PAG-ASA

377 55 3
                                    

Pag-asa

BY: Gril18

pansamantala,

oo ako 'yan, pansamantala

nakikita lang ang halaga 'pag may kailangan ka,

parang 7/11,

pagdating sa'yo bukas 24/7,

palaging at your service pero madalas ka pa ring namimiss,

panandalian lang kasi ang ating time,

parang na-admit sa isang ospital,

pagsinabi ni 'doc na maayos ka na,

babayaran ang hospital bills tapos alis na,

iniwan mo 'yong taong nag- alaga't nagpagaling sa'yo,

masakit mang marinig,

pero 'yon ang totoo,

na pag maayos ka na,

iiwan mo na naman akong mag- isa,

ako ay pansamantala

naisip ko nga bigla,

isa ba akong pagamutan?

takbuhan 'pag nahihirapan,

kailangan 'pag nasasaktan.

'Yon ba talaga ang role ko pagdating sa'yo?

panakip butas kung ituring mo,

dito ko sisimulan ang ating k'wento.

pasimpleng sulyap sa iyong pigura,

kinakabisa ang iyong itsura,

nangangarap na mapasa'kin ka.

Pinapangarap ang isang imposibleng bagay,

ang tadhana'y pilit inilalagay sa sariling kamay,

puso ang pinaiiral hindi ang utak na ibinigay.

Sa simpleng pagtipa ng salitang mahal kita,

pinaniniwalaan agad ang mga pambobola.

Ganito ba talaga kadalas mapagkamalan?

kaya ka madaling mapagsamantalan,

kasi sumusugal ka sa mga bagay na wala namang kasiguraduhan,

walang label, pero may kayo?

ano 'yon parang second hand na akala bago?

sulat, liham, lsm

lahat ay ginagawa ko para lang iyong mapansin,

pero ni minsan ba napansin mo?

nakita mo ba 'yong halaga ko?

na kahit may iniindang hika hahabulin pa rin kita,

hahabulin pa rin kita kahit ang direksyon mo ay papunta sa iba,

hahabulin pa rin kita kahit masakit na,

Nakakatawa,

nakakatawa,

para akong sumusugod sa isang giyera na ang tanging dalang armas ay pagmamahal,

na hindi pa sigurado kung masusuklian.

Bato-bato sa langit,

ang matamaan ay 'wag magalit,

'Wag magalit kung nasaktan ka,

nagmahal ka lang ng taong may nagmamay-ari na.

Ako'y nalilito,

hindi ko alam kung dapat na bang tapusin ang buhay na 'to,

kukuhanin na ba ang lubid at bangko,

tatapusin na ba ang buhay tulad ng pangakong napako,

Pero...

sa kabila ng mga desisyong nabubuo,

may nagsabing itigil mo,

hindi ko alam kung konsensya ba o ang espiritu santo na nagsasabing may nagmamahal sa'yo,

hindi ka nag-iisa,

mayroon kang kasama.

Totoo ba?

Na sa malupit na mundong ito ay mayroon akong kasama?

mayrkong nagmamahal sa'kin ng sobra?

Na kahit iwan ako ng lahat,  nariyan pa rin siya para tulungan akong maging masaya,

Na sa kabila ng mga nagawang pagkakamali,

handa niya pa rin akong patawarin,

handa niya pa rin akong mahalin.

Dahil ako'y mahal niya,

ako'y anak niya,

mahal ako ng ama

Spoken words poetry-tagalogTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon