Hindi Malilimutang Nakaraam

9 1 0
                                    

Hindi Malilimutang Nakaraan
Isinulat ni: Gril18

Samu't saring sigawan ang naririnig ko,
Nakaririndi ngunit nakapangungulilalang boses ng mga bata na naglalaro sa kanto,
Naglalabasan na sila pagpatak ng alas-kuwarto,
'Yung iba kagigising pa lang pero laro na kung laro,
Wala silang pakialam,
Marumihan, madapa, o kahit na masugatan,
Ang tanging nasa isip lang nila ay masiyahan,
Magkaroon ng maraming kalaro at kaibigan,
Takbuhan, Taya-Tayaan, Apiran, Tagu-Taguan,
Kahit hingalin ay ayos lang,
Kung minsan pa nga ay nagkakasakitan,
Pero bago matapos ang araw ay nagbabati naman,
Ang sarap maging isang bata, ano?
Malaya kang gawin lahat ng gusto,
Hindi limitado ang mga galaw mo,
Ayos lang magkamali dahil bata naman at p'wedeng baguhin,
At hindi sa lahat, wala kang problemang iisipin,
Mag-aaral at maglalaro ka lang,
Hindi mo poproblemahin yung kakainin mo sa hapunan,
Ipagtitimpla ka pa ng mama mo ng milo,
Habang pinapanood yung paboriting palabas mo.

Ang sarap maging isang bata,
At aaminin ko,
Hindi ko maiwasang isipin na sana bata na lang ulit ako,
Na sana hindi ako tumanda,
Na sana wala akong ibang pinoproblema,
Na sana kasama ko pa ang aking pamilya,
Na sana wala ako rito sa ibang bansa para kumita ng pera,
At maglalaro lang ako,
Isang bata na may malaking ngiti sa mga labi,
Na punong-puno ng pangarap,
Na isang inosente at walang kamuwang-muwang sa malupit na sistema ng mundo,
Ang sarap maging isang bata,
Na ang pagtilaok ng manok ay hudyat para bumangon ka na sa kama,
Pero kahit gusto kong bumalik sa nakaraan,
Ay hindi ko p'wedeng takasan ang kasalakuyan,
Tapos na ang oras ko bilang bata,
Iba na ang panahon,
Pero kung mabibigyan ako ng pagkakataon,
Hindi ako magdadalawang-isip na bumalik,
At iwan ang buhay na mayroon ako ngayon,
Dahil nakakapagod, nakakaubos, at nakakasira ng sistema,
Gusto kong takasan ang reyalidad,
At umaasa na sa muling pagmulat ng mga mata,
Isa na muli akong bata na abot-langit ang saya,
Na malayang maglaro,
Malayang magkamali,
Walang problema,
At kasama ko pa ang mahal kong pamilya.

Tara at muling maglaro ng mga larong-kalye,
Langit-lupa, Taya-Tayaan, Patintero,  Tumbang-preso,
At pagkatapos ay pumunta tayo kay Aling Celia para bumili ng paborito nating Zest-o,
Magpapalipas-oras sa gilid ng tulay,
At dadamhim ang bawat sandali ng ating buhay,
Tara, laro tayo!

Spoken words poetry-tagalogTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon