin nito sa akin bilang tanda ng paggalang.
"Really, nahihirapan kang intindiin ang tanong ko? Akala ko matalino ka, alam ko alam mo ang nais kong sabihin."nakaklokong ngiti nito.
"Sir Sam, PA ako ng kapatid mo. Alam kong mahirap ako pero hindi ako mangagamit ng tao. Pinakiusapan ako ni Elle to be her PA at dahil gipit ako at kailangan ko ng pagkakakitaan tinanggap ko ang offer nya. Kung ano man ang nasa isip mo nagkakamali ka. Sana bago maghusga ng tao kilalanin mo muna." at tumayo ako at lumayo sa kanya. Galit ako pero hindi ko hahayaang maapektuhan ako sa sinasabi nya. Pasalamat nalang at nakapili na si Elle ng isususot nyang cocktail dress sa party. Pinapili nya rin ako ng aking isusuot, pinili ko ang pinaka simple at murang damit na andun. Afterall di ko naman kailangan maging maganda sa okasyon na yun. Isinukat ko yun at binagayan naman ako. Sabi nila kahit ano naman ang isuot ko bagay sa akin. Balingkinitan ang aking katawan a may taas na 5'3" kaya kahit papaano madali akong makahanap ng damit na kakasya sa akin.
Napansin kong nabigla si Sir Sam ng makita ang isinukat ko na damit. Di ko maiwasan ngumiti sa kadahilanang nakaramdam ako ng konting confidence ng makita ang reaksyon nya. Agad akong nagpalit ng damit at inayos ang pinamili ng aking kaibigan. Marami pa kaming dapat iaayos sa party.
Nasa mansyon kami nina Katryn at abalang inaayos ang mga huling kakailanganin sa okasyon at ng matapos kami, pinakiusapan nito na ihatid ako ni sir Sam. Pinilit ko si Katryn na kaya kong umuwing mag-isa. Alam kong napipilitan lang ang kuya nya at dahil na rin sa nangyari kanina kaya iniiwasan ko na magkaroon kami ng pagkakataon na mapag-isa. Hindi pumayag si Katryn sa gusto ko kaya pinaunlakan ni Sam ang kapatid.
Tahimik kaming habang nasa loob ng sasakyan, wala ni isa sa amin ang naglakas ng loob na magsalita. Ipinagpasalamat ko na rin dahil baka kapag may nasabi na naman siya ay di ko na mapigilan na masagot ito ng di maganda . Nirerespeto ko pa rin siya para kay Katryn, ayaw ko na dahil sa akin magkaroon sila ng di pagkakaunawaan nito. Nang makarating kami sa aming lugar, nasa harap na kami ng aming bahay nakita kong humahangos ang aking kapitbahay na si aling Tale palapit sa akin.
"Devon buti at dumating ka, dinala namin si nanay mo sa ospital, kani-kanina lang. Nawalan ito ng malay habang pinapakain ni Ursula, kanina ka pa naming tinatawagan pero nakapatay ang cp mo"
"Ho? Saan pong ospital?'tanong ko dito.
"Dyan sa General Hospital natin"
"Sir Sam sige po salamat sa paghahatid." at agad akong pumasok sa loob ng bahay para ihanda ang ilang gamit ni inay. Hindi ko napansin na sumunod pala sa akin si sir.
"Halika na ihahatid na kita dun" sabi nya sa akin.
"Ok lang ako sir, baka may gagawin pa kayo" pigil ko ang luha ko na wag pumatak. Para ma divert ang attention ko ay inayos ko ang mga gamit na kelangang dalhin ko papuntang hospital. Tiningnan ko ang aking cp at marami itong missed calls at messages. Agad kong tinawagan si Rick'.
"Rick si nanay na ospital" panimula ko sa kanya. "Oo tatawagan ko na lang si tatay Romeo. Salamat." at pinatay ko ang cellphone. Paalis na ako ng bahay ng mapansin kong andun pa rin si sir parang hinihintay ako.
"Halika na ihatid na kita dun." walang sabi-sabing hinila nito ang kanyang kamay palabas ng bahay at isinakay sa kotse.
Sa ospital agad kong pinuntahan ang kwartong kinaroroonan ni inay. Sa isang charity ward, yun Lang din kasi ang kaya naming maukupahan. Agad akong lumapit sa natutulog kong Ina. Tahimik ko siyang pinagmasdan. Malaki na talaga ang ipinayat ni inay. Alam kong may malaki siyang dinaramdam lalo na ang pagkawala ni itay. Hinawakan ko ang kanyang humpak na pisngi. Kahit anong pigil ko sa mga luha Kanina ko pang pinipigilan heto at nag uunahang pumatak. May bigla ng nag abot ng panyo sa akin.
" I think you need this." sambit ni sir Sam sa akin Habang ibinibigay Nya ang panyo sa akin.
" Salamat. " tugon ko habang tinatanggap ito. " sir, salamat sa paghahatid. Ok na po ako. Mamya darating na po si Tatay Romeo."
"Sige samahan muna Kita hanggang dipa siya dumarating tutal sa hapon pa naman ang klase ko Bukas. Gusto mong samahan kitang kausapin ang doctor na naka assign sa kanya?"malumanay nitong sabi sa akin na para bang kakaibang tao ang aking kausap at kaharap. Kung noon lagi itong naka-ismir at kunot ang noo ngayon ay kabaligtaran. May kabutihan din naman pala itong natatago. Sabagay mabait naman si Katryn at mahal nya ang kuya nya kaya siguro ganun din ito. Kaya ay tumango ako at lumabas na kami sa Kwarto para makausap ang doctor.
Wala naman ibang sinabi ang doctor sa sakit ng inay kundi ang hindi nito pagtulog ng wastong oras at pag-iisip. Hindi ko mawari kung ano ang aking nararamdaman ng oras nay un. Parang may itinatago ang doctor na kausap ko. Nakikita ko sa mga kilos ni inay at sa pangangayat nito na may matindi itong nararamdaman. Kung may pera lang kami para mapatingnan si nanay sa isang especialista sa isang pribadong hospital.
Hinintay ko na lang si tatay Romeo na dumating. At si sir Sam katabi ko na naka upo sa loob ng kwarto ng inay. Ilang beses ko ng sinabihan na kaya ko ng mag-isa ngunit pinilit pa rin na hintayin si tatay Romeo. Walang isa man nagsasalita sa amin. Alam nya siguro na kailangan ko lang ng kasama para maramdaman ko na hindi ako nag-iisa.
Hanggang dumating si tatay Romeo mga alas onse ng gabi. Pinilit ako ni tatay na umuwi sa kadahilanang may pasok pa ako kinabukasan. Ayaw ko sanang iwan ang inay sa ganung kalagayan ngunit kailangan kong pumasok bukas ng maaga para sa preparasyon na gagawin sa campus. Ipinakiusap ako ni tatay na ihatid sa bahay. Hinalikan ko si inay sa ulo bago ako umalis.