even when you tried so hard to conceal what you feel but in the end you still failed.
Naging maayos naman ang party na inorganize ni Kathryn. Hindi naman ako nakapag enjoy sa kadahilanang nasa hospital si inay. Kundi nga lang kailangan mag attend di talaga ako aatend. Heto ako nasa isang tabi ang tinitingnan ang mga estudyanteng nagkakasayahan. Buti pa sila wala silang problemang tulad ng kinakaharap ko. Iginala ko ang akong paningin at hinanap ko kung asan ang kaibigan kong si Kathryn. Ng may biglang nagsalita sa tabi ko.
“Aren’t you enjoying the party?”muntik na akong mapasigaw dahil dun. Bigla kasing sumulpot na parang kabute sa tabi ko si sir Sam. Maayos n asana ang lahat ng hindi na ulit nya ako pinapansin. Dahil yun naman ang talagang dapat diba. Hindi naman kami magkaibigan para magpansinan. Kung dati kaya kong deadmahin ang lalaking ito bakit ba parang naiinis na ako sa ibinibigay nitong atensyon sa akin.
“How can I be when my mom is in the hospital and please leave me alone I don’t need your company.”mataray kong sagot. Inglesirong palaka. Sa halip na mainis sa sagot kong nakapagtatakang ngumiti ito ng pagkatamis-tamis.
“You should feel lucky. I lot of girls want to catch my attention but here I am want to accompany you.”mayabang nitong sabi.
“Sad to say, I am not interested. I rather sit here alone than having this kind of conversation with you. So if you will excuse me I need to find my friend and my privacy.”at umalis ako sa aking kinauupuan. Hindi ko na nilingon.
Anong akala nya dahil sa pagiging mabait at pagtulong nya sa akin magiging friendly na rin ako sa kanya. Nakakapanibago kasi parang kahapon lang kunga anu-ano ang binibintang nya sa akin tapos heto siya nagbabait-baitan. Dahil ba nalaman nya na talagang naghihirap ako at totoong may sakit ang nanay ko. Agad kong nakita si Kathryn kausap ang mga professor namin. Lumapit ako sa kanila. Nang matapos makipag-usap si Kathryn ay agad akong nagpaalam sa kanya na kung pwde akong umuwi. Pinayagan naman nya ako at sinabing tapos na naman yung mga dapat kong gawin. Tatawagain sana nya ang kuya nya para ihatid ako pero ako na ang nagsabi na magtaxi na lang ako total mag aalas-nueve pa lang naman.
Habang daan na excite ako ng mag text si Rick na nasa hospital na siya. Pagkaparada pa lang ng taxi sa harap ng hospital ay agad akong nagbayad at tuluy-tuloy na pumasok sa loob. Hindi ko na nga naalala nan a nakasuout pa rin ako ng dress na ginamit ko sa party.
Nadatnan ko na masayang magkausap sina inay at Rick. Para lang mag-inang nag-uusap. Hindi nila napansin ang pagpasok ko. Mga isang minute na ako sa loob ng mapansin ako ni Rick, napatulala siya ng Makita ako sa ayos ko.
“Bes, tulo laway kana.”biro ko dito. Ewan parang namalikmata lang siya pagkakita sa akin. Hindi pa nga pala nya ako nakitang nakasout ng ganito. Kapag may gig kasi kami laging blouse at pants lang naman ang lagi kong attire.
“Grabe Devz, di ko agad ikaw nakilala. Ang ganda mo talagang EXOTIC beauty diba inay?”biglang bawi nya.
“Talaga lang ha?”sabay lapit ko kay inay at nagmano ako. “Inay, bakit di pa kayo natutulog? Masyadong gabi na ah.”tanong ko. Ngumiti lang ito at sinabing “hinintay talaga kita anak, gusto ko kasing Makita kung gaano kaganda ang anak ko sa gabing ito”sagot nito habang hawak nito ang aking kamay. “Ang bilis talaga ng panahon parang kahapon lang batang iyakin at uhugin ka lang heto ka ngayon magandang dalaga, diba Rick”tudyo nito.