It's been weeks since me and Sam talked. Hanggang ngayon ay hindi niya pa rin ako kinakausap o dinadalaw manlang dito sa bahay. Bakit pa? Eh ang sama-sama ko tapos ngayon hahanap hanapin ko siya. Gago ka rin Sugar e, he said I'll lose him forever if I choose Gyle.
"Don't you have lakad with Sam? Boringness will stab you to death sister." Walang ganang sabi ng kapatid ko na walang ginawa kundi ilipat ang channel ng tv. Nahihilo na ako, fuck.
Galit nga sa akin, paano kaming magkakalakad. Minsan napaka insensitive din nitong kapatid ko. I know he's fully aware of our fight, sinabi sa akin ni Manang na nag inuman daw last week si Sam at Kuya. After our talk in that restau. Lalabas sana ako sa mga panahon na iyon ngunit kinain ako ng hiya at takot.
I'm such a stupid best friend! Biruin mo ipinagpalit ko ang pagkakaibigan namin sa pagmamahal ko kay Gyle. Tangina talaga, sana ay hindi ako magsisi sa ginawa kong desisyon!
"Ikaw?" Tamad akong tumingin sa kapatid kong ubod ng gwapo. "Don't you have things to do in the office aside of nagging me here?" Sarcasm is all over my face.
He look at me with same sarcasm and he let a laugh come out loud. Nagulat pa ako at medyo napatayo sa kinauupuan.
"Shit Kuya! Don't scare me like that!"
Umayos siya sa pagkakaupo at umismid. "Know what? Akala ko matalino ka," At umiling. Kumunot ang noo ko. What is he saying? "You're blinded by your love for that stupid guy and for that you can't see the real one who's always been there for you." He said.
"What are you saying? I can't get you!"
"Tsk. Ano ba!? Kapatid nga ba kita? Ang tanga tanga mo kasi."
Wow. Naman.
"Wow Kuya! Kung maka tanga ka ha! Ikaw ba ang kapatid ni Jimmy? Kung maka tanga ka sagad buto!"
"Who the fuck is Jimmy!?" Sigaw niya.
I laughed so hard. Oh sino ang tanga sa amin ngayon? He doesn't know Jimmy Neutron? The most intelligent kid of all?
I chuckled. "Who's stupid now?" He just glared at me. "You search Kuya, kung anong pinagsasabi mo, don't act like a pussy love guru. Wag ako ha!"
He smirked. "Someday you'll think about what I've said but better be early sweetie, he's human too, capable of being hurt and he gets tired too."
Sino ba ang tinutukoy nito? Am I missing something here? Sino ang tinutukoy niya na hindi ko makita ang presensya?
"Just go straight to the point Kuya! Who are you talking about?"
"Go and find out, sweetie."
He said and glanced at me. Umakyat na siya sa taas at iniwan akong mag isa dito. Nag iwan pa ng palaisipan. Hmm, bahala nga siya.
Tumayo ako at pinatay ang tv. Mabuti pa ay mag mall nalang ako. Tutal wala naman akong gagawin. I should go somewhere, mamamatay lang ako dito sa kakaisip, and besides, yari ko na ang homeworks ko.
"Where are you going?" Kuya asked. Great! Kalalabas niya lang ng kwarto niya at nakabihis din siya, mukhang may lakad din.
"Mall, I'll just buy something." I plainly said. "You?"
Nagkibit balikat naman siya. "I'm going there too. Halika at sabay na tayo."
Tumango ako at bumaba na kasama niya. I open the door near the driver's seat.
"Not there, Sugar." Pigil niya sa akin. I look at him, naiinis na ako ha. Bakit may kasama pa ba kaming aalis!?
"Doon ka sa likod." Sabay bukas niya ng pinto. "May susunduin pa tayo saglit." He smirked. Para bang may binabalak siyang masama.
"Fine." I gritted.
