SA PANAGINIP NA LANG KITA MAMAHALIN

150 31 0
                                    

SA PANAGINIP NA LANG KITA MAMAHALIN

BY: Gray

Minulat ang mga mata sa lugar na magulo ang sistema,

Pilit na ikinukubli ang nakikita.

Natatakot na masaktan,

Natatakot na mapagbintangan,

Sa mga kasalanang hindi naman ako ang dahilan.

Ngunit sa kabila ng mga kaguluhang ito,

Dito mismo sa sementeryo,

May nararamdaman akong nakatingin,

Hindi ko alam kung dapat bang balewalain.

Kung dapat bang pagtuunan ng atensyon,

Kung dapat bang bigyan ng pagkakataon.

Ngunit sa huli,

Hindi ko rin napigil ang aking sarili,

Unti-unting sumilay sa aking labi,

Ang isang matamis na ngiti.

Mas pinili kong sundin ang aking nararamdaman,

Kaysa sa idinidikta ng mga taong napapadaan.

Tawanan,

Kulitan agad na nahulog ang nararamdaman,

Hindi naman siguro ito panandalian,

Kaya't ang puso ay handa ko ng ilaan,

Walang halong pag-aalinlangan,

Ikaw ay akinng iingatan.

Subalit makalipas ang ilang araw,

Pagmamahal ay hindi na gaanong nag-uumapaw.

May lamat na ang samahan,

Hindi na gaya ng dating pinagsamahan.

Kaya't umiwas ako,

Dahil baka sakaling ito ang paraan na gusto mo,

Hindi ko alam kung alin sa mga salita mo ang totoo.

Kung totoo ba ang salitang mahal kita,

O isa lang itong pambobola.

Ayokong sumugal dahil wala namang kasiguraduhan,

Natatakot akong mahusgahan.

Dahil baka hanggang kaibigan lang ang turing mo,

Hindi na hihigit pa gaya ng inaasahan ko.

Pinilit kong magbalat-kayo.

Pinilit itago ang sakit,

Emosyon ay iwinaksi.

Kailangan kong maging matalino,

Hindi mo dapat mabuking ang nararamdaman ko,

Kailangan kong maging kuntento.

Nanatiling nakatago ang nararamdaman,

Dahil hindi ako 'yong tipo na iyong magugustuhan.

Oo, masakit tanggapin,

Ngunit ayokong mawala ang pinagsamahan natin,

Ayokong balewalain,

Kaya sa panaginip na lang kita mamahalin.

Spoken words poetry-tagalogTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon