"KAPATID!!! DUMATING KA NA PALA!!!"
Kaaga-aga nambubulabog ito. Psh! Napa-upo ako ng wala sa oras mula sa pagkakahiga. Gulo-gulo pa ang buhok ko at wala sa ayos ang pagmumukha ng pumasok ang kapatid ko na nakalaklak yata ng Enervon ngayong araw na ito at nagsisisigaw at yinakap ako.
"Very nosy kuya, pwedi mo naman hintayin na magising ako!" I hissed.
Tumawa siya at kumalas sa pagkakayakap. "It's just that na-miss kita 'lil sister."
Napangiwi naman ako sa sinabi niya. "Stop it kuya, kadiri." I rolled my eyes to him.
Tumayo naman siya at humagalpak sa tawa. Hinawi niya ang kurtina na nakatakip sa balcony kaya naman napatakip ako ng mata dahil sa silaw na dala ng sinag ng araw.
"Kuya! Nakakasilaw, isara mo!" Pagmamaktol ko. Panira ng umaga ito.
"It's morning! Hayaan mo naman na masinagan ka ng araw, napaka puti mo na! Daig mo pa ung white lady sa isang horror film."
Tumaas ang kilay ko. "At kailan ka pa nahilig sa panonood ng horror film? That's so lame."
"Lame? Nah. It's never been lame. Why a sudden change of attitude Sugar?" Pang-aasar niya.
Hindi naman ako nagbago ah? Natuto lang ako sa buhay.
"I didn't change brotha, I just get used to the reality of life."
"Hugot." He said.
What da? 'Hugot' saan niya naman natutunan ang salitang ito. Nawala lang ako ng isang buwan ay naging tila hindi na ito seryoso sa buhay. Nagkapalit yata kami ng ugali.
"Wtf? Saan ka natututo ng mga ganyan?" I chuckled.
He laughed. "You should watch 'showtime' Sugar. Baka matulungan ka ni Madam Bertud."
"Who the hell is Madam Bertud? That sounds gay brotha!" I hissed.
"No, not until when you see that Gay. You'll laugh, very hard." He chuckled.
"Ewan ko sa'yo Kuya."
"Anyway, i'll just here to remind you na ngayon na ang enrollment mo."
My eyes widened. "What!? Kararating ko lang kahapon, I still have jet lag you know."
"Tsss, get up and fix yourself Sugar. Don't be stubborn!"
"Fine. This sucks kuya." I said and headed to the bathroom.
I've decided to wear Knit top, skirt and pumps. Lady look. Iba na ako ngayon, no one will ever dare to tell that i'm ugly. Mahihiya ang hangin na dumapo sa balat ko.
I have decided to drive on my own. Dapat masanay na ako ng ganito after all i'm entering a bigger world. Well of course biggest ang corporate world na papasukin ko sooner.
"Sugar what took you so long to preppin' up? Mahiya ka naman kay Sam na kanina pa naghihintay!" Sigaw ni Kuya sa labas ng kwarto ko.
Huh? Bakit naman andito si Sam? Wala naman kaming usapan na lalabas kami ngayon at isa pa, it's goddamn enrollment."Why is he here? Wala naman kaming usapan na lalabas kami today." I shouted back just for him to know that I'm not deaf.
"Tss! He'll driving you there."
"Hindi na, I can drive kuya. Tell him na i'll be fine."
"No way. Hindi ka magdadrive mag-isa and besides you need him to accompany you."
Sabagay, baka magmukhang tanga lang ako doon. Mas maganda na rin na may kasama at may makausap ako. Isa pa, ito na rin siguro ang panahon para makapag catch-up kami ni Sam. We need to bond.
I closed the pressed powder and put a lil lip balm. "Alright. I'm coming."
Hindi ko na muli narining ang nakakairitang boses ni Kuya. He's surely at the garage, talking to Sam.
Mas mukha pa silang magkapatid sa amin. They love cars, my brother love collecting cars. Napakabisyo ng koleksyon niya. Kulang na nga lang ay punuin nya ang bahay namin ng mga kotse niya.
Inhale, Exhale. Let's do this, I have to face them.