Chapter 8

2.8K 139 7
                                    

Xiara's POV

Sabado ngayon at naisipan naming mag-shopping nila Mizzy, Cara at Lily sa SM. Bonding naming ngayon, ngayon nalang kasi ulit na-vacant ang sabado naming apat eh. Lagi kasi kaming may pasok ng sabado.

"So... saan naman tayo ngayon?" tanong ni Mizzy pagkalabas namin ng Forever 21. Buti pa 'tong store, may Forever. Sila lang naman ang namimili, taga-sabi lang ako kung maganda ba o pangit yung damit. Hindi naman kasi talaga ako mahilig sa mga ganyang kagagandang damit.

"Starbucks?" tanong ni Lily.

"Wag na dun! Ano? Araw-araw nalang tayo dun? Nakakasawa narin uminom ng uminom ng frappe!" reklamo ni Cara.

"Edi wag!" sabi ni Lily kaya inawat na naming sila ni Cara. Parang aso't pusa eh.

"KFC nalang tayo. Nagugutom na 'ko tsaka lunch na rin naman." Suggestion ko.

"Oo nga, sabagay. Tara na!" agree ni Mizzy at nauna nang mag-lakad.

Pagkapasok naming sa KFC ay nag-hanap na muna kami ng mauupuan at nilapag na nila yung mga paper bags na may laman ng pinamili nila. Dahil mabait naman ako, ako na ang oorder para sa kanila.

Umorder kami ng tig-iisang Krushers, Snack Box at Bucket ng Chicken with Rice.

Palinga-linga ako habang nasa pila. Pa'no ba naman kasi? Lahat ng glass walls nila dito may poster ng pagkain tapos sa gilid naman nun makikita ko yung pag-mumukha ni Winter! Kaasar lang.

Nasa gitna ako ng pag-murder kay Winter sa isip ko nang may lumapit na dalawang babae sa'kin.

"Hmm... Hello po!" sabi nung babae na mas bata ata sa'kin kaya tiningnan ko siya at yung kasama niya tsaka nag-smile nalang ako.

"Hi." Matipid kong sabi.

"Ate, kayo po ba si Ate Xiara?" tanong ulit niya at tumango lang ako. Pa'no niya nalaman pangalan ko?

"Sabi sa'yo siya yung girlfriend ni Winter eh!" bulong na sabi nung kasama niyang isa pero nakaabot parin sa pandinig ko.

"OMG! Ate Xiara, pwede po mag-papicture?" sabi nung babaeng kanina pa kumakausap sa'kin.

"Kayo po yung girlfriend ni Winter diba?" napa-simangot ako sa tanong nung kasama niya. Girlfriend? Pwe.

Gusto ko sanang sabihing hindi kaso baka malagot ako kay Winter pag nalaman niyang ideneny ko siya.

"Hmm... Oo, ako nga. Sure, picture tayo." Sabi ko at tumabi naman sila sa'kin.

Naka-front cam yung phone kaya pa-selfie kaming nag-picture.

"Thank you po!" sabay nilang sabi.

"Ate, last na po." Sabi nung babaeng kanina ko pa kausap.

"Ano yun?" tanong ko.

"Pwede po bang paki-bigay ito kay Winter?" sabay abot sa'kin nung mga notebooks—scratch that, scrapbook pala. Hanggang dito ba naman? "Tsaka ito naman po sa'yo, Ate." Sabay bigay sa'kin ng bracelet na may W's na nakalagay W's?

For real? Sa'kin 'to? Akala ko puro haters lang ang meron ako dahil sa ginawa ni Winter pero... Wow!

"Ate, pa-autograph na din po ito." Sabi niya na naman tapos binigay yung marker sa'kin at tumalikod.

"Dito ako mag-susulat?" tanong ko. Tinutukoy ko yung likod ng shirt niya.

"Opo Ate Xiara. Tsaka yung sa kaniya rin po."

Pinirmahan ko naman yung mga likod ng shirts nila. Pagkatapos ay ibinalik ko na yung marker sa kanila.

"Thank you po Ate Xiara! Ang ganda at bait mo talaga! Mali silang lahat sa pang-hehate sa'yo!" sabi nila tapos niyakap nila 'ko. Na-ooverwhelm ako. Ang sweet nila.

"Ako po pala si Ann Villaruel." Sabi nung kanina ko pa kausap. Ann pala pangalan niya.

"Ako naman po si Kristine Mendoza." Sabi naman nung isa at nag-smile.

"Nanjan po twitter namin sa scrapbook, Ate Xiara. Sana po ifollowback mo kami." Sabi ni Ann.

"Sure!" sabi ko at nag-liwanag na naman yung mata niya. Cute!

"Kailangan na po namin umalis. Babye po Ate Xiara!" sabi ni Kristine.

"Bye!" I smiled at them and waved goodbye.

Time check: 10:47 PM

Mag-eeleven na pero di pa rin ako tulog. Bakit? Nag-tutwitter pa 'ko eh. Hahaha.

For the second time ay nagkaroon ako ng lakas ng loob na basahin at replyan yung mga nasa interactions ko. Maraming bashers pero di ko alam na may lovers din pala ako. Tama nga yung dalawang babae kanina.

Speaking of dalawang babae kanina... naalala ko yung scrapbook! Nandun daw yung mga usernames nila sa twitter eh.

Pinicturan ko muna lahat ng bigay nila. Mula sa scrapbook hanggang sa bracelets saka ko sila tinag sa tweet ko.

"@xkfperez: Thank you for the gifts! Highly appreciated! :)"

Pumunta na rin ako sa profile nila at finollow sila. Nakita ko rin sa recent tweet nila yung nangyari kanina. Pati yung picture ng likod ng shirt nila na may pirma ko tapos yung selfie namin.

I'm looking at the sun, you're looking at the moon~

Agad kong kinuha ang cellphone ko at sinagot yung tawag. Sino nga bang tumawag? Si Winter. Sa kaniya naka-assign yung rington nay un eh. At take note, siya ang nag-utos na i-set ko yun. Blinuetooth pa niya sa'kin yung mismong kanta niya. Mayabang talaga. Tss.

"Hello?"

"Bakit gising ka pa?" tanong niya.

"Kasi kausap pa kita. Mag-taka ka kung kausap mo 'ko pero tulog ako." Pamimilosopo ko.

"Tss."

"Ano bang itinawag mo? Matutulog na 'ko!"

"Wala naman. Just saw your tweet."

"Tapos?"

"Wala, proud lang ako na may nakakakilala na sa girlfriend ko tapos di mo 'ko dineny sa mga babaeng yun kanina."

"Natural. Baka kung anong gawin mo sa'kin pag nalaman mong ideneny kita eh."

Narinig ko pa yung tawa niya sa kabilang linya, "Buti alam mo."

"Sige na, oo na. Matutulog na 'ko. Bye." Hindi ko na siya pinatapos at in-end call ko na.

I Want The BassistTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon