Babae Ka

95 0 0
                                    

BABAE KA
Written by: Makoy

Babae ka,
Oo babae ka,
Hindi mo na kailangang patunayan pa,
Alam ng Diyos na malakas ka,
Alam niyang bukod-tangi ka,
Alam niyang kaya mo,
Kaya pinanganak kang babae rito sa mundo,
Babae ka,
Oo babae ka,
Babae na dapat iniingatan,
Babae na dapat pinoprotektahan,
Babae na dapat minamahal,
Babae na dapat sa simbahan ay masayang ikinakasal,
Babaeng hindi dapat nasasakal,
Babaeng may kalayaan na gawin ang kanyang gusto,
Buhay prinsesa, yan dapat ang ituring nila sayo,

Kaya mga kalalakihan, pakinggan niyo ako,
Importante silang nilalang dito sa mundo,
Hindi sila bagay na paglalaruan kapag napukaw ang atensyon mo,
At mas lalong hindi sila bato sa tuwing sinasaktan mo,
May damdamin silang nasasaktan,
Nahihirapan,
Kaya huwag na huwag mo silang hahawakan,
Huwag mong hawakan kung iiwan mo lang,
Huwag mong yayakapin kung ang kasunod niyan ay paalam,
Huwag mong pangitiin kung paiiyakin mo lang,
At mas lalong huwag mong putukan, kung hindi mo kayang panindigan,
Maraming babaeng napagsasamantalahan,
Marami sa kanila ang nagiging biktima ng karahasan,
Madalas silang naiisahan,
Dahil ipinanganak ang karamihan sa kanila na mapagmahal,
Kung saan isang ngiti mo lang ay nahuhulog na,
Kung saan iparamdam mo lang na importante ay paniniwalaan ka na,
Ganito kadalas mahulog sa patibong ang ilan sa kanila,
Kaya pakiusap lang,
Muli, sa mga kalalakihan diyan,
Tigilan niyo na ang pangongolekta,
Matuto kayong makuntento sa isa,
Hindi niyo alam ang hirap na pinagdaraanan nila,
Napakaraming luha na ang naiiyak nila sa punda,
Ilang ulit na rin nilang tinanong ang sarili sa salamin kung importante ba sila,

Madali silang masaktan,
Madali ring magpatawad,
Pero hindi ibig sabihin nito ay sasamantalahin niyo na,
May hanggangan ang lahat,
At sa huli, kadalasang babae ang naiiwang mag-isa,
Umiiyak na para bang hindi na nila kaya,
Tinatanong ang sarili kung anong pagkakamali ang nagawa para maranasan ang bagay na ito,
Kaya dapat silang irespeto,
Mahalin nang buo,
Na walang hinihinging kapalit,
Purong pagmamahal at walang halong sakit,

Kaya inuulit ko,
Babae ka,
Oo babae ka,
Parang titulo, ano?
Kaya huwag mong kalilimutan ang bagay na iyan,
Mahalin muna ang sarili at puso ay protektahan,
Maraming mapagsamantalang tumitingin at nag-aabang,
Kaya alagaan mo ang puso mo,
Hintayin mo yung taong itinadhana para sa iyo,
Yung mamahalin ka sa kung ano ka,
Yung hindi ka pinakasalan dahil sa tawag ng laman,
Yung hindi ka pinangakuan dahil sa kumukupas na kagandahan,
Kaya ngumiti ka,
Oo ngumiti ka na,
Ngumiti ka dahil babae ka,
Karespe-respeto,
Babaeng minamahal hanggang sa dulo.

Spoken words poetry-tagalogTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon