16

9 0 0
                                    

Pasabog kong sinara ang pintuan ng banyo. Kinuha ko na lahat ng kailangan ko, dito na ako titira. Hindi, joke lang! Dito na ako mag aayos, sana pag labas ko ay wala na si Sam doon, naiinis pa rin ako.

I chose to wear this black flowy dress match with my beige coat and nude valentino sandals. I blow dried my hair and let it fall naturally. Naglagay ako ng light make up, for me to not look pale but presentable. Halos kalahating oras yata akong nasa loob, ng napag pasyahan kong lumabas na.

Sumilip muna ako, yes! Mukhang wala na siya. Dahan dahan akong lumabas, and to my freaking amazement. Nandun na siya at nakatayo malapit sa pintuan.

Here in front of me is a good looking young bachelor, in his three piece suit looking like a dashing filthy billionare. His jaw clenched. Niluwagan niya ang neck tie niya, napansin niya ang pagtingin ko sa kanya, agad akong nag iwas.

"You ready?" He asked.

"Yes, come on." Sabi ko at kinuha muna ang bag ko.

"Saglit lang..." Sabi niya at pinanuod ko siyang pumunta sa salamin. Hirap na hirap siyang inaayos ang tie.

Dinala ako ng mga paa ko sa kanya. Kahit na naiinis ako sa inasal nila ng girlfriend niya, hindi pa rin mawawala sa akin ang pag care sa kanya. He's my bestfriend for petes sake!

Tinapik ko siya, humarap siya sa akin na nagtataka.

"Let me fix it."

Tumango siya at bahagyang tumingala. I remember how I fix daddy's tie when I need something from him. Ahhh, I miss him so bad. Inayos ko ang tie niya na tama lang, yung hindi siya mahihigpitan.

"Oh ayan, pasalamat ka at hindi ko pa sinagad para masakal ka na!" Sabay hagod ko ng coat niya para mawala ang gusot nito.

He chuckled. "I'm sorry..." He hold my arm.

Tinignan ko ang kamay niya na nakahawak sa mga braso ko.

"Halika na, baka malate tayo."

"Please don't be mad..." Panunuyo niya.

Para akong kandilang sinindihan at unti unting nalulusaw.

"I'm not mad!"

"Really? Then why are you acting like that? You're always walking out! Talk to me!"

Hinarap ko siya. Naiinis na ako dito, kahit gwapo ka at bestfriend kita, I don't tolerate that. I can't stay quite anymore.

"I'm not mad, hindi naman nakakagalit yung mga nakita ko, sus parang yun lang!" Sarcasm is all over me. His eyes widened. "You two having a smoking making out scene while i'm asleep? IT DOESN'T MAKE ME MAD! HINDI TALAGA AKO GALIT, PARANG YUN LANG!" Sigaw ko. Nagulat siya at unti unting bumitaw.

"Hindi ka galit pero sumisigaw at umiiyak ka..." Puna niya.

Nagulat ako ng bumuhos nanaman ang luha sa mga mata ko. Bakit ba ako umiiyak tuwing naaalala ko iyon. Shit naman oh! Agad agad ko itong pinunasan.

"Look Sugar, I'm sorry alright? Please don't be mad sweetie, please, I can't bear with you being mad at me." He said softly.

"Okay, halika na. Hindi mo naman ako girlfriend kaya wag kang mag sorry. I'm just your bestfriend."

Yes. Best friend lang ako kaya dapat ay lumugar ako. The anger that I feel is maybe because of the respect that I didn't see when they did that while i'm sleeping. Who in the right mind will do that when they're fully aware that they're not alone inside the car? Meron pala. Sila. But that is because they're are girlfriend and boyfriend. Nagulat lang siguro ako. But I'll forgive him. For the sake of our forgotten friendship.

"Everything in you matters to me." Seryoso niyang sabi.

"Then if it matters to you, don't do something that will make me feel upset." Seryoso ko ding sabi. "Lalabas na ako, sumunod ka nalang."

"Sabay na tayo." He said and walk towards me.

Ibinukas niya ang pinto para sa akin. He even escort me in entering the elevator. Bumaba kami sa lobby ng hotel. Ang daming tao, wearing there swimwears, we look so isolated. Business attire in beach? Well, that's new.

Huminto ang McLaren niya sa harap namin at lumabas ang valet, inabot sa kanya ang susi. Tinanggap niya naman at binuksan ang harap ng sasakyan para sa akin.

Naalala ko dyan umupo si Iza. Ayoko dyan. Umiling ako at kumunot naman ang noo niya.

"I'll sit at the back," Sabay tingin ko sa likod. "That's Iza's spot." Punong puno ng pait ang pagkakabanggit ko non.

Hindi ko na hinintay pa na magsalita siya, instead of waiting for him, dali dali na akong pumunta sa backseat. Nagulat naman ako ng buksan niya ang pintuan at hatakin ako palabas.

"No! You'll be sitting beside me, don't be stubborn, please..." Naiinis niyang sabi at sinalampak ako sa inuupuan kanina ni Iza.

"How about her!? Hindi ba natin siya susunduin?" I am not concern about her, alright? Gusto ko lang na wag makatabi siya! At wala akong maalala kundi ang halikan nila.

Padarag niyang sinara ang pintuan at umikot para makaupo.

"Bwisit!" I cursed.

Pinaandar niya na ang kotse papunta sa venue. In not less than 10 minutes ay andito na kami. Malapit nga lang, may mga nakaabang ng usher sa amin pag kababa.

Inilibot ko ang mga mata ko, sobrang daming participant mula sa iba't ibang unibersidad. May mga nakita pa ako na nakakalaban ko dati sa mga competition noong high school palang ako.

Karamihan sa participants ay lalaki. Iilan lamang ang mga babae, medyo nahiya tuloy ako.

"You're from what university miss?" Tanong ng isang matangkad at gwapong lalaki na walang ginawa kundi ang ngumisi sa akin.

His wearing a three piece suit also, but unlike Sam, nakatanggal ang coat niya. Having a clean cut hair makes him look like a well-disciplined person. I look at him from head down to foot and he smirked. Nag iwas agad ako ng tingin.

I smiled, tho. I don't wanna be rude right now, "From UPD."

"Oh! A beautiful lady from UPD,"Halakhak niya. "I'll accompany you, by the way, I am-"

Magsasalita na sana siya ngunit natigilan ng biglang may pumulupot na kamay sa balikat ko.

"Can you tell us directly where's our seat?" Mayabang na sabi ni Sam.

Tinignan ko siya at maangas siyang ngumiti. Parang na pipe naman ang lalaking ito at bumaba ang tingin sa kamay ni Sam na nasa mga balikat ko.

"Sam Dela Torre..." Mahina niyang sabi.

Ngumisi muli si Sam. "Lloyd Madrigal. Are you hitting on my girl?" Punong puno ng diin ang pagkakasabi niya ng huling salita."

So they knew each other? My girl? Anong my girl! Aba't, naku baka mamaya makarating pa ito kay Iza baka kalbuhin ako nun. Hinawi ko ang kamay niya, nagulat siya at tumawa naman si Lloyd.

"Ano ba!? Tara na nga." Naiinis kong sabi. Lumingon ako kay Lloyd, he looks so amused on what I did. "I'm sorry Lloyd, can you please accompany us on our seat?"

He chuckled and look at Sam. "My pleasure, Miss Fuentes."

Paano niya nalaman ang apelyido ko? Oh, malamang ay tumingin siya sa Id ko. It can be seen, easily.

Lumakad na ako patungo sa itinuro ni Lloyd. Akala ko ay sumunod na si Sam ngunit tila na estatwa lang siya doon. I glared at him.

"Sam! Ano tutunganga ka nalang ba diyan?"

"Damn, girl." He mouthed. And run towards me.

Long Lost LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon