IKAW PA RIN KAHIT MASAKIT

310 46 0
                                    

IKAW PA RIN KAHIT MASAKIT

BY: Gril18

Pagbilang ko ng tatlo,

Lahat ng pinaasa'y magsipanhik kayo.

Halina rito sa entablado,

Ilabas lahat nang hinanakit niyo.

Pinagmukha man tayong dehado,

Pinagsabay ng iisang tao,

Ginawa naman nating siyang mundo,

Pero bakit hindi pa rin siya nakuntento?

Humanap pa rin ng kapalit no'ng wala ako.

Isa,

Isang maling hakbang mo ay mahuhulog ka,

Hahanap-hanapin ang pigura,

Gustong bigkasin ang salitang mahal kita.

Kahit na ikaw ay nasa piling ng iba,

Hndi nakita 'yong tunay kong halaga.

Matanong nga kita,

Malabo ba ang iyong mga mata?

Pinapahalagahan kita,

Pero mas pinili mong sumama sa iba.

Pumayag na maging panakip- butas no'ng wala sya,

Pero,

Nasaktan lang ako,

Naniwala sa mga pagbabalat- kayo mo.

Akala ko pag ibig mo ay totoo,

Ngunit unti-unti kang nagbago,

Sinaktan mo na naman ako.

Akala ko may pag-asa,

Akala ko magiging tayo na,

Ngunit sa simpleng pambobola niya,

Bumibigay ka na,

Wala na naman akong halaga,

Ako ay isinantabi na.

Bakit pa ba natin mamahalin at pahahalagahan,

Kung sa dulo iiwan din naman tayo at sasaktan?

Paniniwalain sa mga bagay na wala namang kasiguraduhan,

Paulit-ulit na sasaktan.

Mamahalin ng panandalian,

Muling paglalaruan.

Dalawa,

Ikaw lang sapat na,

Hindi na lilingon sa iba,

Sa iyo lang ibubuhos ang pagpapahalaga,

Nag-uumapaw na saya ang nadarama,

Mamahalin kita kahit pa sumobra,

Hahanap-hanapin ang iyong presensya,

Huwag mo lang akong gawing tanga.

Itigil mo na ang pagsasabi ng salitang mahal kita,

Kung mayroon ka ng iba.

Makuntento ka naman sa isa,

Tatlo,

Minahal kita ng buo,

Walang halong pagbabalat-kayo,

Ikaw lang ang mundo ko.

Ngunit napansin mo ba?

Sa kabila ng pagbabalewala,

Mahal pa rin kita,

Ikaw lang ang gusto kong makasama,

Tinatapos ko na ang piyesang ito,

Maging masaya ka sana sa landas na tinatahak mo,

Tama na ang panloloko,

Makuntento ka na sa taong pinili mo.

Spoken words poetry-tagalogTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon