Chapter 7
Don't think for a second your back won't be stabbed, because people change, and feelings fade, but don't worry new friendships are made.
Travis Scott
Lunes ng umaga ng bumalik papuntang Cebu si Rick. Nakakalungkot kasi wala na naming mangungulit sa akin. Wala kaming ginawa sa loob ng dalawang araw kundi magkulitan. Tinuruan din nya akong magluto ng paborito kong chopsuey para di ko daw siya masyadong mamiss. Masyado talaga itong ilusyonado. Pati na rin ng paborito ni tatay Romeo na escabeche at chicken menudo na paborito ni nanay ay itinuro nya sa akin. Kelangan ko daw matutunan para naman daw matuwa sa akin ang dalawang oldies. Laughtrip talaga yun. ENDANGERED SPECIES nga talaga siya.
Pagkarating ko sa school ay agad akong kinamusta ni Kathryn regarding sa kalagayan ni nanay, at sa bago naming tinitirhan. Hindi rin nakaligtas ang ilang tanong kay Rick. Feeling ko crush ni Kat ang kaibigan ko. Sino ba naman ang hindi magkakagusto kay Bes. Palagay ko bagay sila ni Kat. Pero bakit ganun nakakaramdam ako ng takot? Katulad ng naramdaman ko ng magsimulang manligaw si Bes kay Celine. Pero dapat maging masaya ako sa dalawa kong kaibigan kung sila man ang magkakatuluyan. Kung may babae man na mamahalin si Bes deserving si Kathryn. Ano ba masyado akong advance nagtanong lang e gf/bf agad-agad.
Pagkatapos naming ng klase agad ko inayos ang mga ni research ko na gagawan ni Kathryn ng report. Ipinayos nya rin sa akin ang mga applicants na mga newly grad na designer na iintebyuhin nya at titingnan ang mga designs na nagawa. Kada vacant period ay inayos ko ang mga projects naming dalawa. Hindi ko naman napagkikita si sir Sam ng araw nay un. Busy siguro at kasama ng mga Elites.
Akala ko swerte na ako sa araw kasi ni minsan hindi ko nasilayan ang mga Elites plus Mokong pero talagan nananadya ata ang panahon. Ika-tatlo ng hapon kainitang tapat ng mapadaan sa tapat ng bleacher na inuukupuhan namin ang ang grupo nina sir Sam na may kanya-kanyang kapareha. Magaganda nga naman, mestiza, naka kuntodo make-up na akala mo e aatend ng party sa katanghaliang tapat.
Iiwas ko na ang aking tingin ng mapasin ko ang naka ismir na ngiti ni sir Sam sa akin. Conceited #2 kung si Bes ang #1 humahabol ang isang ito. Kaya binawi ko ang akin tingin at itinuloy ang aking gingawang research sa laptop na pinahiram sa akin ni Kat.
Akala ko lalampasan lang kami pero dun pa talaga tumambay sa katabing bleacher namin at ginulo ang mapayapa naming pag-aaral. Pinigilan ko na lang ang aking sarili. Alam ko naman na maayos na I handle ni Kat ang kanyang kuya. Rush kasi naming ginagawa ang report na gagamitin bukas. At hindi naman ako nagkamali.
“Kuya”tawag nito kay tukmol. “I know I have no right to say this but please respect the other students who are doing their best to study here peacefully”prankang sabi nito. “I know you kuya you are up to something but please”nagmamakaawang sabi nito. Nakipagtitigan ito sa kapatid at ito na rin ang bumawi. Alam naman kasi nya na mali ang gingawang pag-iingay ng mga kasama nya. Kaya sinabihan niya ang barkada nya na lumipat muna sa gym. Ang akala ko ay sasama siyang aalis ngunit nagpaiwan ito. Tumabi ito sa kapatid ang humingi ng pasensya.
“I’m sorry baby sis”amo nito sa kapatid.
“You should be kuya. Gosh, you are already 22 years old. Grow-up kuya be a man.”umalis ito sa table namin at lumipat sa kabilang mesa. Nabigla ako sa inaasal ng magkapatid. Para bang may friction na namumuo na hindi ko napansin. Ayaw kong makialam kaya itinutok ko ang aking isip sa report na gagawin ko ng may biglang humawak sa kamay ko.
“I’m sorry too for being a capital A-hole to you”makahulugan nitong sabi sa akin. Parang nabingi ako at namalikmata sa aking nakikita. The high and mighty SAM limuel Matias humihingi ng tawad. Nakaka shock. Speechless ako ng oras na yun. Buti na lang at konti lang tlga ang mga estudyante na naroroon. Ng makabawi ako at hinatak ko ang aking kamay.
“Ah, ok. Hwag mo..nyo na ulitin at binawi ko na ang akin tingin.”ewan ba pa para kong nakita si froggy na nagging prinsepe sa harapan ko. Tumingin ako kung asan naka upo si Kat at napansin ang simpleng ngiti sa kayang mga labi.
“Can we start all over?”tanong nito. Ng hindi ako tumugon. Tumayo ito. Akala ko aalis na siya pero nagkamali ako. Tumabi siya sa akin at inilahad ang kanyang kamay. “Hello, I am Sam Matias and you are?” Ano daw? Naguguluhan akong tumingin sa pwesto ni Kat. Parang hindi mag register kung ano ang gusto ng kuya nya. Ngumiti ito at tumango na parang sinasabing ‘go ahead accept his friendship for me’. Tumingin ako sa mukha ng katabi ko at nakita ko ang sinserong mukha nito. Siguro tama lang na tanggapin ko ang friendship na sinasabi nito. Para kay Kat..alalang-alang kay Kat. Inabot ko ang kanyang kamay.
“Devon, Devon Maribeth Sebastian nice to know you.”at tipid akong ngumiti sa kanya.
Siguro panahon na para magpatawad. Kalimutatan ang pangit na nangyari at ituwid ang hinaharap.
@kayecee bunso thank you sa pagbabasa.