chapter 11

307 5 4
                                    

Love is never lost. If not reciprocated, it will flow back and soften and purify the heart.

Washington Irving

Rick’s POV

Ng tumalikod si Devon after naming mag-usap gusto siyang pigilan ngunit pinili kong pumasok. Agad na sinalubong ako ni Kean at itinanong kung ano ang problema namin ni Devon ngunit hindi ko ito sinagot bagkus umupo ako sa sofa at pumikit.

“Bakit di mo pa ba sabihin sa kanya yung nararamdaman mo para hindi ka ganyan”advice ni Kean sa akin. Ngunit di ako sumagot na parang di ko siya narinig.

“Tama naman si Kean. Rick natatakot ka na mawala si Devon sa palagay mo ba sa ginagawa mong yan di sila mawawala sa’yo”paliwanag ni Richie.

Ngunit patuloy ko silang hindi pinansin. Alam kong tama naman sila. Dapat kong ipaglaban kung ano man ang nararamdan ko. Mas mabuti ng lumaban ako kesa hayaan na mahulog ang loob nito sa lalaki. Mga ilang sandal pa ay tinawag na kami para magsimula.

Pagkalabas naming sa stage Nakita ko kaagad si Sam na nakaakbay kay Devon at waring may ibinubulong. Ngumiti ng tipid si Devon kung anuman ang sinabi ni Sam. Nakaramdam ako ng selos. Pumikit ako at inayos ang sarili. Hindi ko dapat intindihin ang naramdaman kong ito. Naniniwala akong kaibigan nya lang ang lalaki at wala dapat akong maramdamang selos.

Nang iminulat ko ang aking mata ay nakalabas na ang dalawa. Gusto man silang habulin ngunit kelangan ako ng mga kaibigan at kasamahan ko dito. May tamang panahon para dito.

“Anak, mabuti at umuwi ka na” bati ng tatay ko sa akin. Napagpasyahan kong umuwi ng gabi na iyon after ng gig.

“Bakit di pa kayo natutulog?”

“Naalimpungatan kasi ako ng narinig kong may sasakyan na tumigil sa harapan ng bahay”sagot ni tatay.

“Kamusta kana? Ano bang nangyayari sa’yo? Sa inyo ni Devon?” sunod-sunod na tanong ni tatay.

“Nagkatampuhan lang po kami.”

“Ayusin mo at nag aalala ang nanay Elena mo. Alam mo naman ang kalagayan nun.”

“Opo, tay aayusin ko na po ang gusot sa aming dalawa”

“O cya at ako ay tutulog na. Sana naman ay maging maayos na kayong dalawang magkaibigan”at pumasok na ito sa kwarto.

Inilapag ko sa sofa ang bag na nilalagyan ng ilang piraso kong damit. Kumuha ako ng pangpalit at tuwalya ngunit napansin ko na wala akong dalang kamiseta. Pumasok ako sa CR para maghilamos at mag toothbrush.

Pumasok ako sa kwarto ko na sa kasalukuyan ay tinutulugan ni Devon upang kumuha ng kamiseta. Kasalukuyan itong maayos na natutulog ng makita nya ito. Ewan ko ba kung ano ang nagtulak sa akin na lumapit sa natutulog kong kaibigan. Umupo ako sa tabi ng kama. Napansin ko na may luha pa sa kanyang mga mata.

Alam ko na ako ang may dahilan kung bakit siya nasasaktan. Gago kasi ako para magselos. Wala naman akong karapatan na magselos kasi hindi ko naman siya gf. Pero mahal na mahal ko siya. Kung alam lang naman nya ang nararamdaman ko. Pero natatakot akong sabihin kung anuman ang nilalaman ng aking puso.

Natatakot akong baka iwasan nya ako. Pinilit ko naman ibaling ang pagmamahal ko sa kanya. Kesehodang nanligaw ako ng iba para alisin kung anuman ang nararamdaman ko, ngunit kahit anong pilit kong gawin siya talga ang andito sa puso ko.

