11

7 0 0
                                    

"I-m sorry..." I cried at his shoulder.

He pat my back. "Sshh, don't be. I am sorry." He whispered.

"N-no, ako dapat, kasi naging selfish ako, sinabi ko sayo na kaya kong balewalain ang friendship natin for Gyle, I've realized na wala naman dapat piliin. Even if I love Gyle, I will always be your best friend, I promise."

Kumalas siya sa pagkakayap. Gosh, I missed him so much!

"Hey, guys? Andito pa ako? Go and get all your issues done, I'll be inside the car." Kuya speak and smirked at us.

"Thanks, bro." Tipid na sabi ni Sam at tumango sa kanya.

Pumasok si kuya sa sasakyan at naiwan kami ni Sam dito. He tilted my chin so he can see my eyes fully.

"It's alright Sugar, I can bear with that. I can bear with everything even if it pained me." Bulong niya. "Just be with me, even as your friend."

I chuckled. "You're always be my best friend, you're important to me and don't ever doubt that."

Tumango siya at ngumiti. "Halika na, naghihintay na ang kapatid mo."

Nagpatianod naman ako sa paghatak niya sa akin. He opened the car door for me. Pagkatapos nun ay umupo na siya sa tabi ni Kuya.

I feel so relieved! Knowing that all the issues are finally settled.

Maganda ang naging takbo ng araw na iyon para sa aming tatlo. Hindi na sila uminom, sinamahan nalang nila akong mamili ng kung anu-ano. Even if my brother's so bored on what i'm doing. Reklamo siya ng reklamo, pero sunod naman ng sunod. Ganoon din si Sam, naging instant driver at alalay ko pa ang dalawa. Tagabitbit ng mga pinamili ko.

Sa huli ay sila naman ang pinagbigyan ko na manood ng movie. It's title is San Andreas? Yes, if i'm not mistaken. It's a good movie, last full show ang naabutan namin. Kaunti nalang ang tao, but it's fine. Walang masyadong maingay. Ako lang yata dahil may mga scenes na sobra akong nagugulat at natatakot.

Imagine an extreme earthquake hit the Philippines like in this movie? I can't imagine what will happen to me, baka sa sobrang gulat ko ay hayaan ko nalang ang sarili ko na matabunan ng mga gusali.

I admire how this man in the movie save his wife, and his wife fought just to be with his husband and son. I admire them both. Iba yung pagmamahal, even if it's just a movie, I still can't imagine how life would be if you weren't bound to be with the love of your life.

At the last minute of life, what would I be willing to do? Ano ang kaya kong gawin kung andun ako at mamamatay na?

"If you're the man in that movie, would you risk your life for love?" I asked Sam who's busy watching the movie.

Tumingin siya sa akin. Kahit na madilim ay naaaninag ko pa din ang mapupungay niyang mga mata. Then a smile flashed on his face. I can see it clearly.

"Of course, I would risk everything to save my love even if it costs my life."

I smiled. "Swerte ang mamahalin mo Sammy! I'll support you on whoever you want."

"Swerte talaga," He smiled and look again in wide screen. "Kaya lang...hindi niya ako makita."

Tahimik akong tumingin sa kanya na ngayon ay tahimik din nananonood.

"In time she'll see your worth. Tanga nalang ang babaeng sasayangin ka, you're every girl would love to fall."

I don't but those words came out in my filthy traitor mouth. He smirked.

"Let's see, Sugar. Let's see."

Totoo naman di ba? After that movie thing. Umuwi na kami, sa bahay na kumain si Sam ng dinner at hinatid din siya ni Kuya. Everythinh went so fast and smooth. Sana ay palagi nalang ganito.

May pasok nanaman! Weekends are my safe haven. Pakiramdam ko malayo ako sa pressure at stressors. Hindi naman sa na pe-pressure ako dahil sa hirap ng course na pinili ko, it's just that, parang tamad na tamad ako sa buhay. But I need to do this, I need to have a bright future like what I want when I was a little kiddo.

I was about to enter our classroom when I heard my phone beep.

Unknown number:

"Where are you? Sabay na tayong pumasok, Good morning! :)"

I know this. I'm sure it's Gyle. Siya lang naman ang nag aabiso muna bago bumati ng Good morning. I smiled.

Gyle:

"I'm here na. Sumunod ka na lang."

Parang unti unting nabuhay ang mga namatay na paru-paro sa aking tiyan. I won't be a hypocrite now, I missed this feeling. Ilang sandali lang ay dumating na siya, tumatakbo. Hingal na hingal siyang humarap sa akin. But he still looks dashing. He sported his genuine smile. Oh Jesus, my heart melts.

"Good morning pretty!" He said sweetly.

I smiled. "Morning..."

Iginiya niya ako sa loob ng room. Our classmates look at us. Some of them we're familiar. I look at them again and oh! Ang iba sa kanila ay naging kaklase namin nung high school kami.

"Kayo ulit?" Nagtatakang tanong ng isa.

Tipid akong ngumit. "Hindi..." Sumulyap naman ako kay Gyle na malungkot ang mga mata. "Pa.. Hindi pa." I said again.

Lumiwanag ang mukha niya. Wala namang naging imik ang nagtanong. Bumalik na rin sa kani-kaniyang ginagawa ang mga tsimosa kong kaklase. I don't give a damn, alright? Sanay na ako sa mga ito, high school palang kami.

Ngumiti siya. "Thank you,"

"For what?"

"For giving me my chance, again and again."

Tumango ako. "Promise me, no lies, no competitions, no revenge, this time."

I am tired of hating. My heart is already tired of denying that I don't love him anymore when the real thing is I still do.

"Fuck that lies, competitions, revenge! Name it all, I won't hurt you ever again Sugar, I've already learned my lesson,"
Yumuko siya at umiling. "Not having you around feels like hell."

"I'm here now..." Bulong ko.

"And will never ever go..." He kissed my cheeks.

I... Blushed.

Long Lost LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon