Bakit hindi na lang tayo?

6 0 0
                                    

Bakit hindi na lang tayo?
Isinulat ni: Mark Cyril Tombado

Sumugal,
Sa mga bagay na wala namang kasiguraduhan,
Nagmahal,
Ng taong walang pakialam sa kanyang nararamdaman,
Pinaglaban,
Ang taong sumuko na,
Hinayaan siyang mag-isa,
Naghanap na ng iba,
Kinalimutan na siya,
Gaano ba talaga ako kahalaga?
Sandali,
Mali,
Mali ang pagkakatanong ko,
Ang talagang dapat ay kung mayroon ba talaga akong halaga sa'yo,
Kasi kahit palagi akong nasa tabi mo,
Ang iyong atensyon ay nasa ibang tao,
Ano bang mayroon siya na wala ako?
Edukado ba? May pera?
Ang tanong, mahal ka ba niya?
Marami 'yang pamalit na iba,
Para kung sakaling magkaproblema kayong dalawa,
Siya pa rin ay maligaya,
Masaya sa mga taong pinaglalaruan niya.

Nakita mo ng may kahalikang iba,
Nagbubulag-bulagan ka pa?
Nasa harap mo na,
Pinaglalandakang hindi ka mahalaga,
Kasi kung mahalaga ka,
Hindi siya hahanap ng iba.
Ikaw pa rin ang nasa isip niya kahit napapaligiran na siya ng  mga magaganda,
ikaw lang sapat na,
Ayan ang dapat.

Alam niyang masasaktan ka,
Masasaktan ka dahil mas pinili niyang maghanap ng iba,
Sa halip na isalba 'yong relasyon na mayroon kayong dalawa.
Sayang 'yong ganda ng mga mata mo,
Palagi ka na lang lumuluha sa maling tao.

Bakit kasi hindi na lang ako?
Kaya naman kitang mahalin ng higit pa sa buhay ko,
Kaya kong higitan 'yong mga pangako niya,
Hindi ako kailanman lilingon sa iba,
Pigura mo lang ang nais makabisa,
Ikaw lang ang nais makita ng aking mga mata.
Kaya sana naman,
Huwag mo na akong paglaruan,
Suklian na lang ang nararamdaman,
Kasi pareho lang naman tayong masasaktan,
Sa mga desisyon na hindi gaanong napag-isipan,
Kaya tinatanong ulit kita mahal ko,
Maging tapat ka na sana sa mga desisyon  mo,
Bakit hindi na lang tayo?

Spoken words poetry-tagalogTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon