AKO BA'Y MAY HALAGA
BY: Gril18
Naisip ko ng itanong sa sarili ko,
kung ano bang naging papel ko sa buhay mo,
lahat naman kasi ay ginawa ko,
ngunit bakit halaga ay hindi ko maramdaman mula sa'yo?
May mali ba sa aking pagkatao kaya hindi mo makita ang tunay na halaga nito?
O sadyang ikaw at ako,
imposibleng makabuo ng salitang tayo
Nabigyan nga ako ng pagkakataon para mahalin ka,
pero bakit hindi ko makita ang saya sa iyong mga mata 'pag ako'y iyong nakikita?
masakit mang isipin pero sa'yo ay wala akong halaga,
walang k'wenta dahil hindi ko makita ang saya sa iyong mga mata,
mga mata mong nagsasabi kung anong tunay mong nadarama
Ano nga ba ako?
isang taong pinagsisiksikan ang sarili sa taong hindi naman ako gusto,
oo, alam ko na ang totoo
totoo sa nahuhulog ka na sa ibang tao,
at masaya ka 'pag kapiling ang tanong 'to
Paano na ang pagsinta ko?
mananatili na lang ba itong abo at mabubura sa bawat alaala mo?
sayang naman ang paghihirap ko na makuha ang matamis mong oo,
ay oo nga pala,
wala naman pa lang namamagitan sa ating dalawa,
walang namamagitan sa'ting dalawa kaya p'wede ka na makasama siya hanggang sa iyong huling hininga,
wala naman akong karapatan na pigilin ang iyong nadarama,
dahil unang-una ay hindi naman tayong dalawa.
Kaya pala sa'yo ay wala akong halaga kasi iba pala ang nais makita nang iyong mga mata,
sana lang nagsabi ka,
nagsabi kang may napupususan ka ng iba,
at ayaw mo na akong makasama
Wala naman talaga akong halaga,
panakip-butas lang naman ako 'di ba?
hinahanap mo lang 'pag nasasaktan ka,
kapag hindi mo na kaya,
pero naisip mo ba 'yong mararamdaman ko?
oo, kaibigan mo lang ako,
hindi ko siya kayang palitan sa puso mo,
pero bakit kailangan mo pang ipamukha na ako'y dehado?
P'wede mo namang sabihin sa'kin na panakip butas lang kita,
siya lang ang gusto kong makita,
KAIBIGAN, lang kita,
Nakakainis lang kasi nagmukha akong tanga,
lahat ng naiisip ko ay kahibangan lang pala,
Hindi ka pala talaga nagkagusto sa tulad kong tanga,
Oo, tanga na kung tanga,
wala naman kasi akong ibang magawa dahil mahal kita,
mahal na mahal kita,
kaya hindi ko lubos maisip na pinagmukha mo lang akong tanga
Sana hindi mo na lang pinaglaruan ang aking nadarama,
sana hindi ko nararanasan ngayon ang sakit na ikaw mismo ang nagdala,
habang ikaw ay masaya,
masaya sa piling niya,
ako ay pansamantala
Nakita lang ang halaga no'ng nasasaktan ka,
TAMA NA,
ang sakit sakit na,
labis na ang kalungkutan na aking nararamdaman,
dala siguro ito ng iyong paglisan,
paglisan na ngayon ay alam ko na ang dahilan,
at sakit ay hindi ko na mapipigilan
Naisip kong kalimutan ka,
ngunit sa bawat tangka na ipikit ang aking mga mata,
ikaw lang ang tangi kong nakikita,
halos lahat na yata ng paraan ay nasubukan ko na pero ni isa ay wala pa ring gumagana
May bigla akong naisip na paraan,
Hindi alintana ang dulot nitong kapahamakan,
basta't ikaw ay makalimutan,
sapat na itong dahilan
Nilubos na ang sandali,
ang lubid sa ulo ay agad na itinali,
salamat sa hindi mo sa'kin pagpili
Inalala ko ang masaya nating pagsasama,
malapit ko nang makalimutan ka,
pinikit na ang mga mata at pinigil ang paghinga,
at ilang sandali pa...
buhay ko'y tapos na,
ako'y patay na,
pero bago ako malagutan ng hiniga ay tinanong ko muna sa aking sarili kung "Ako ba'y may halaga"
BINABASA MO ANG
Spoken words poetry-tagalog
PoésieGinawa ko ang librong ito para mailabas ang sakit na nararamdaman dulot ng kanyang paglisan. Akala ko masaya pa siya ngunit gusto na pala niyang humanap ng iba. Pinaglalaban ko pa pero sumusuko na, minamahal ko pa pero nasa piling na ng iba.