Mula sa mahigpit na pagkakahawak, unti unti akong pinakawalan ni Sam. Tumango siya at yumuko. Pakiramdam ko ay nagsasawa na siya sa pakikinig sa mga walang kwenta kong desisyon.
I just let someone who hurt me before enter in my life again. It's like reading the same book everyday, eventually I'll get tired too. Reading the same page, and experiencing the pain of the same ending. But no matter how painful the ending is, I can't lie to myself that it is still, my favorite.
Believe me Sam, maski ako ay sawa na din sa paulit ulit kong pagkakamali. Pero paano ko ba mapipigilan na mahalin si Gyle? Gustong gusto ko pero sa tuwing lalapit siya, lahat ng galit at poot na inipon ko, unti-unting natutunaw.
"Iuuwi na kita." Utas niya.
Para akong naestatwa sa lamig ng pagkakasabi niya. Pinanood ko ang marahan niyang pag punta sa sasakyan, bubuksan niya na ang pinto ng mapansin ang hindi ko pag galaw.
"What are you waiting for? Get in."
Napakurap ako bago lumakad at pihitin ang pintuan ng kanyang sasakyan. Tanging tunog lang ng makina ng sasakyan ang nagsisilbing ingay. Nobody wants to speak. Nakakabinging katahimikan ang bumalot sa buong sasakyan. Sinusulyapan ko siya ngunit seryoso ang tingin niya sa daan.
"Kumain ka na ba?" He asked. I know he's mad and his just trying his best for me to not feel it.
"H-indi pa..."
Sumulyap siya sa akin at umiling. "Where do you wanna eat?"
"Kahit saan." I stutter. "Ugh, I mean..ikaw ang bahala."
Hindi siya kumibo at iniliko ang sasakyan, hindi na ito papunta sa bahay namin. Hindi ako sanay sa Sam na hindi kumikibo. He's usually vocal about my decisions but now? It seems like he's angry. Ayoko ng ganito, nalulungkot na nga ako, mas lalo pang bumibigat ang pakiramdam ko.
"Aaaaaahhhh!!!" Sigaw ko sabay sabunot sa sarili ko.
Ang tanga tanga ko! Sino ba naman kasi ang hindi magagalit sa akin! I went all the way to Japan to change myself for the better, I came back here to plan something that will make him suffer, will make him fall so deep and I'll leave and wish he'll not recover. But who am I kidding? Ako yata ako, napaikot nanaman. Kaya heto, gumawa nanaman ako ng desisyon na kagalit-galit.
"Damn!" Ani Sam at napahinto sa pag da-drive. Muntik na akong sumubsob sa dashboard, mabuti nalang ay naka seatbelt ako.
Dali dali niyang kinalas ang seatbelt niya at hinawi ang buhok kong humarang sa mukha ko sanhi ng biglaang pagkaka-preno.
"Fuck, are you alright!?" Aligaga niyang sabi.
"Y-yes..." Tumango ako. "I'm sorry Sam!" Sabay iyak ko.
"Bakit ka nanaman umiiyak!?"
I heard him curse a lot of times.
"Ikaw kasi..."
Ikaw kasi. Nalulungkot ako dahil hindi niya ako kinakausap. Pakiramdam ko mas lalong bumibigat ang nararamdaman ko sa tuwing hindi siya kumikibo. Ayos lang kung sigawan niya ako, pangaralan niya ako, oh kahit sermunan niya ako. H'wag lang ganito.
"What have I done?" Mariin niyang sabi at inangat ang mukha ko para magtama ang paningin namin.
"You're not talking." I said almost like a whisper. "If you're mad...please shout at me, hurt me, or feed me with sermons. I can bear with that, I deserve it. Just don't be silent."