Simula ng mag-break kami ni Celine hindi na ulit ako nanligaw. Kasi kahit anong pilit kong gawin siya pa rin ang isinisigaw ng aking puso. Hindi ko napigilan na haplusin ang kanyang mukha. Akala ko hindi ito magigising kasi naman tulog mantika talaga ito ng biglang nagmulat ito ng  mata.

“Bes? Andito ka?”dali-dali itong bumangon at ako ay tumayo sa pagkakaupo ko sa sahig.

“Sorry”tipid kong sabi dito. Masakit marinig sa kanya na Bes nya ako. Alam ko naman simula pa lang kaibigan lang naman ang turing nya sa akin.

Inakap nya ako at patuloy na lumuha.

“Shhh. Tama na devz. Hwag kanang umiyak. Sorry talaga sa inasal ko kanina. Marami lang talaga akong isipin nitong mga nakaraan na araw”paliwanag ko dito. Habang iniuupo ko ito sa kama.

“Kainis ka naman Bes e. pinag-alala mo talaga ako. Alam mo bang pati si nanay nagtataka kung bakit hindi kana masyadong umuuwi dito. Parang batang nagmamaktol.

Ng bigla itong tumayo at pumunta sa tokador at kumuha ng kamiseta ko.

Devon’s POV

Heto na naman siya. Namalayan kong hindi na naman ito nakadamit. Kahit kelan talaga itong lalaki ito oo. Kaya tumayo ako habang pinupunasan ko ang aking luha. Sabay kuha sa tokador ng isang kamiseta nito.

“Hayan, magsuot ka ng damit. Grabe ka talaga. Hubad baro akala mo sexy star ang peg” habang isinusuot ko ito sa kanya.

Para naman itong bata. Matapos nyang isuot ay humiga ito sa kama at sinabing tatabi daw ito sa akin. Kaya pilit ko itong hinila. Ngunit di ito tuminag sa pagkakahiga nito. Sa laki ba naman ng taong ito kesa sa akin malamang na di ko talaga ito maiaalis dito.

Kaya wala akong ginawa kundi humiga sa tabi nya. Nakatalikod ito sa akin. Humarap ako sa kanya. Na miss ko talaga ang Mokong na ito. Kaya inakap ko siya mula sa likuran. Parang nakuryente ako sa aking ginawa pero hindi ko inaalis ang pagkakaakap ko sa kanya. Hinawakan nya aking kamay at inaakap ng mahigpit sa kanya.

Rick’s POV

“I miss you Devon. Sobra!”sinabi ko sa kanya habang hinawakan ko ang kanyang kamay at inaakap ng mahigpit ito sa akin.

Sarap ng pakiramdam ko ng inakap nya ako. Parang lahat tumigil ang oras ng mga sandaling ito sa akin. Matagal ko ng gusto na maging ganito kami kalapit sa isa’t-isa. Inilagay nya ang kanyang baba sa may balikat ko. Akmang haharap ako sa kanya ng nagsalita ito.

“Na miss din kita Bes. Ikaw lang ang tangi kong kaibigan. Kahit na anong mangyari hindi kita ipagpapalit kahit kanino. Ikaw kaya ang original. No one beats the original sabi nga nila.”nakuha pa nitong magbiro.

Sa narinig ko nawala ang lakas ng loob kong magtapat. Kaibigan nya lang talaga ang turing nya sa akin at walang iba. Ayaw kong isugal ang pagkakaibigan naming para sa aking nararamdaman. Hindi ko kayang mawala sa akin kung anuman ang meron kami ngayon. Siguro hindi pa ito ang tamang panahon para malaman nya ito. Sana dumating ang panahon na malaman nya ito at sana ganun din ang kanyang nararamdaman sa akin. 

hindi na lang ako sumagot bagkus mas hinigpitan ko ang paghawak ko sa kanyang kamay at pumikit ako. Ayaw ko na munang mag-isip ang mahalaga andito siya sa tabi ko at naka-akap. hindi man nya ako mahal sa paraan na gusto ko mamahalin ko siya sa paraan na alam ko. Magiging masaya basta andito lang siya sa tabi ko.

unofficial loveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon