Xiara's POV
Saturday came at ang boring dito sa loob ng apartment ko. Niyaya kong pumunta dito yung tatlo pero hindi daw sila pwede. Sina Cara at Lily nag-rereview para sa long quiz nila sa tatlong subjects nila. Si Mizzy naman nakipag-date kay Katsumi. Ako? Nag-tutwitter at gumagawa ng portfolios. -.-
Napa-baling yung tingin ko sa phone ko nang mag-vibrate ito. Tinignan ko muna kung importante ba at nang makita kong si Winter 'yon ay agad kong binasa. So kapag si Winter ang nag-text, importante? Ehem! Napa-irap nalang ako sa naisip ko. Nababaliw na ata ako.
Winter:
Are you busy?Wag muna kayong mag-react sa name niya sa phonebook ko. Siya kasi ang nag-pangalan niyan.
Xiara:
Not really. Tinatapos ko nalang yung portfolio ko then wala na din akong gagawin. Why?Ano na naman kayang gusto nito?
Winter:
Wala lang. :) Nag-lunch ka na? Wanna grab some?Napa-isip naman ako... Hindi pa naman ako kumakain simula kaninang pagka-gising ko kaya... sige.
Xiara:
Sige. Saan ba?Pagka-text ko nun ay agad ko nang niligpit yung mga nagkalat na materials sa kama ko at nag-bihis. Meron na siyang reply nang maka-balik ako.
Winter:
KFC? McDo? Jollibee? Where do you want to eat?Napa-isip ako at napa-ngiti nalang nang may maalala akong kainan.
Xiara:
I know a place where we could eat. :) Saan ba tayo magkikita?Pagka-send ko ay nag-reply naman siya agad.
Winter:
No, susunduin nalang kita jan. See you in 10, babe. :*Talagang pinanindigan na niya yung 'babe' ah?
Xiara:
Okay :)Bumaba na ako nang matapos akong mag-ayos. Nag-dala lang ako ng isang maliit na bag kung saan may laman 'yong wallet, cellphone at panyo. Sinalubong naman ako ni Winter at pinag-buksan ng pinto sa shot-gun seat. Ayaw talaga niyang mag-mukhang driver ko. Hahaha. Well, pogi naman siyang driver. Hahaha— okay, tama na. Kung anu-ano na talagang naiisip ko.
Tahimik lang kami ni Winter na bumabyahe kaya naisipan ko nang mag-salita.
"Winter, anong mabuting hangin ang nasinghot mo at ang tahimik moa ta?" tanong ko pero di siya sumagot.
"Wuy!" sabi ko at tinusok siya sa braso.
"Winter namaaan! Pansinin mo kaya ako hindi yung nag-mumukha akong tanga dito kakasalita wala namang sumasagot sa'kin." Sabi ko pero tahimik pa rin. Bingi na ba 'to? O pipe? Tss.
"Ano bang kasalanan ko? May kasalanan nga ba ako?" tanong ko.
"Sige, tatalon ako dito palabas ng kotse mo kapag hindi ka sumagot." Sabi ko at hinawakan yung bukasan ng pinto.
"Isa..." pagbibilang ko.
"Dalawa— hanggang tatlo lang 'to, Winter!"
"Dalawa't kalahati— mag-sasalita ka ba o mag-sasalita ka? Nakakainis ka na ah!" totoo naman eh! Para na 'kong baliw na kumakausap ng hangin dito!
"Tatlo!" binuksan ko yung pinto at bigla namang may humatak no'n pasara ulit. I smirked. I win.
"What the hell do you think you're doing?!" sigaw niya.
"Tinotoo ko lang yung sinabi ko. Ako kasi yung tao na may isang salita. Kung ano yung sasabihin ko, gagawin ko. Gets mo? Ngayon, sasabihin mo sa'kin o uulitin ko yung ginawa ko kanina?"
Para naman siyang bata na nag-pout pa habang naka-tingin sa daan, "Kasi kahit sa text di mo manlang ako tinatawag sa endearment na'tin."
"Mas maganda kasi pag personal mong babanggitin. Mas dama ng pagsasabihan mo. Hahaha. Yiiiieee~ Ang cute talaga ng baby boy ko kapag naka-pout, parang pato! Wahahahahahahaha!" at napahagalpak na ako sa tawa. What the heck, ang childish niya.
"Tumawa ka pa. Kapag hindi ka tumigil, hahalikan kita, Perez."
Napa-hina naman ang tawa ko sa sinabi niya. Pinilit kong kumalma at nang maka-kalma na 'ko ay hinarap ko na ulit siya.
"Eh ano ba kasi talagang problema mo? Tinawag ka na nga sa endearment eh!" sabi ko.
"Hindi ka sumasagot kapag nag-I Love You ako." Sabi niya. Leche, ang childish talaga nitong Sandoval na 'to.
"Bakit, tanong ba yun?" napatawa na naman ako sa sinabi ko at sumimangot na naman siya. Hahahaha. Ang saya niyang pag-tripan.
"Yung totoo? Ano ba tayo Perez?" tanong ni Winter.
"Wala." Simple kong sagot.
"Wala?!" gulat na tanong na naman niya.
"Oo, wala. As in nothing. May problem aka do'n Sandoval?"
"Nothing? So itong ginagawa natin for 2 weeks, nothing lang sa'yo?" ramdam ko yung inis sa boses niya.
"Eh diba nga sabi nila, 'Nothing Lasts Forever'? So kung nothing tayo, edi tayo lang ang may forever." Natawa pa 'ko sa sinabi ko. Ang corny! -.-
Napa-tingin siya sa'kin at pinitik na naman ako sa ilong! Ugh!
"Corny ka din pala, Xiara?" tanong niya sabay tawa.
Inirapan ko nalang siya at humarap na sa bintana para maiwasan na ang pang-aasar niya.
"Pero aamin ko, kinilig ako." Ha?