Sino naman kaya ang kasama namin? Babae niya? Oh well, it seems like i'm third wheeling now. I crossed my arms and rolled my eyes. Nahihilo na ako kakairap dito sa loob ng sasakyan, wala namang ginawa si kuya kundi ang pumito at sumipol ng nakakaloko. Para bang nasisiyahan siya na naiinis ako.
Well, that's how brothers do to annoy their little sisters. Pero swerte rin ako sa mokong na ito, kasi kahit nakakainis siya, palagi naman niya akong pinagtatanggol.
"May susunduin lang tayo, mag iinuman kasi kami, may problema yung kaibigan ko e." Sabi niya.
"Whatever." I said.
Biglang siya tumawa at iniliko ang sasakyan papunta sa village nila Sam. Damn? What are we doing here!? Don't tell me it's Sam that he's talking about!? Ano naman ang problema ni Sam? Eh away bata lang naman ang meron kami! He don't need to get drunk at that simple thing...well ending a friendship is indeed not simple. But, bakit kailangan pa magpakalasing?
"W-hat are we doing here!?" Sabay lingon ko. Lumiko siya paunta sa street nila Sam. "Si Sam ba ang susunduin natin!?"
I sound so happy. Halatang halata iyon nung sinabi ko ang mga huling salita.
"Yup, mukhang may problema e." Sabay sulyap niya. "Hindi mo ba alam? I thought you two are best of friends?" Tila ba inosenteng inosente ang isang ito.
"You dope! I know you already knew what's happening." Utas ko.
I feel so uneasy. It's been weeks since the last time I saw him. Kumusta na ba ang mokong na ito? I miss him so bad.
"We're here!" Mapangutyang sabi ng aking mahal na kapatid. Sarap batukan e.
"I know, nakikita ko kuya." I rolled my eyes.
"You're so rude!" Inalis niya ang seatbelt. "Wait for us here, ako na ang bababa. Baka mamaya hindi yun sumama kapag nakita ka." He said and leave me there with dropping jaws.
Bakit naman hindi siya sasama aber? We're still friends. At kahit mahal ko si Gyle, we'll always be best of friends. Hindi ko naman kailangan mamili right? Kailangan kong ipaintindi sa kanya na wala naman kailangang panigan. They are both important to me only that Gyle is important romantically. But both of them means so much to me. I swear.
Agad akong umayos ng upo ng makita si Kuya at Sam na papalabas ng bahay nila. Tumatawa si Kuya habang si Sam naman ay nakahawak sa batok niya. He look at the car's side, hindi niya naman ako makikita agad. It's tinted. Nakangiti siya ngunit halata mo na parang stressed and hindi ito nakakatulog ng maayos. He have eyebags now! And ow, his hair is disheveled! Humaba na ito hindi kagaya ng natural niyang gupit.
Why Sam? May binulong sa kanya si Kuya at nawala ang ngiti niya ngunit nakatingin pa rin dito. Umiling siya at akmang hahakbang pabalik sa loob ng bahay.
I can't take it anymore.
Bumaba ako, nagulat silang dalawa sa lakas ng pag sara ko ng pintuan. Kuya's eyes widened and Sam's too.
"SAMMY FRANCO DELA TORRE! ANO BA!? IT'S BEEN WEEKS AND YOU'RE STILL NOT TALKING TO ME!" Sigaw ko. He's jaw clenched and fist tightened. Naghahabol ako ng hininga. "I MISS YOU SO FUCKING DAMN MUCH!" Dagdag ko na nagpabago sa walang ekspresyon niyang mukha.
"You're so loud Sugar!?" Naiinis na sabi ni Kuya na nakahawak pa sa tenga niya. Binalewala ko iyon. Ang paningin ko na nakatutok kay Sam na ngayon ay tinititigan din ako.
"Say something, please..." I said.
He still looking at me without any expression. I don't know anymore.
"Can't you here me... I miss you, I miss my best friend." A tear escaped.
Dali daling yumakap siya sa akin. Sobrang higpit. Para akong mababasag sa kahigpitan. Hinaplos niya ang buhok ko at hinalikan ang noo ko.
"I missed you so damn much, too."