Chapter 16
Love must be as much a light, as it is a flame.
~Henry David Thoreau
Nagising akong wala sa aking tabi si Rick. Dalawang gabi ko pa lang siyang nakakatabi sa pagtulog pero parang sanay ako. Nalulungkot ako dahil hindi ko man siya nasilayan. Aaminin ko disappointed ako. Sino ba ang hindi madidisaapoint sa lagay na ito? Akala ko pa naman gigising akong katabi ko ito. Nakatulugan ko na nga sa paghihintay sa kanya.
Di ako ipokrita. Nagpapakatotoo lang ako. Nakakainis hindi man lang umuwi. Kaya kahit maaga pa lang BV na agad ako.
Tumayo ako ng kama at nag inat-inat. Kumuha ako ng towel at damit para manligo para naman maalis man lang ang init ng ulo ko. Dirediretso akong pumasok sa banyo. Wala akong kaalam-alam na makakakita ako ng mala-adonis na katawan sa loob nito.
Kung suswertihin ka nga naman. Nakita ko si Rick na nanliligo at walang saplot sa katawan as in wearing his birth suit. So hot! As in Grabe!
Sa aking kabiglaan di ko alam kung ako ba ay sisigaw o tatalikod sa aking nakita. Bigla itong napatingin sa akin.
"Mahal, sasabay kaba ng pagligo?" ngumiti ito ng nakakaloko at kumindat kindat pa.
Hindi man lang nahiya na takluban ang kanyang katawan. Bigla akong tumalikod at lumabas ng banyo. Narinig ko na lang ang nakakalokong pagtawa nito.
Grabe ano ba yun? Ganun ba talaga kalaki yun? Lintres na lalaki yun ginagawa talagang makasalanan ang aking mata. Humiga ako sa kama at nagtaklob ng kumot. Hindi talaga ako maka get over sa aking nakita. Maya-maya pa ay naramdaman kong lumabas na ito ng banyo. Mabilis akong kumilos para makapasok ng banyo ngunit hinabol nya ako.
"Huli ka! Akala mo matatakasan mo ako ano? Ikaw ha may HD ka talaga sa akin."pilyong sabi nito at pilit nya akong inakap.
"Rick, bitawan mo ako. HD ka dyan. Kaya may lock ang pinto diba? Bakit hindi ka nag lock?"pilit akong kumawala dito.
"Hep hep hep, hindi mo ako matatakasan"nakangisi nyang sabi.
Itong Mokong na ito nakalimutan atang nakatapis lang siya ng towel hindi ko nga alam kong naka boxer man lang o naka brief ito. Sa pilit kong pagpupumiglag nalaglag ito.
"Rick, yung tapis mo. Huwaaaa baka makita ko na naman ang di ko dapat makita."naiiyak kong paalala dito.
"Sus! Alam ko naman na gusto mo talaga itong makita. Ito o tingnan mo na. pag piyestahan mo na hanggang libre pa. Sige ikaw rin baka maunahan ka ng iba diyan" natatawa nitong sabi sa akin.
"Heh! Tigilan mo ako. Rick naman o please magdamit kana.'pakiusap ko dito habang nakapikit ako. Ayaw ko na kasing makita ulit. Baka kasi mamya matuklaw ako nito. Cute naman yun hitsura nya ngunit scary ang dating.
"imulat mo nga ang mga mata mo. Di kana mabiro naka shorts naman ako e. ayaw ko nga na pagpiyestahan mo masyado ang aking asset."nakakaloko ntong sabi sa akin habang akap-akap nya ako.
"Sure ka ba tlga? Hindi ka nagbibiro?"
"Kung gusto mo kapain mo pa kung ayaw mong tingnan"biro nito.
"Ikaw talaga ang bastos mo. Bakit kakapain ko baka kung ano pa ang mahawakan ko."naiinis kong sabi.
"Totoo po ang sinasabi ko. Ayaw mong maniwala e di huwag."pagtatampo nito.
At siya pa ang may ganang magtampo. Naku! Lord bigyan mo po ako ng lakas ng loob na hindi ko ma rape este masapok ang mokong na ito.
Naramdaman ko na lumuwag na ang pagkaka-akap nya sa akin kaya sinamantala ko ang pagkakataon na makapasok na sa loob ng banyo at dali-daling ini-lock ang pinto. ano ba itong nangyayari sa akin? Wala pa kaming isang linggo na nagsasama ang dami ko ng na experience sa mokong na ito. Ano naman kaya ang sususnod?