IKAW AT AKO
BY: Gray
Pinagtapo ngunit hindi itinadhana,
Hindi mo na maikakaila,
Umaasa ako sa wala.
Akala ko may tayo,
Akala ko hanggang dulo,
Akala ko ikaw at ako,
Ngunit lumipas lang ang ilang minuto,
May iba na agad pumukaw ng atensyon mo.
Kinalimutan ako,
Agad nawala 'yong pagmamahal mo,
Iniwan mo akong nag-iisa,
Panandalian lang pala,
Panandalian lang 'yong saya,
Kilig na pansamantala,
Akoo ay iyong pinaasa.
Naniwala sa iyong mga salita,
Ngunit unti-unting kang nawala,
Lahat ng pangako ay nawalang parang bula.
Hindi pala ako pinahalagahan,
Saksi ang araw at buwan,
Napilitan ka lang,
Walang pagmamahal na namagitan,
May kailangan ka lang.
Ito ang totoo,
Pinagmukha mo akong dehado,
Matapos makuha 'yong kailangan mo,
Iniwan ako.
Pinagpalit sa taong mahal nagpapansin sa iyo.
Sandali,
Bakit nga pala ako 'yong pipiliin kung siya naman talaga 'yong mahal mo?
'Yon naman talaga ang totoo,
Hindi mo ako gusto.
Ang saya,
Ipaglalaban daw 'yong relasyon naming dalawa,
Ngunit narinig lang 'yong tinig niya,
Bakit bumigay ka na?
Nalimutan agad 'yong pangako natin sa isa't isa,
Magtatagal tayo 'di ba?
Hanggang dulo tayo lang dalawa,
Ngunit nahihibang lang pala,
Malabo na 'yong aking mga mata,
Kasi hindi ko nakita na may mahal ka na.
Mali pala,
Hindi ko nadama,
Masyado akong nadala,
Nabulag ako sa saya.
Akala ko kasi tayo lang,
Walang ibang namamagitan,
Tayo lang 'yong nagmamahalan.
Ngunit nagulat ako,
Nagulat ako kasi biglang lumamig 'yang puso mo,
Bigla kang nagloko,
Tapos nalaman ko,
Kapiling mo na 'yong nagpapansin sa iyo,
Wala na ang titulo,
Wala ng ikaw at ako.
BINABASA MO ANG
Spoken words poetry-tagalog
PoetryGinawa ko ang librong ito para mailabas ang sakit na nararamdaman dulot ng kanyang paglisan. Akala ko masaya pa siya ngunit gusto na pala niyang humanap ng iba. Pinaglalaban ko pa pero sumusuko na, minamahal ko pa pero nasa piling na ng iba.