Paano kung tayo?
Isinulat ni: Mark Cyril TombadoOo,
Inaamin ko,
Nababaliw ako sa iyo,
Kahit na ako ay hindi mo gusto,
Pinagmumukhang dehado sa harap ng maraming tao,
Panakip-butas kung ituring mo,
Inaamin ko,
Adik ako sa iyo,
Ikaw lang 'yong gusto ko,
Kahit masakit ay ipipilit pa rin,
Kahit pinaglaruan mamahalin ka pa rin,
Kahit na hindi mo pinapansin,
Kahit na hindi mo kayang mahalin.
Kailangan ba ako mauuna?
'Yong ako muna bago ang iba,Mahalin mo muna ako bago siya,
Kasi mahal, masakit na,
Masakit ang paulit-ulit na maging tanga,
Kasi binabalewala mo lang naman ako 'di ba?
Hindi ko lang maintindihan,
Paulit-ulit ka niyang pinaglalaruan ngunit hindi ka pa rin nadadalang sumugal,
Paulit-ulit kang sumusugal sa mga bagay na walang kasiguraduhan,
Hindi ka naman mahal,
Mahal mo siya,
Mahal ka ba?
Pinaglaban mo,
Nanatili ba?
Ginawa mong mundo ngunit sa kanya ay kontinente ka lang pala,
Mahal nandito naman ako,
Kaya kitang mahalin ng higit pa sa buhay ko,
Iaalay lahat sa iyo,
Huwag mo lang lokohin 'yong sarili mo,
Mag-move-on ka na,
Mayroon na siyang mahal na iba at hindi ikaw ang gusto niyang makasama,
Mamahalin naman kita,
Wala akong pakialam kung marami akong kaagaw kung sakaling mahalin ka,
Mapatunayan ko lang na sa buhay ko ikaw lang sapat na,
Wsla na akong hahanapin pang iba,
Dahil kumpleto na ako kapag kapiling ka,
Iindahin ko lahat ng sakit,
Kahit hindi ko na kaya patuloy pa ring ipipilit,
Kasi mahal kita,
Hahamakin ko ang lahat ikaw lang ay makasama,
Marami mang humadlang mahal pa rin kita,
Hindi ito pambobola kaya maniwala ka sana,
Sa mundong ito humanap ka ng kapareha,
'Yong mamahalin ka kahit nasasaktan na siya,
Mahal kita,
Kaya tama na,
Huwag na natin balikan 'yong istoryang natapos na,
Bumuo tayo ng bago na tayo lang dalawa,
Mga karakter na bida,
Hawak ang kapalaran at hindi puro sapalaran,
Dahil kung hindi ka sasabak,
Masasaktan ka lang,
Ngunit masarap lumaban kapag pareho kayo ng pinaglalaban,
Hindi 'yong hahanap ka ng kapalit sa panahon na mahina ang samahan,
Hindi ka pagsasamantalahan,
Hindi kailanman paglalaruan.
BINABASA MO ANG
Spoken words poetry-tagalog
PoesíaGinawa ko ang librong ito para mailabas ang sakit na nararamdaman dulot ng kanyang paglisan. Akala ko masaya pa siya ngunit gusto na pala niyang humanap ng iba. Pinaglalaban ko pa pero sumusuko na, minamahal ko pa pero nasa piling na ng iba.