Mamahalin Pa Rin
Written by: Gril18Uyy, kamusta?
Kumain ka na ba ng almusal?
Oh, huwag mong kalilimutan magdasal.
Hmm... nagchat pala ako sa iyo pero hindi ka nagreply.
Delivered lang ang nakalagay, hindi ko alam kung nabasa mo ba,
Kung na-appreciate mo ba yung mga messages ko,
Kung nasisiyahan ka bang kausap ako,
Kahit na madalas, ako yung first chat,
Ako yung initiator,
Pero wala naman akong ibang magagawa,
Gusto kong makausap ka,
Gusto kong mas maging malapit pa tayo sa isa't isa,
Kaya pasensya na, kung sakaling nakukulitan ka sa akin,
Kung napipilitan kang magreply kahit busy ka sa ibang bagay,
Sorry, pasensya, paumanhin, hindi ko sinasadya,
Hindi ko intensyon na abalahin ka,
Lalo na't wala akong karapatan,
Nilinaw mo na sa akin na hanggang kaibigan lang,
Na hindi ka pa handa sa mga ganoong bagay,
Na hindi mo kayang masuklian yung aking nararamdaman,
Sorry, pasensya, paumanhin, muli hindi ko sinasadya,
Okay naman na tayo,
Nakakausap kita at nakakatawan,
Pero aaminin ko, pakiramdam ko ay may kulang,
Oo mali ako, hindi ako tatanggi,
Bawal itong nararamdaman ko,
Pero hindi ko maiwasan,
Sa tuwing magkausap tayo ay mas lalo akong nahuhulog sa iyo,
Mas lalo kitang nagugustuhan,
Mas lalong lumalalim itong aking nararamdaman,
Mahal, pasensya na, hindi ko sinasadya,
Hindi ko intensyon na guluhin ka,
Gusto lang kitang makilala at mas makasama,
Yung good morning mo ang bubuhay sa umaga ko,
Yung good night mo yung huling mababasa ko bago matulog,
Oo, mali ako, hindi ko na itatanggi,
Umaasa ako na isang araw magbago ang isip mo,
Umaasa ako na makapasok sa buhay mo,
Umaasa akong maging parte ng pangarap mo,
Hindi ko alam kung maririnig mo ba ito,
Pero sana, huwag kang mailang o iwasan ako,
Okay na muna ako na maging kaibigan mo,
Kahit na higit pa sa kaibigan ang pagtingin ko sa iyo,
Itutuloy ko itong aking nararamdaman,
Mamahalin ka kahit malabo mo akong magustuhan,
Bahala na kung anong kahihinatnan nito,
Kung masaktan, kasalanan ko ito,
Wala akong ibang sisisihin kung hindi ang sarili ko,
Dahil alam kong bawal pero pinilit ko pa rin,
Umamin at nakakuha ng sagot pero pilit pa ring umaasa,
Na maging tayo,
Kahit na suntok sa buwan,
Mamahalin kita hanggang sa mapagod ang puso ko,
Sa kakaasa na magugustuhan mo,
BINABASA MO ANG
Spoken words poetry-tagalog
PoesieGinawa ko ang librong ito para mailabas ang sakit na nararamdaman dulot ng kanyang paglisan. Akala ko masaya pa siya ngunit gusto na pala niyang humanap ng iba. Pinaglalaban ko pa pero sumusuko na, minamahal ko pa pero nasa piling na ng iba.