Chapter 15

2.9K 133 9
                                    

Xiara's POV

Monday came at super sakit sa ulo! Homeworks, Long Quizzes, Recitations, Lessons and worst, Projects and Portfolios for the whole week! Ugh! Walang pahinga. Nakaka-frustrate! Idagdag mo pa yung mga fangirls na hanggang ngayon eh hindi parin tumitigil kaka-paabot ng regalo. Tapos yung girlfriend duties ko pa kay Winter!

"Oh babe? Bakit naka-busangot 'yang mukha mo jan? Ang dami pang gamit sa mesa mo? May nawawala bang gamit sa'yo?" tanong ni Winter nang maka-lapit siya sa'kin at hinalikan yung kanang pisnge ko.

"Ang dami kasing requirements tapos ang daming activities for the whole week. Hindi ko alam saan ako mag-sisimula kaya naka-kalat lang lahat ng 'yan jan." sagot ko.

Nandito kami ngayon sa garden— favorite place na namin 'to eh— dismissal na kaya pwede na kami dito hanggang 6:00PM. Kagagaling lang ni Winter galing sa basketball practice niya kaya naka-jersey parin siya hanggang ngayon at may naka-sabit na bag sa kaliwang balikat niya. Akalain niyong matatanggap 'to sa basketball team? Haha. Joke lang.

"Kaya mo yan, babe. Matalino ka naman eh." Sabi niya.

Napa-buntong hininga ako. "Magagalit ka ba kung hindi ko muna magagawa yung girlfriend duties ko sa'yo for two weeks? Marami kasi talagang kailangan tapusin at feeling ko hindi ko kayang pagsabay-sabayin lahat."

"Sure. That's fine with me. May basketball practice din naman ako this week, album launch sa Friday tsaka may band meeting naman sa Saturday. So siguro pareho tayong busy this week and the upcoming week." Sagot niya.

"Thank you for understanding. Siguro pwede naman tayong mag-kita kapag hindi na tayo busy diba?" tanong ko.

"Hopefully, yeah." Tapos nag-smile siya.

"Gusto mo ba sa apartment niyo ka nalang mag-tuloy sa pag-rereview? Para mas kumportable kang gumalaw-galaw." Suggestion niya.

"Wag na. Siguro tatapusin ko nalang 'to dito and papasok nalang ako ng maaga bukas para masimulan ko na rin yung iba. Nasa apartment na naman kasi sila Cara at Lily. Nag-out of town yung parents nila. Maingay lang yung mga yun sa apartment, di ako makakapag-concentrate." Sabi ko.

"Sa condo ko?" suggest niya.

"H-huh?" parang nabigla naman ata ako sa suggestion niya. Kaming dalawa? Sa condo niya?

Natawa naman siya at pinitik yung ilong ko, "Kung ano man 'yang iniisip mo, hindi ko gagawin yun sa'yo. Harapan mo palang dehado na 'ko." Sabay tawa niya kaya sinamaan ko siya ng tingin at kinurot sa bewang.

"Aww! Haha. Sorry na, joke lang yun. Kasi naman kung anu-anong iniisip mo. Kahit ganito ako marunong parin naman ako rumespeto ng babae." Sabi niya kaya parang nag-melt yung puso ko.

"Tss. Corny mo! Oo na, sige na." sabi ko.

"Hanggang anong oras mo ba tingin mo aabutin ka sa mga gagawin mo?" tanong ni Winter sa'kin.

"Siguro... 8:00? Or 9:00, maybe." At nag-kibit balikat nalang ako.

"Okay. Tara na para masimulan mo na at maaga kang matapos."

6:30PM na kami nakarating ni Winter sa condo niya dahil medyo traffic sa high-way. Anong oras kaya ako makaka-balik sa apartment? Siguro 10:00? Or 10:30? Haaay.

Pumasok na muna si Winter sa kwarto niya habang ako naman ay nakaupo lang sa couch katapat ng TV. Ang linis ng condo niya, infairness. Mas malinis pa ata 'to kaysa sa apartment ko eh. Nahiya naman ako. Haha. Pero seryoso, ang linis nga.

Lumabas na si Winter na naka-pajama at white shirt. Shemay, ang hot. O_O

"Babe, dun ka nalang sa kwarto ko para maka-dapa or higa ka kung saan ka kumportable mag-aral. Dito lang ako sa sala, manunuod ako ng mga palabas sa TV. Tawagin mo lang ako kapag may kailangan ka." Sabi ni Winter at tumango naman ako.

