Xiara's POV
Maaga akong pumasok ng Windmere University. Hindi daw kasi ako masusundo ni Mizzy sa apartment dahil inaantok pa daw siya at baka sa second subject nalang siya humabol kaya hinayaan ko nalang.
Konti palang yung tao na nasa loob ng school kaya dumiretso muna ako sa lagi kong tinatambayan, ang Music Room.
Ewan ko ba, every free time or kapag maaga akong nakakapasok ay dito ako dumidiretso. Wala namang nakakakakita sa'kin dito kasi hindi na masyadong nagagawi yung mga estudyante dito maliban nalang kung kailangan nila ng music instruments.
Lumapit ako sa Piano na lagi kong gamit these past few days at nag-simulang tumugtog. I'm playing Titanium by David Guetta ft. Sia.
"You shout it out but I can't hear a word you say. I'm talking loud, not saying much. I'm criticized, but all your bullets ricochet. Shoot me down, but I get up."
Sa lahat ata ng na-peplay kong kanta sa Piano ito ang hilig kong sabayan ng pag-kanta.
"I'm bulletproof, nothing to lose. Fire away, fire away. Ricochet, you take your aim. Fire away, fire away. You shoot me down but I won't fall. I am titanium. You shoot me down but I won't fall. I am titanium."
Pagkatapos kong kumanta ay nagulat ako nang makarinig ako ng mga palakpak. Napahinto ako sa pag-tugtog at sa pag-kanta. May nakarinig sa'kin.
"Magaling ka din palang kumanta at tumugtog eh. Akala ko sa pag-sampal ka lang magaling."
Napalingon ako at nagulat ako sa nakita ko.
"Anong ginagawa mo dito?!" inis na sabi ko sa lalaking nasa harapan ko ngayon.
"I'm going to study here."
"Nakakainis naman eh! Umalis ka na nga dito! At wag na wag kang magkakamaling ipagkalat yung tungkol dito sa nakita mo kundi..." humina ang boses ko. Wala akong pang blackmail!
"Kundi ano?" he asked with a smirk plastered on his face.
"Ah basta! Wag mong ipagkakalat yung tungkol sa nakita mo!" inis na sabi ko at lalabas na sana sa Music Room nang mag-salita pa ulit siya.
"Gym. 12 noon sharp." Sabi niya at nauna pa sa'kin sa pinto.
"By the way, I'll be expecting you there. It's either pupunta ka o pupunta ka. You might not want to mess with me, Xiara." At tuluyan na nga siyang lumabas ng Music Room.
Mabilis na lumipas yung araw ko sa school. Di ako pumunta sa usapan nung lunch time. Psh. Wala akong pakielam sa kaniya. Yung mga estudyante naman parang iwas sa'kin. Laging may nag-bubulungan pag napapadaan ako, may mga umiirap, may backstabbers pa nga, pero madalas yung mga estudyante na gusto daw akong maging kaibigan. Mostly, girls. Puro fangirls ata ng Daydream. Alam na rin siguro nila yung tungkol sa tweet ng asungot na 'yon.
"Xi! Mauna na kaming umuwi ah? Dadaan pa kasi akong bookstore. Nakauwi narin daw sila Lily at Cara. Oo nga pala, good luck sainyo ni Winter! Yiiieee!" pang-aasar ni Mizzy habang palabas na siya ng pintuan ng room. Gumawa pa siya ng puso gamit yung kamay niya pero inirapan ko nalang. Iilan nalang rin kaming tao dito sa room kaya inayos ko nalang yung mga gamit ko at lumabas na.
Nilagay ko na yung earphones ko at nag-simula nang mag-lakad pauwi nang may humatak sa braso ko kaya napatingin ako kung sino yun.
"Ugh! What the hell!" sigaw ko sabay hatak pabalik ng braso ko.
"Bakit hindi ka sumipot sa usapan kaninang lunch?" madiin na sabi niya habang nakahawak na sa magkabilang braso ko.
Napa-takip ako kunwari sa bibig ko sabay sabing, "Ay, sorry! Di nga pala ako nakakaalala ng mga hindi importante! Sorry, my fault."
Lalong dumiin yung pag-hawak niya sa braso ko at mas hinatak niya 'ko palapit sa kaniya.
"A-aray! Ano ba! Bitiwan mo na nga ako! Masakit!" sigaw ko habang pinipilit na i-alis yung kamay niya sa braso ko.
"Anong sinabi ko sa'yo kanina? Diba sinabi kong wag mo 'kong kakalabanin? Bakit ang tigas ng ulo mo?" tanong niya pero wala na sa tanong niya ang atensyon ko. Nasa braso ko na, na feeling ko ay pulang pula na dahil sa pagkaka-hawak niya.
"Tumingin ka sa'kin, Ms. Perez!" sigaw nito kaya agad akong napa-tingin sa kaniya. Sa mga mata niya.
"Alam mo ba kung gaano kahirap lusutan yung ginawa mong gulo sa banda namin nung Mall Tour?" tanong nito habang naka-tingin ng diretso sa mata ko. Umiling lang ako.
"Kailangan ko pang mag-sinungaling at sabihing girlfriend kita para lang hindi ako ma-issue! Our opponent recording management can use that against us, alam mo ba 'yon? At kung hindi ako naka-isip agad ng paraan ay malamang disbanded na kami ngayon!" hindi ko alam kung totoo ba yung sinasabi niya pero totoo man o hindi, mag-sosorry ako.
Tinignan ko din siya sa mata at pinigilan ang sarili ko na wag umiyak.
"S-sorry na... Hindi ko naman sinasadya..." napa-yuko ako. "Maniwala ka man o hindi, f-first kiss ko kasi yun kaya syempre nagulat ako... Sorry na..."
Winter's POV
"S-sorry na... Hindi ko naman sinasadya... Maniwala ka man o hindi, f-first kiss ko kasi yun kaya syempre nagulat ako... Sorry na..." sinabi niya 'yon habang naka-tingin ng diretso sa mata ko.
Parang naiiyak na siya kaya binitawan ko na yung braso niya. Ayokong nakakakita ng babaeng umiiyak eh.
"Ano ba kasing kailangan mo sa'kin? Nananahimik na 'ko eh!" inis na sabi niya habang hawak yung braso niyang namumula.
"I want you to act as my girlfriend." Simpleng sagot ko na parang wala lang sa'kin 'yun.
"What?! No way!" sabi naman niya habang umiiling.
"Wag kang maarte, di kita gusto at kung papipiliin ako hindi rin ikaw ang gigirlfriendin ko!"
"Wow, kuya. Pogi mo masyado!" sarcastic na sabi nito sabay irap.
"Diba nga dahil sa ginawa mo sa mall tour na issue gumawa ako ng letter na nagsasabing nagka-misunderstanding lang tayo at girlfriend kita? So kung hindi ka aarte bilang girlfriend ko masasabotahe ang plano."
Bumulong bulong pa siya na parang ayaw niyang pumayag kaya nag-salita na 'ko.
"Kung ayaw mo, okay lang. Babawiin ko nalang yung sinabi ko at hahayaan na kitang huntingin forever ng mga fans ko."
Napa-pikit siya sa sinabi ko.
"Ano na?" parang naiinip kong sabi.
"Gaano ba katagal kong kailangan na umarte bilang girlfriend mo?" tanong nito kaya napa-ngiti ako.
"50 Days."