Nayari ang pagsama ko kay Hannah ng halos tatlong oras. We dine and it's Sam's treat. He said, he don't let women pay.
I'm thinking, ilan na kaya ang babaeng nailibre niya at nailabas sa mga mamahaling restaurant? Well, I don't mind, I just wanna know.
Hannah flew already in Palawan. She said, she'll be posting some pictures in her instagram account for me to see it. Sabi niya bibilhan niya daw kami ng pasalubong ni Sam bilang ganti sa pagsama namin sa kanya sa Mall. I don't want to but she insisted.
"Nag check na ba ng attendance?" I ask the girl beside me. I don't know her actually.
Nagulat siya at umiling. Napabuntong hininga ako at ngumiti. Yes! Akala ko ay late na ako, tanghali na kasi akong nagising plus the fact na saksakan pa ng traffic.
Umupo ako ng diretso ng humarap ang aming propesor na nagsusulat kanina sa pisara.
"Okay, is there anyone who's late here?"
Para akong nabuhusan ng malamig na tubig. Agad akong tumingin kay ate na pinagtanungan ko. She just chuckled and let her peace sign apologize! Nagtaas siya ng kamay, habang nahihiyang tumingin sa akin. Late din pala, that's why!
Unti unti akong nagtaas ng kamay.
"Ms. Fuentes! You're late?" Takang takang tanong ng aming guro.
Pinagtinginan ako ng mga kaklase ko. And to my amazement, nasa harapan pala nakaupo si Gyle. God forbid, kaklase ko nanaman siya! Damn it!
"Yes mam, i'm sorry." Mahina kong sabi.
Matamlay siyang nakatitig sa akin.
"You know my rules, Ms. Fuentes."
Crap. Bakit ko nga ba nakalimutan ang rule na iyon! The "don't enter the class when you're late" policy. Lumingon ako sa kapwa ko late, papalabas na siya ng classroom. Pinagbubulungan na ako ng mga kaklase namin. Parang gusto ko nalang lamunin ng lupa dito sa kinauupuan ko. I glanced my sight at Gyle, I can see pity.
Wag kang maawa!
"But ma'am, don't you have warnings? This is my first time and I have a valid reason, here me out first..." I plead.
Umirap ang propesor. Kung hindi ka lang teacher, malamang ay kung ano na ang nasabi ko dito, nakakairita.
"Aba at pinapakialaman mo na ang mga house rules ko Ms. Fuentes, if you're not comfortable with my rules, I suggest, you should drop this class." Mataray niyang sabi.
Bago pa ako makasagot ay tumayo si Gyle na ikinagulat naming lahat. What is he doing!?
"Prof. Cuenca, i'm sorry to interrupt but it isn't her fault to be late..." Sumulyap sa akin si Gyle. "I heard that there's a traffic jam near our university that's why, let her pass for now after all we all deserve a second chance." Tinignan niya ako gamit ang mga matang tila humihinga ng pag-asa.
Umirap ako. He don't have to do this, kung guilty siya sa ginawa niya sa akin years ago, problema niya na iyon. He don't have to rescue me here, ayokong magkaroon ng utang na loob sa isang manggagamit na tulad niya.
Hindi kumibo ang aming guro at tumikhim. Now, i'm thinking that he must've been attracted to Gyle. Pati ba naman teacher? Nagkaka-gusto sa gagong ito!?
"Lalabas na po ako ma'am, it's okay..." I said. I'm already getting my notes and bag when she speak.
"Just put that down, i'm giving you a second chance Ms. Fuentes." Sabay iwas niya ng tingin. "Tawagin mo na din ung isa niyo pang kaklase na pumasok na, sit down Mr. Madrigal."
