Chapter 28

1.5K 162 54
                                    

Winter's POV

"So I'm telling you I love you one last time, and goodbye...." kanta ni JC at Ashley sa huling linya.

"Thank you for coming to our mini fan meeting guys!" sigaw naman ni Seth na lalong ikinatili ng mga fans.

Nagsama-sama kaming lima sa gitna ng stage at sabay sabay na nag-bow kasabay ng pag dilim ng mga ilaw.

Isa-isa na kaming naglakad patungo ng backstage at inabutan naman kami ng tubig.

"Nakakapagoood!" sigaw ni Lester sabay upo sa couch.

"Di ka pa ba nasanay?" tanong ni Ashley na tinabihan naman si Lester.

"Kahit mag-tatatlong taon na tayo, di parin ako sanay no. Pero aaminin ko ha, nagsasawa na 'ko sa pagmumukha niyo." sabay tawa niya.

"Kapal naman ng mukha 'tol! Mas nakakasawa yang mukha mo, kung pwede lang inalis ka na namin e." sabat din ni Katsumi.

Pinapanuod ko lang sila habang nagkukulitan. Ayoko nang makisali.

Nananahimik ako nang biglang may tumamang bote ng mineral water sa ulo ko. Tinignan ko ang pinanggalingan non at nang makita kong si Ashley ay sinamaan ko ng tingin.

"Ang tahimik mo na naman Mr. Yelo! Hanggang kailan ka ganyan?"

"Wala lang ako sa mood." sagot ko na sinundan naman ng mga 'tss' nila.

"Lagi ka namang wala sa mood, kuya. What's new?" sabi ni JC.

Nakisabat naman si Lester, "Eh pa'no kasi, ganyan na yan simula nung nangyari sakanila ni Xi— sabi ko nga mananahimik na ako e."

Natahimik silang lahat. Tumayo na 'ko at kinuha ang bag ko.

"Naka move on na 'ko. Tapos na kami." at tuluyan na 'kong lumabas ng room para pumunta sa van namin. Dito ko nalang sila hihintayin.

Isang linggo palang nang makabalik kami dito sa Pilipinas. Tatlong taon na din ang lumipas. Pagkatapos ng unang wave ng tour, nagkaroon na naman kami ng comeback at nagpatuloy sa second wave ng tour. Madami kaming bansa na napuntahan. Mas lumaki ang bilang ng fans. Mas nag-mature. Mas nag-iba ang mga kanta. Mas dumami ang mga awards na napapanalunan. Mas madaming recognition na nakukuha. Mas sikat na ang Daydream ngayon. Madami nang nagbago.

"Hoy mister! Ang loner mo na naman jan!" sabi ni Ashley nang makarating sa harap ng van.

"Ash, wag mo muna akong guluhin. Tawagan mo nalang si Ashton."

"Ay good idea yan! Miss ko narin yung baby natin, wait lang tatawagan ko." kinuha niya yung phone niya sa bag saka tumalikod at nag dial ng number.

Ni-loud speaker niya ito at tumabi sa'kin. "Oh kausapin mo na dali!"

"Hi baby Ashtooon!" sabi ni Ashley sa tapat ng phone.

"Mooom! I miss you already!"

"I miss you too, baby! Kakausapin ka daw ni daddy, sad siya e." at inabot na ni Ashley sa'kin ang phone.

"Hi big boy." bati ko.

"Daddy! Daddy! Uwi na kayo pooo!" natawa naman ako sa kacute-an ng batang 'to.

"Uuwi na kami tomorrow, big boy. Be ready ha? Anong gusto mong pasalubong?"

"Toy carsss!"

"Sige, we'll buy toy cars bukas. Sleep ka na."

"Yes po daddy! I'm excited na po! Bye bye! I love you pooo!"

"I love you too!" sabay na sabi namin ni Ashley saka binaba ang tawag.

"Feeling better?" tanong niya nang matapos ang tawag.

"Yeah, tulog lang ako." sagot ko at naglagay ng earphones saka pumikit.

Minsan hindi ko maiwasang maisip... kung hindi niya kaya ako binitawan dati, ganito rin kaya kami kasaya ngayon?

Xiara's POV

"Xiara!!! OMG they're back!!!" sigaw ni Mizzy habang papasok sa kwarto ko.

"Talaga? Paano mo nalaman?" tanong ko dito.

"Eh kasi sabi sa twitter na nakabalik na daw sila isang linggo na nakakalipas. Hindi kasi ako nakapag online nitong linggo kaya di kita na-update sorry, insan."

"Okay lang yun, ano ka ba. Ano pang sabi jan?"

"Sabi na nagkaroon daw ng mini fan meeting kahapon, sayang di tayo nakapunta! Pero mapplay naman natin sa YouTube yon, okay lang."

Napabuntong hininga ako. "Isearch mo nga, Mitz. Gusto kong marinig."

"Wait lang insan.... ayan loading na!"

"Good afternoon daydreamers! Welcome to our mini fan meeting. Namiss niyo ba kami?"

"Si Seth yung nagsasalita, insan." tumango naman ako.

"Hello, sana ay maenjoy niyo. Magsaya lang tayo ngayon. Ibabalik namin lahat ng classic songs na namiss niyong tugtugin namin."

Parang may karera sa dibdib ko sa bilis ng tibok ng puso ko nang marinig kong magsalita siya. Winter ko.

"AAAY! Talaga naman insan, ang Winter mo walang kupas. Ang gwapo parin! Tignan mo, ang sarap titigan oh!"

"Pst may Katsumi ka na no, isusumbong kita."

"Ito naman, nagjoke lang e." at nagtawanan kaming dalawa.

"Mitz, anong itsura niya?"

"Uhm, naka gel yung buhok niya pataas. As usual, naka shades ang lolo mo kahit walang araw. Simpleng white shirt tapos jeans na black. Vans na black yung shoes niya tapos may hawak siyang bass. Naiimagine mo ba?"

Nakangiti akong tumango.

"Ang gwapo siguro niya 'no?" tanong ko.

"Oo naman insan. Kung gaano siya kagwapo dati, mas gumwapo na siya ngayon!"

"Talaga? Buti ka pa nakikita mo."

Nagpatuloy ako sa pakikinig habang tumutugtog sila. Sa loob ng tatlong taon, madami nang nagbago. Nararamdaman ko nga lang siguro ang hindi e. Naging sikat na ang Daydream sa buong mundo. Lagi silang laman ng mga dyaryo at news. Madami na rin silang awards na natanggap. Tatlong taon narin simula nang maghiwalay kami. Nagpatuloy ako sa buhay. May pagkakataong namimiss ko siya pero nilalabanan ko nalang iyon dahil para sa ikabubuti rin naman niya.

Hindi na ako nakatira sa apartment. Kanila Mizzy na ako nakikitira. Nagpapasalamat nga ako sa mga magulang ni Mizzy at tinulungan nila ako at itinuring na ring parang tunay na anak. Sila Katsumi at Mizzy parin. Proud ako sakanila dahil nakakayanan nila ang mag LDR at proud din ako sa Daydream sa lahat ng narating nila ngayon. Malayo na ang narating ni Winter pagkatapos ng araw na yun. Pero ako, nandito parin. Nakikipaglaban para sa buhay ko. Na alam kong sa kahit anong oras, pwede nang bawiin sa'kin.

I Want The BassistTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon