Xiara's POV
Unti-unti akong nag-mulat ng mata. Nagising ako sa isang puting kwarto na sobrang linis at parang alagang alaga. Kahit masakit pa ang ulo ko ay umupo ako sa kama at tinignan ang labas.
Mister sun is out.
Nasaan ako?
I tried to remember the things that happened last night at ang huli kong naalala ay nang makita ko si... Winter.
And as if on cue ay biglang bumukas ang pintuan ng kwarto at pumasok ang isang napakagwapong nilalang only on his plain white shirt and boxers, Winter Drew.
"Hi, baby. Good morning." then he gave me a kiss on my left cheek.
Itinaas niya yung dala niyang plato at juice at tumingin sa'kin.
"Breakfast in bed, hm?"
Nakatitig lang ako sa kaniya at tinatry iproseso ang mga nangyayari. Bakit nandito siya?
Naramdaman ko nalang ang mga palad niya sa pisngi ko at pinapatahan ako.
"Shhh, stop crying Xiara. Naiyak ka ba sa sobrang miss mo sa kagwapuhan ko?" he said then kissed me on my forehead.
He's fucking real.
He's beside me right now.
My Winter is with me.
Pakiramdam ko isa akong fangirl na nakasama ang idol niya sa isang kwarto.
Ilang minuto rin ay tumahan na din ako. Pagkatapos pala ng scene sa bar kagabi ay nakatulog ako. Hindi na daw niya 'ko iniuwi. He did what I told him. He ran away with me. Here in Tagaytay.
"Babe, you done?" rinig kong tanong ni Winter mula sa labas ng pinto ng kwarto kung nasaan ako.
Mag-gagala daw kami dito sa Tagaytay ngayon.
I opened the room's door at nakita ko doon si Winter na naghihintay.
"I'm done. Leggo!" excited kong sabi.
"Saan tayo pupunta?" tanong ko nang makasakay na kami sa kotse niya.
"Anywhere." casual na sagot nito.
I looked at my phone's clock, it's 3:00 in the afternoon.
"Okay, let's go to anywhereee!"
Siguro 30 minutes lang ang layo nitong pinuntahan namin mula sa rest house nila dito sa Tagaytay. Di ko parin alam ang gagawin namin dito. Nasa trunk pa si Winter at ibinababa yung mga gamit.
I saw him with a blanket, pillows, some chips, and three bottles of softdrinks.
"Picnic?" tanong ko.
"Hindi. Horseback riding." sarcastic nitong sabi.
Umirap nalang ako at nauna nang maglakad papasok ng Picnic Grove, nag-pipicture nalang ako sa lahat ng magagandang pagkuhanan ng pictures. Meron ding stolen pictures si Winter habang dala yung mga gamit namin. Hahahaha, kargador mode.
Pumwesto kami sa ilalim ng puno, malilim at onti lang ang tao.
Ako na ang nag-lagay ng blanket at nag-ayos. Nakakahiya naman kay Winter, siya na nga nag-bitbit eh. Hahahaha.
Kumain lang kami at nag-kwentuhan sa mga nangyari at mga gusto pa naming mangyari. Kumakain lang ako ng chips habang nakahiga siya sa lap ko at nakatingin kami pareho sa mga batang nag-lalaro.
"Xi, ilang anak gusto mo?" biglang tanong niya.
"At bakit?"
"Wala, random lang ako ngayon."
"Hm... siguro tatlo."
"Tatlo lang?!" napatayo siya dahil sa sagot ko, tumango naman ako.
"Ayaw mong gumawa tayo ng basketball team?"
"Ano, ginawa mo 'kong aso? Gago to ah." sabay irap ko.
"Joke lang babe. Hehehe. Basta kung ilan gusto mo, yun ang masusunod." sabay tawa nito.
Kinuha niya yung gitara niya mula sa gilid at nag-simulang mag-strum ng random na kanta. Nang makahanap na ata siya ng tamang kanta ay nagsimula na niyang sabayan ito.
"No I'm never gonna leave you darling. No I'm never gonna go regardless. Everything inside of me is living in your heartbeat." pagkanta nito sabay tingin pa sakin at kindat. Wushuu.
"Even when all the lights are fading. Even then if your hope was shaking. I'm here holding on... I will always be yours forever and more through the push and the pull. I still drown in your love and drink 'til I'm drunk and all that I've done, is it ever enough?" bakit ba ang ganda ng boses ng lalaking 'to?
Damn, pafall.