I chose to talk to him here in park. Walang masyadong estudyante dahil malamang ay kumakain sa cafeteria. Umupo si Gyle sa isang bench, tinapik niya ang upuan sa tabi niya.
I just look at him with pure disgust.
Parang bumuhos ang libo libong ala-ala ng nakaraan. Those memories that I cage in jar, that shouldn't wander here. The way he look at me with pure disgust way back then. The way he chose Francine over me. The way he broke my heart into pieces. The way he changed me.Umiling ako. "Let's just get over this. Ano ba ang gusto mong sabihin? I'm giving you the chance to talk."
He sighed. "Sugar, I want to say sorry..."
"You should be."
Hinawakan niya ang kamay ko. Hinawi ko ang kamay ko. Suminghap nanaman siya at malungkot akong tinignan.
"Oo niloko kita noon, I wanted the spot so bad, and my plan is to distract you, to make you fall and leave." Sumulyap siya muli sa akin at tumingin sa kawalan.
Fall and leave, huh? Really? When the time that I opened my heart for him, I am already in distress. I mean, how come this gorgeous man wants to court girl like me? I'm nothing compared to all the girls in our school na sosyal, makinis, maganda, may taste sa pananamit, talino lang ang meron ako but I never have the beauty that every boy in this generation wants. Pero kahit ganun, I chose to believe in his pure heart and intention. Naniwala ako na iba siya sa lahat, na hindi siya kagaya ng ibang lalaki dahil matalino din siya.
"But everytime you do good things for me, realization hits me. Sobrang gago ko para lokohin yung babaeng walang ginawa kundi mahalin ako, sobrang gago ko para balewalain yung babaeng kaya akong pagpasensyahan..." I saw a tear escaped in his eyes. "Sobrang gago ko Sugar, sobra para lokohin yung taong walang ginawa kundi ipaglaban ako." He said almost like a whisper.
Hindi na nakawala ang mga luha na kanina ko pa pinipigilang lumabas. Gago ka talaga Gyle! I saw how sincere he is saying all of these. If not, iiyak ba siya sa harapan ko? Pinahid ko ang mga luha ko at matapang na tumingin sa kanya.
I couldn't utter any words, I just want him to talk before I say my final speech.
"Kaya nung umalis ka, doon ko na talaga na realize na mahal na mahal kita," He held my hand towards his. Sa sobrang panghihina ko ay sumunod ako, ngayon ay nakayakap na siya sa aking bewang. "I've been in hell for a long time, please come back, baby..." Masuyo niyang sabi.
Inilayo ko ang sarili ko sa kanya at umiling.
"I've been in hell too Gyle, but you can't just cry at me and everything's alright. Do you know how it feels to be treated like that?" I mocked. "Hindi di ba? Hindi naman kasi ikaw yung niloko ng paulit ulit, sinaktan hanggang sa wala ng matira, nilait, at nakarinig ng mga salitang kailanman ay tila hindi na mabubura sa isipan mo," I sobbed. "You're not there...you weren't in my position, kaya't hindi mo alam kung gaano kasakit."
"And i'm really really sorry for what I've done Sugar, please forgive me..."
Lumuhod siya sa harap ko at inakap ako. Shit. Other students are looking at us. Damn, Madrigal! Dito pa talaga gumagawa ng eksena.
"Shit! Gyle Stand up!"
Ngunit sa halip na tumayo ay mas hinigpitan pa niya ang kapit sa bewang ko.
"No..." He shook his head. "I won't stand here unless you give me a chance."
Pinagbubulungan at pinagtitinginan na kami ng nga estudyante na dumaraan. Ang iba ay grabe pa ang irap sa akin, pakiramdam siguro nila ay inaalipusta at kinakawawa ko siya.
"Yan ba si Niana? Omg, napaka arte naman, siya na ang niluluhuran..."
Dinig kong sabi ng isang lumpon ng babaeng dumaan sa harap namin.
"Damn it! Oo na, oo na, tumayo ka na dyan!" Sigaw ko.
Agad-agad naman siyang tumayo at yinakap ako. "Thank you, thank you... You won't regret this, I promise. I've changed, I'll do everything for you."
Wala na akong imik. If were not here, hindi ko naman gagawin iyon. Pero dahil sa kahihiyan na natamo ko, I need to do it. Maybe, pwedi na din right? Makakaganti ako sa kanya kung papahirapan ko siya.
This shouldn't be easy for him because he deserve all the pain, he should feel what I've felt.
Tinulak ko siya mula sa pagkakayakap. "Okay, we're done here. I have to go, hinihintay na ako ni Sam."
"Ako na ang maghahatid sayo."
"No, if you want your chance, sundin mo lahat ng gusto ko."
I look at him with all the coldness in my eyes. Nakikita ko na sincere siya sa paghingi ng tawad, my heart melts. Pakiramdam ko ay nawawala ang galit ko sa kanya. Naiinis ako sa sarili ko dahil ang gulo gulo ko! Shit!
Ngumiti siya pero halata ang lungkot sa mga mata. "Alright, thank you for the chance. I won't waste it, I love you Sugar..."
I nodded and walk away. Sana noon ka pa naging ganyan Gyle. Noong mga panahon na sagad buto pa ang pagmamahal ko sayo. Yung pagmamahal na meron ako para sa kanya noon ay yung tipong kayang kalimutan ang lahat. Kayang ibagsak ang lahat, lahat lahat para sa kanya. I can even sacrifice the spot just for him, but I then realized, kung makuha niya ba iyon, will he finally take me seriously? Hindi di ba. Will he love me back? Hindi rin. A guy like him usually fall for playgirls. He usually attracted with those who loves thrill and excitement, and I can't be that kind.
Naglakad ako patungo sa parking lot kung saan sinabi ni Sam na maghihintay siya. Didiretso na sana ako sa gate pero baka nandun pa siya.
Hindi nga ako nagkamali, nandun siya sa harap ng kotse niya nakasandal. Nakayuko na tila naninimbang. My tears fell upon realizing that this man really did his promise. That he'll be in every step I'll take, he won't let me cry alone.
Bawat pag hakbang ko papunta sa kanya ay mabigat. Tila ba, may pasanpasan akong napakalaki. Unti unti siyang lumingon at nanlaki ang mata ng nakita ako. Kumaway ako habang humihikbi. Dali dali naman siyang tumakbo at hinagkan ako.
"What happened!?" He cupped my face. Natawa naman ako at pinagid ang mga luha. "Did he hurt you? Tanginang yun, hindi makakalabas ang gagong iyon ng buhay." He cursed.
"H-ey.. No. We just talked."
"Why are you crying?" Mariin niyang sabi.
"I-i think I still...love him."