Naglalakad ako palabas ng NAIA terminal 3. Andito na naman ako sa Pilipinas. Isang buwan lang akong umalis pero parang isang taon ko itong kinalimutan.
I am waiting outside when I noticed na may nakatingin sa akin. Tumingin ako sa palagid ko at tama nga ako. They're looking at me. Ang iba ay parang na starstruck at ang iba naman ay malalaglag na ang panga.
Natawa naman ako kaya umiling nalang sa kanila. I am still waiting sa aking kapatid na ang tagal tagal. I left a bunch of messages kanina pero ni isa ay wala siyang sinagot. Nakakatampo ung loko na yun, papauwiin ako tapos paghihintayin ako dito sa airport. I hate waiting!
Bigla namang may huminto na sasakyan sa harapan ko. This isn't my brother's car.
Nang lumabas ang lalaking nag drive ay dinaanan lang ako nito sa harap. Nilingon ko siya at tinawag.
"Sam!"
Lumingon siya at hinanap ang nagsalita. Kumawaykaway ako at namilog ang mga mata niya. Tila nagulat ito. Tumakbo siya palapit sa akin at napatakip sa bibig.
"What the! Is that you Sugar?"
I smirked. Pati ba naman siya ay hindi ako nakilala. Itinaas ko ang aviators ko. "Oyeah, the one and only Sugar Fuentes."
He chuckled and hug me so tight that I can't even breathe.
"Miss me?" Tanong ko habang akap niya.
Kumalas naman siya sa yakap at napasapo sa ulo.
"Oh God! Hindi kita nakilala! You look so beautiful! Yan ba ang epekto ng Japan sa'yo?" He smirked.
Natawa naman ako sa sinabi niya. When I was in Japan mas minahal ko ang sarili ko, napabayaan ko kasi ang sarili ko ng maraming taon kaya hindi ko naalagaan ang kutis ko. Kaya naman when I was there I went to the most well-known dermatologist there. Mom knew this because siya mismo ang nag reccommend at nagsabi sa akin na I should change. She woke me up in reality na hindi ako pangit, hindi ko lang naalagaan ang mukha ko kaya nagkaganun. And here I am, wala na nga atang makakilala sa akin even Sam.
"Well I think so, I have decided to love myself more. Heto ang resulta"
Tumawa ako at umikot sa harapan niya na tila ba nag transform ang isang ugly duckling in to a beautiful swan.
Napailing naman siya at ngumiti. Sammy Franco Dela Torre. My boy best friend since elementary. Nagkahiwalay kami nung High school pero may contact pa rin kami sa isa't isa dahil we live on the same village. In other word, magkapitbahay kami.
"So why are you here? Sino ang susunduin mo?"
Nagkibit balikat siya. "Ikaw. But I was so star strucked, that's I didn't recognized you."
"Really? Haha. Why you? Where's my brother?"
"He called me a while ago to fetch you because he can't postponed an important meeting with some foreign investors but he said he'll make it up to you."
"Uh huh, I understand. So... let's go?"
Tumango siya at kinuha ang luggages ko at nilagay sa likod ng McLaren niya.
"So how are you!?" Sabi ko para hindi naman maging tahimik buong byahe.
"Well, i'm doing great! Ikaw kumusta ka na? Damn, Japan really changed you." Napakagat siya ng labi ng sinabi niya iyon.
"Ano ba Sam! It was a change for good."
"Hindi kasi ako sanay." He laughed.
"Kumusta naman kayo ni Iza?" Bigla ko nalang naitanong.