Maaga akong gumayak para naman hindi na maghintay ng matagal si Gyle sa labas ng village namin. Nakapag-pack na rin ako ng mga damit kagabi pa, sakto lang ito for three days and two nights.
I still haven't talk to Sam but he'll surely be there. After what I saw in the parking, hindi na ako nangulit pa. Baka kailangan nila ng time ni Iza, nagkabalikan na pala sila. Hindi man lang niya sinabi.
"Are you sure you'll be fine there? I can send some of my employee to accompany you to better hotel, hija."
I am talking to my mom. Facetime, madaling araw dito at gabi naman sa kanila sa abroad. They're not here because they have some business trip. But they'll be back at the end of the month. Lapit na!
"No, i'll be fine mom. Wag ka na pong mag alala, ayos na po ako sa hotel na pinrovide ng school." I assured her with a smile.
She sighed. "Okay, call your Kuya when you need something else alright? May maghahatid na ba sayo?"
I nodded. If he'll know that Gyle will be there too, she'll be furious. They'll be furious.
"Meron na po, kasama ko rin po sa seminar and Sam will be there too."
Maraming pinipirmahang papeles si Mommy, kitang kita ko ito sa screen. While Dad's in the kitchen fixing something. Kahit gabi na ay nagtatrabaho pa rin ito.
"Good." Tugon niya ngunit nakatingin pa din sa mga papel na pinipirmahan. "Mapapanatag na ako, nandoon naman pala si Sam."
Pero malamang ay sinama nun si Iza. Sabi ng isip ko.
"We have to go sweetie, mag iingat ka doon and enjoy! See you at the end of the month, I love you hija." Sabay ngiti niya sa akin.
I smiled too. I miss mom. "Thank you mom, take care too. I love you."
And the call ended. Inayos ko na ang sarili ko. Wearing a jeans and the seminar shirt, and just pair of doll shoes, I sported it outside.
Mag a alas tres na pero hindi pa rin ako nakakatanggap ng text mula kay Gyle. Napag usapan namin kagabi na, tatawag siya kapag lalabas na ako. Ayaw niga kasinb maghintay ako doon dahil madilim pa raw at delikado kahit na may guards pa.
Inilabas ko ang cellphone ko at nagtipa ng mensahe.
To, Gyle:
"Where are you? Ready na ako."
Ilang minuto ang lumipas pero wala pa rin akong natatanggap na mensahe sa kanya. Tumayo ako sa sofa na inuupuan ko! Naiinis na ako. I checked the watch, it's freaking 3:30 in the morning, our call time is 3 o'clock and he's already thirty minutes late!
The seminar will start at 9 o'clock in the morning. Ilang oras din ang byahe mula Manila hanggang Batangas! I can't believe this.
Maya maya ay tumunog ang aking cellphone. I hurriedly pick it up from the center table.
Gyle's calling*
Nabuhay din ang isang ito. Malalagot talaga siya sa akin.
"Hello!" Galit kong utas.
Tahimik ang kabilang linya. Mabibigat na paghinga lamang ang narinig ko.
"Where the hell are you!? Kanina pa ako naghihintay sayo Gyle!" Dagdag ko.
Umubo naman siya at narinig ko ang pagtunog sanhi ng pag galaw niya sa kama. "I-i'm sorry baby, i'm sick." Umubo siya muli at tila may sipon. "N-ilalagnat ako, I don't know how and why this happened. Fuck... I can't go baby, i'm sorry..." He sniffed again.
Damn, paano na ito?
"Oh crap! Are you alright!? Wait, pupunta ako sa inyo, hindi nalang din ako pupunta..." I said.
"No.. No! Baby, Val will be fuming mad. Mas maigi na may representative kahit isa, I'll call your brother to drive you in Batangas, I'm so sorry baby, I just can't go, nahihilo pa ako at mataas ang lagnat ko but once I feel better, susunod ako, I promise..."
He'll call my brother? Oh no! Ako na, ako nalang ang iisip ng paraan. Sa dami dami ba naman kasi ng pagkakataon na lalagnatin siya, ngayon pa talaga!
"Magpahinga ka na Gyle, ako na ang bahala, and..." Hinilot ko ang aking sentido. "Don't mind me, kaya ko na ito, just rest and get well for me. I love you..." I said.
Umubo siya saglit bago nakapag salita.
"Yes baby, take care there. Susunod ako, I love you more." Kahit na naiinis ako ay hindi ko pa rin mapigilang mapangiti. Kahit na nag iba ang boses niya dahil sa sipon at ubo, still, it can make me lose my senses."Bye, get well baby." I said and ended the call.
Napasapo ako sa ulo. I'm so stressed. Mag a alas kwatro na, andito pa rin ako. Baka ma-late na ako nito! Dali-dali akong tumakbo sa taas para katukin si Kuya.
I opened the door. Hindi ito naka-lock. Nakapatay ang ilaw ngunit ng buksan ko ito, walang tao. Ni hindi nga nagulo ang bed sheets. Shit. Hindi umuwi ang loko, malamang ay may babae at nasa condo.
Lumabas na ako papunta sa gate hawak ang mga damit ko. Para akong teenager na makikipag tanan, dahil sa maingat kong pagsasarado sa gate. Ayoko ng gisingin sila manang alam ko naman na pagod din sila.
Madilim pa sa labas at malamig. Nakalayo na ako sa bahay at malapit na sa gate, nakaligtaan kong magdala ng Jacket. Mag papakuha nalang siguro ako ng taxi at magpapahatid sa terminal. I'll go commute. I have no choice. Malamang ay nasa byahe na si Gyle.
"Good morning mam!" Bati sa akin ng guard sa village.
Ngumiti ako. "Good morning, can you please get me a cab?" I said.
"Sige ho mam, saglit lang ho..." Sabi nito at tila may tinawagan.
Tumingin ako sa paligid. Tahimik at wala pang tao. Paano akong makakarating on time, sobrang late na at dadaan pa ako sa hotel para magpalit at ibaba ang mga gamit ko. I brought corpo attires, required daw kasi sabi ni Val. And I still need to prepare a presentation, with regards to the percentage of inflation in our country last year.
Nasa gitna ako ng pag iisip ng biglang may humintong McLaren sa harapan ko.
Oh my goodness! I know it's Sam! Bumukas ang pintuan at lumabas si Sam na tila galing sa matinding pagkakagising. Wearing the same shirt as I wore. He look at me from head to toe, sinenyasan niya ang guard na buhatin ang mga dala ko at ilagay sa likod ng kotse niya.
Tumaas ang kilay niya. "Get in, sumabay na na sa akin." He said.
I smiled but he didn't smiled back. Bakit nanaman kaya?
Pupunta na sana ako at bubuksan ang pintuan sa tabi ng driver's seat but he stopped my hand.
"No..not there." He said. "Dito ka sa likod."
May kasama ba siya? Well, obviously.