PAASA

447 26 3
                                    

PAASA

BY: Gray

Mahal Kita,

Salitang may malalim na kahulugan,

Ngunit mahirap paniwalaan.

Hindi alam kung ito ba ay totoo o panloloko,

Tulad ng nangyari sa istorya ko,

Umasa sa salitang mahal kita,

Na inakalang totoo ngunit panloloko lang pala,

Kaya 'yon, nasaktan ng sobra.

Sa unang araw pa lang ng ating pagkikita,

Ako'y napaibig mo na,

Pagka't ganda mo'y nakabibighani talaga,

Gandang pumukaw ng aking nadarama.

Hindi uso ang salitang torpe sa tulad ko,

Kaya inamin ang nararamdaman sa iyo,

Sinagot mo naman ako,

Kaya ang pinakamasayang lalaki sa mundo ay ako.

Araw-araw tayong lumalabas,

Pagka't pag ibig ko'y takot kumupas.

Sa ganda mong iyan,

Marahil mapapaibig mo lahat ng lalaki sa sanlibutan.

Mula ng araw na iyon,

Hindi na ako gaanong nagkaroon ng pagkakataon,

Ang puso't isip mo ay sa iba na nakatuon,

Marahil nga na hindi mo na ako gusto pagdating ng panahon.

Nagulat ako ng isang araw ay  nakita kita,

Mayroon kang kasamang iba,

Masakit sa damdamin dahil lalaki pa,

Kaya palihim akong nagmanman sa inyong dalawa.

Ang mga tagpong ito ay hindi ko inakala,

Pinagmukha mo lang pala akong tanga,

May minamahal ka na pa lang iba,

At ginamit mo lang ako para magkabalikan kayong dalawa.

Matapos malaman ang lahat ay hindi ako umiyak,

Ayokong puso ko'y mawasak,

Kahit na tila ito'y sinasaksak,

At unti-unting nagwawatak-watak.

Hindi pa rin pala sapat lahat ng pinangarap nating dalawa,

Naghanap ka pa kasi ng iba,

At pinamumukha mo pa sa akin na masaya ka,

Masaya ka habang ako'y nagdurusa.

Hindi ko alam na ganitong klase ka pala ng tao,

Ginamit at pinaasa mo lang ang puso ko,

Puso kong minahal ka ng buong buo,

Ngunit ginamit mo lang para sa mahal mo.

Alam kong paasa ka,

Ngunit hayaan mong tanungin kita,

Sana naman ay maging tapat ka,

Mahal ka nga ba niya?

Spoken words poetry-tagalogTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon