Bestfriend
By: Gray
Pinaasa,
Paulit-ulit na pinagmukhang tanga,
Gustong makita ang halaga,
Inabuso ng iba,
Sinaktan ng mahal niya.
Ganiyan ang buhay ko,
Mahirap tanggapin ngunit totoo,
Madalas akong dehado.
Alam ko,
Alam kong alam mo 'yung sitwasyon ko.
Ngunit bakit dumagdag ka pa?
Nasasaktan na nga ako nang- iwan ka pa,
Ikaw lang 'yung kinakapitan bumitaw ka pa.
Ang saya,
Kasi kaibigan kita.
Sandali...
Kaibigan nga ba talaga kita o tulad ka nila?
Magaling magpanggap,
Ginagamit akong sangkap,
Para maabot ang pansariling pangarap.
Kasi kung hindi ano ang mali?
Minahal kita,
Pinahalagahan kita,
Tinulungan kita,
Ngunit bakit bumitaw ka?
Bakit ka sumuko?
Bakit luha ko'y hinayaan mong tumulo?
Bestfriend kita,
Ikaw lang wala ng iba,
Ngunit bakit hinayaan mo akong mag-isa?
Bakit mo ko pinagpalit sa iba?
Hindi ko maintindihan,
Saan nga ba ako nagkulang?
Makulit ba ako?Palagi kang ginugulo.
Pasensya kung ganito ako umasta,
Wala naman akong magagawa kasi gusto kong sumaya ka,
Ngunit siguro naninibago ka,
Hindi ka siguro sanay na kinukulit ka,
Makulit ba talaga ako?
Kasi halos lahat naiinis sa ugali ko,
Sanay na naman ako.
Oo,
Sanay na ako,
Sanay na ako na palaging ganito,
Nakikita lang pag kailangan niyo,
Sawang-sawa na ko,Hindi na nakakatuwa,
'Yong paulit-ulit kang ipapahiya,
Nasasayang ang iyong luha,
Sa mga walang kwentang bagay na buhay mo'y unti-unting sinisira.
Kaya diyan sa bestfriend ko,
Kung ayaw mo na,
Pasensya,
Kasi wala ka ng bestfriend na babalikan na minamahal ka.
BINABASA MO ANG
Spoken words poetry-tagalog
PoesíaGinawa ko ang librong ito para mailabas ang sakit na nararamdaman dulot ng kanyang paglisan. Akala ko masaya pa siya ngunit gusto na pala niyang humanap ng iba. Pinaglalaban ko pa pero sumusuko na, minamahal ko pa pero nasa piling na ng iba.