Chapter 6
An endangered species is a population of organisms which is facing a high risk of becoming extinct because it is either few in numbers, or threatened by changing environmental or predation parameters.
Wikipedia
Nagising akong wala na sa kama si Rick. Napansin ko na parang hindi natulugan ang kama nya. Totoo kaya yung napanaginipan ko na tinabihan nya ako at inakap. Hay, kung tunay lang sana. Sarap kasi ng tulog ko kaya hindi ko na naramdama ang mga nangyayari sa paligid ko. Patayo na ako ng biglang pumasok si Rick sa kuwarto. Ang yummy nya kung pwde araw-araw na ganito ang tanawin ko sa umaga. Shirtless na nga pinagpapawisan pa.
“Devon, para kang natuklaw ng ahas dyan”biro nito at kumuha ng tuwalya.
“Hoy, lalaki. Baka naman pwdeng magdamit ka at baka abutin ka ng pulmonya”iritableng kong sagot. Paano ba naman hindi ako matutulala sa ayos nyang yun. Gawin pang makasalan ang mata ko. Agad kong tumalikod sa kanya at inayos aking hinigaan.
“Masama ata ang gising mo? Kasi naman sa lapag pa ng kama natulog yan tuloy ang init-init agad ng ulo”sermon nito.
“Alam ko naman ang gagawin mo e kung sa kama ako hihiga pipilit kang tumabi sa akin. Para hindi kana mangulit dito na ako natulog”bulyaw ko.
“Tulog mantika ka kamo kaya hindi mo alam.”tatawa-tawa nitong sabi.
“Ano ang hindi ko alam?”tanong ko dito.
“Wala. Mag-ayos kana at ala-otso na. kelangan na nating magpunta sa hospital at ngayo lalabas ang nanay. May pagkain na nakahanda sa kusina at kumain kana dun.”pumasok siya sa banyo para manligo.
“Opo, kamahalan.”sagot ko.
Paglabas ko ng kusina ay may nakahanda ng pagkain sa mesa. Napangiti ako. Napakaswerteng babae talaga ang magiging asawa ng kaibigan kong ito. Hindi lang ALL OF THE ABOVE to the highest level pa talaga. Saan ka pa ba makakakita ng lalaking marunong sa kusina. Parang endangered species na ata. Lord sana makakilala pa rin ako ng isa pang endangered species na katulad ni Bes.
Sinimulan ko ng kumain. Grabe ang sarap niyang magluto as in promise walang halong biro. Chopsuey plus fried fish equals HEAVEN. Nasa kalaghatian na ako ng pagkain ng bumukas ang pinto sa banyo. Sini seduce ba ako ng lalaking ito? Pumarada ba naman sa harapan ko ng walang damit pangtaas at nakatapis lang ng tuwalya. Walangjo nakakawala ng gana kasi mas masarap pa siyang tingnan kesa sa kinakain ko. At ang mokong tumabi pa sa akin na para bang sinasabing “Tikman mo ako”. Makakatikim talaga ang lalaking ito sa akin.
“Hoy, bawal kumain ng hubad. Irespeto mo ang grasya ng Diyos”paangil kong sabi.
“Ikaw ha, kung hindi ko pa alam kanina mo pa akong pinagnanasaan”biro nito sabay akap sa akin. Grabe ka conceited ng mokong. Hilahin ko kaya ang tapis ng makita ko este ng makita nya ang hinahanap nya.
“Kung ikaw din lang naman ang pagnanasaan ko di bale na lang. may sir Sam kaya na lagging amoy imported kesa sa iyo”sabi ko. Ewan ba kung bakit ko nabanggit ang tukmol na iyon. Pero infairness effective inalis nya ang pagkakayakap sa akin. Pumasok sa kwarto at nagbihis. Paglabas nito ay di maipinta ang mukha. Ni walang imik na kumain. Dali-dali kong tinapos ang pagkain at ako naman ang nanligo.
Matapos ang nakakabasag na katahimikan naiayos ko na rin ang mga gamit na dadalhin naming sa bahay nina tatay Romeo. Idinaan muna naming yun sa bahay nila at pagkatapos ay dumiretso na kami ng hospital. Sinalubong kami ni tatay sa may lobby ng hospital at sinabing pwde ng umuwi si nanay at nabayaran na nya ang hospital bill nito.
Maaga kaming naka-uwi sa bahay. Inayos ko an gaming mga gamit. Bungalow type ang bahay nina Rick na may tatlong kwarto. Sa guest room pinatuloy si inay at yun ang magsisilbing kwarto nya. Yung kwarto naman ni Rick ang pinagagamit sa akin sa kadahilanang naka destino naman ito sa Cebu at kung magbakasyon naman siya ay sa kwarto ni tatay ito matutulog dahil may extra bed ito at malaki ang kwarto. Hindi na ako tumutol kasi kung gagawin ko yun hindi rin ako mananalo kaya sumunod na lang ako.
Pagkatapos kong iaayos ang inay sa kanyang silid ay iniayos ko ang aking gamit sa kwarto ni Rick. Maayos naman ito sa gamit. Para ngang hindi lalaki ang may ari ng kwarto na ito. Napansin ko na may picture kami na naka frame sa side table nya. Masasabi ko talagang he really cherished our friendship.
Lumabas ako ng kwarto ng mapansin kong nakaupo ito sa sala habang nanonood ng TV. Hananggang ngayon di pa rin nya ako kinikibo at nakabusangol ang mukha. Lumapit ako at tumabi dito. Mga ilang minute na akong naka upo dun ay hindi pa rin ako kinibo kaya sinimulan koi tong kilitiin.
“uy, tatawa na yan.” Sabi ko. “Rick hindi bagay sa iyo ang nakakunot ang noo ang pangit mo” lumipat ito ng upuan at hindi pa rin ako pinansin. “Kausapin mo naman ako o, bakit kaba nagagalit dahil sa pinagnanasaan ko si Sam kesa sa’yo? Sa totoo lang nasabi ko lang naman yun kasi naiinis ako sa’yo. Bakit ba kita pagnanasaan e kaibigan kita dib?. Saka concern lang ako sa health mo. Lagi kang hubad baro e kung pulmonyahin ka. Sige na, bati na tayo. Saka never kong pinagnanasaan yung tukmol na Sam nay un noh”tumabi ulit ako sa kanya at inakbayan ito. Di kasi ako sanay na nagtatampo ito sa akin. Naramdaman ko na lang na hinalikan nya ako sa ulo.
“Talaga, hindi ko yun pinagnanasaan?”parang batang paslit na nagtatanong. Ewa ba katanda na e isip bata pa rin ito. Ganun siguro ang nag-iisang anak tulad ko.
“Oo, hindi noh. Kung may pagnanasaan man ako yung ENDANGERED SPECIES na tulad mo.”natatawa kong sabi.
“Endangered species? Anong ibig mong sabihin?”naguguluhan nitong tanong.
“Basta maki ENDANGERED SPECIES kana lang”at ipinatong ko ang aking ulo sa kanyang balikat. Siguro nawala na ang init ng ulo nya sa akin kasi ipinatong din nya ang ulo nya sa ulo ko. Matiwasay kaming nanood ng TV.