TATAY-TATAYAN

100 29 0
                                    

TATAY-TATAYAN

BY: Gray

Naghanap ng pagmamahal sa iba,

Nag-uumapaw na saya ang nadarama,

Tuwing magkasama tayong dalawa,

Kahit panandalian lang itong saya,

Kasi mag aampon ka na.

Iiwan mo rin ako,

Mawawalan ng halaga sa iyo,

Kasi iba na ang iyong mundo,

Siya na ang mamahalin mo.

Atensyon mo ay laging nasa kanya,

Ako ay isasantabi na,

Dahil higit siyang mahalaga,

May karapatan na makasama ka,

May papeles kayong dalawa.

Hindi man konektado sa dugo at laman,

May pagmamahal naman na namamagitan,

Kaya mong panindigan.

Lahat ng pangarap ay matutupad na,

Ngunit siya na 'yong bida,

Siya na yung mahal ng madla,

Hindi mababalewala,

Mahal na siya ng may katha.

Oo,

Nagseselos ako,

Nagseselos ako kasi anak mo lang ako.

Sandali, mali,

Estudyante mo lang pala ako.

Masakit mang marinig ngunit 'yon ang totoo,

Nanlilimos ng atensyon sa iyo.

Nanlilimos ng pagmamahal sa isang ama,

Pasensya, sa guro pala.

Nakita niyo po ba ang halaga ko?
'Yong halaga ko,

'Yong aking pagmamahal sa inyo,

Na kahit ipagtabuyan niyo,

Patuloy na lalapit sa inyo,

Kasi mahalaga kayo.

Kahit masaktan ako,

Mamahalin ko pa rin kayo,

Kasi tatay kita,

Hindi man orihinal ngunit sapat ka,

Kaya mong punan 'yong hindi naibigay nang una.

Kaya sana pansinin na uli ako,

Bigyan ng pagkakataong maging anak niyo,

Pinapangako ko,

Palagi akong narito,

Hindi ako aalis sa tabi niyo,

Dahil ama ko kayo.

Hindi man totoo,

Ngunit kayo ang tatay ko.

Walang halong biro,

Walang halong pagbabalat-kayo. 
Mahal ko kayo tay,

Wala kayong kapantay.

Magbabago na ako,

Mas pahahalagahan ko kayo,

Susulitin ang bawat segundo,

Mapatunayan lang sa iyo.

Na handa akong gawin lahat,

Para lang maging sapat,

Maging karapat-dapat,

Na ituring niyong anak.

Spoken words poetry-tagalogTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon