Xiara's POV
"Xi! Gusto mo mag-shopping ngayon? May bibilhin kasi ako sa mall eh." Sabi ng pinsan kong si Mizzy. Nandito kasi ako ngayon sa bahay nila. Sabado kasi at wala akong magawa sa apartment ko kaya naman dito muna ako nakikigulo,
"Hmm... sige. Wait lang, mag-bibihis lang ako." Sabi ko at pumasok na sa kwarto ko. Dito kasi sa bahay nila Mizzy meron na din akong sariling kwarto. Dati kasi madalas akong nandito kaya pinalagyaan na 'ko nila Tita at Tito ng sarili kong kwarto.
Nag-bihis lang ako ng simpleng white shirt at shorts at lumabas na.
"Mitz, leggo!" sabi ko habang naka-silip sa pintuan ng kwarto niya.
"Okay, leggo insan!" sabi niya at tumayo na mula sa pagkakahiga niya sa kama niya.
(Mall)
"Oh em gee! May mall tour sila dito bukas! Oh em gee, insan!" I shrugged. May nakita na naman kasi si Mizzy'ng poster ng favorite niyang banda dito sa mall. "Insan, look!" sabi niya sa'kin at inalog-alog pa 'ko.
Inalis ko ang kamay niya sa magkabilang balikat niya saka ako nag-salita, "Mitz, stop it. Tara na, pupunta pa tayo sa bookstore."
Kanina pa kasi kami dito sa tapat ng poster na 'to at wala atang balak na tantanan ni Mizzy 'to simula kanina nung pumasok kami.
"Wait lang, Xi. Pipicturan ko lang." sabi niya at pinicturan nga yung poster.
Pagkatapos niyang ma-picturan ay nag-cling na siya sa braso ko at siya na ang humatak sa'kin papunta sa bookstore.
Weird girl.
Nag-ikot ikot pa kami ni Mizzy pagkatapos naming bumili ng mga libro sa bookstore hanggang sa may nakita siyang shirts sa loob ng isang store at kinaladkad na naman niya ako.
"Wait lang Xi ah! Bibilhin ko lang 'to." Sabi niya sabay taas ng isang shirt na kinuha niya mula sa stand. May nakalagay ito sa harap na I'm Addicted to the Rhythm Guitarist at sa likod naman ay merong nakalagay na Kabe.
After 5 minutes ay lumabas na rin siya sa loob ng store at nag-yaya nang umuwi.
Nasa tapat na kami ng building ng apartment ko at binigay na sa'kin ni Mizzy lahat ng binili ko. Nasa isang malaking plastic bag naman 'yon kaya hindi ako nahirapang mag-dala.
Nang maka-akyat na 'ko sa unit ko ay inilagay ko lang sa gilid yung pinamili ko at nag-bihis muna ako ng pambahay. Nag-bukas ako ng wifi at saglit na nag-internet.
10:45 PM na nang maisipan kong i-ayos lahat ng pinamili ko kanina pero nagulat ako nang may isang plastic doon na tingin ko ay kay Mizzy.
Napaka-maingat talaga sa gamit ng pinsan kong 'yon. -.-
Itinabi ko nalang yung lalagyanan at ibabalik ko nalang sa kaniya iyon bukas.
(Kinabukasan)
Maaga palang ay nagising na 'ko para kumain at makapag-simba. Tinawagan ko na rin sila Lily, Cara at Mizzy para sabay-sabay na kaming mag-simba.
"Xi, pwede mo ba 'kong samahan mamaya?" tanong ni Mizzy sa'min pagka-labas naming ng simbahan.
"Saan?" tanong ko.
"Sa mall tour ng Daydream." Sabi niya habang naka-ngiti ng malapad.
"Eh? Hindi naman ako fan ng mga yun. Ikaw nalang. Kayo nila Lily at Cara." Sa aming mag-bebestfriends ata ako lang yung hindi fan ng Daydream na yan eh.
"Kasama naman na sila, syempre. Gusto kasi naming kasama ka para mas marami tayo. Sige na Xi, please?" pamimilit niya at nag-pacute pa siya.
"Ayaw ko nga. Madami pa 'kong gagawin." Sabi ko ulit.
"Eh~ Xi, dali na! Suotin mo yung binigay ko sa'yo kagabi." Sabi niya kaya bigla kong naalala yung paper bag.
"Ibig sabihin hindi mo talaga aksidenteng naiwan yun dun sa plastic bag ko?" tanong ko.
Tumango naman siya, "Yep! Oh ano? Sam aka na?"
"Ano bang laman nung paper bag?" pagtatanong ko pa.
"Sasagutin ko yang tanong mo pero sasama ka na sa'min?" sabi niya pero tiningnan ko lang siya.
Bigla siya ngumiti na parang may pinaplanong masama kaya naman napa-kunot ang noo ko.
"Shirt yung laman ng bag! Oh ayan, sasama ka na insan ah? Yey!" parang batang sabi niya at nauna nang tumakbo papunta sa kotse nila kung nasaan sila Lily at Cara.
Wait... what? Wala pa 'kong sinasabing Oo!
(Mall Tour)
"Daydream! Daydream! Daydream!" sigaw ng mga fans dito sa Activity Center ng mall, kasama syempre sa 'fans' na yan sina Mizzy, Lily at Cara.
"Oh-kay girls! Let's all give a round of applause for Seth, Katsumi, Lester, JC and Winter! Daydream!" sabi nung host at nag-simula na namanng mag-hiyawan ang lahat nang nag-labasan sila mula sa backstage. May mga nag-tutulakan na nga eh. Good thing, nilibre ako nila Mizzy sa VIP seats. Uuwi talaga 'ko kung hindi. :P
"Seth, ang pogi mo!"
"Lester, selfie tayo!"
"Kats, ang cute mo!"
"JC! Waaah! JC, I love you!"
"Winter! Ang hot mo! Oh my God!"
Ilan lang yan sa mga sigawan ng mga fans doon ng Daydream. Tahimik lang akong nakaupo habang yung iba halos mabaliw na sa kakasigaw. Isama mo pa 'tong tatlong katabi ko. Todo picture. May autograph signing naman mamaya, makakalapit rin sila!
"Magandang hapon, Daydreamers!" sigaw ng vocalist, ayon sa sigawan ng fangirls, JC yung name niya.
"Ito pong unang kakantahin namin ay ang signature song namin. Sana magustuhan niyong lahat."
Nag-start nang tumugtog yung mga nag-gigitara. They're singing Mr. Brightside by The Killers. Magaling naman pala sila... pero hindi parin ako fan. Nagalingan lang ako. Habang nag-sasaya ang lahat ay napatuon ang atensyon ko sa isang lalaki na may hawak ng bass guitar. Sa lahat ng mga kabanda niya, siya lang ang walang ka-emo emosyon habang nag-peperform. Bagay sa kaniya yung pangalan niya, Winter. Cold. Tss. Bakit ko ba pinagtutuunan ng pansin 'yang lalaking 'yan?
Next part ng show yung Serenade part. Base sa nakikita ko, isa-isang kakanta yung bawat member na matatapatan ng spotlight.
Nauna yung lalaki na may salamin. Sabi ni Mizzy, Katsumi daw yung pangalan nun. Kumanta kasi yung Katsumi ng Without You by AJ Rafael.
Nag-sunod sunod nang kumanta lahat hanggang sa napunta yung spotlight dun sa lalaking cold emotionally at bad boy physically. Wow, galing kong mag-describe.
The moment he sang the first stanza, I stopped.
Napa-tingin sa'kin sina Lily, Cara at Mizzy.
They looked at me because they know that song.
"Kahit na binabato mo ako ng kung anu-ano ikaw parin ang gusto ko..."
Walang Iba by Ezra Band. The last song he sang to me before he left me...