Infairness, pati kwarto niya malinis! Haaay, Xiara. Stop. You're here to study.

Nilabas ko na yung mga libro ko at nag-simulang mag-sagot ng homeworks at mag-review. Medyo uncomfortable nga lang kasi naka-uniform parin ako. Hays.

Winter's POV

It's almost 10:00PM at nagugutom na 'ko. Si Xiara din siguro, pareho kaming hindi pa nag-didinner eh. Kanina ko pa rin siya naririnig na nag-rereklamo. Mahahalata mong hirap na talaga siya. Pumunta nalang ako sa kitchen para mag-handa ng dinner namin ni Xiara.

Xiara's POV

Busyng busy ako sa pag-rereview nang may biglang yumakap sa'kin mula sa likod.

"Sipag talaga." Sabi ni Winter at kiniss ako sa cheeks— nasa likod ko pa rin siya. Binaba muna niya yung journal na hawak ko at pinaharap ako sa kaniya.

"Kain muna tayo. Di pa tayo nag-didinner." Sabi niya kaya tumango ako. Nagugutom na rin ako eh.

Lumabas na kami ng kwarto at pumunta sa kitchen. May naka-handa nang kanin, hotdog, bacon at meat loaf sa mesa. Meron na ding dalawang plato at mga kutsara't tinidor.

"Sorry, yan lang kasi alam kong lutuin." Nahihiyang sabi ni Winter at napa-kamot pa sa batok niya.

I smiled, ma-effort.

Pinag-hila niya 'ko ng upuan at pinaupo ako saka siya umupo sa upuan na katapat ko.

"Kain na, babe. Masarap naman 'yang hotdog ko. Mighty meaty." Sabay tawa niya.

Napa-tingin ako sa kaniya ng masama, "Winter!"

Nang matapos naming kumain ng late dinner naming ay napatingin ako sa orasan at agad na napa-tayo sa kinauupuan ko.

"Hala! 11:00 na pala! Sinaraduhan na 'ko ng apartment!" bulalas ko.

"Yeah. I knew you were going to say that. Don't worry, I brought you some clothes. Sa ate ko yan, kay Ate Roanna." At inabot na niya yung isang pajama din at yellow shirt. Yellooowww!

"Thank you Winter!" sabi ko. Masyado na siyang maraming nagawa para sa'kin ngayong araw.

"You're always welcome." Sabay ngiti niya.

"Doon ka na matulog sa kwarto. Dito nalang ako sa sala." Sabi niya.

"Hindi! Ako nalang sa sala. Ako yung nakaka-abala eh. Ikaw na sa kwarto mo." Pag-tanggi ko.

"Xiara, girlfriend kita. Never kang magiging abala para sa'kin. Promise, okay lang ako matulog sa sala." Girlfriend? Wish ko lang na totoo 'to.

Winter's POV

1:00 AM na pero hindi parin ako natutulog. Nanuod pa kasi ako ng Adventure Time sa Cartoon Network at ngayon lang natapos kaya ngayon palang ako matutulog.

Naisipan kong pumasok sa kwarto at kumuha ng extra pillow at blanket.

Binuksan ko ng dahan-dahan yung pinto at ang bumungad sa'kin ay si Xiara na may luha sa mata habang nag-susulat sa libro niya.

Naalarma ako kaya agad akong lumapit sa kaniya. Nagulat ata siya kaya napa-tingin pa siya sa'kin kaya lalo kong nakita yung mata niya na puno ng luha.

Umupo ako sa gilid ng kama ko at niyakap siya. Yung ulo niya ay nasa may dibdib ko at unti-unti kong nararamdaman na basa na yung shirt na suot ko ng mga luha niya.

"Shh... stop crying. Bakit gising ka pa rin, 1:00AM na?" tanong ko.

"K-kailangan ko matapos lahat... k-kailangan... Winter, di ko na alam gagawin ko... ayaw ko bumagsak..." parang batang sumbong nito sa'kin.

"Shh... hindi ka babagsak. Matalino ka eh. Ikaw pa." pag-checheer up ko sa kaniya.

Hindi naman na ganun ka-gulo yung kama ko. Dalawang libro, tatlong notebook at dalawang ballpen nalang ang naka-lagay doon.

Iniusog ko yun nang maramdaman kong naka-tulog na si Xiara sa mga braso ko.

Dahan-dahan ko siyang ini-higa sa kama. "Sabi mo sa first future boyfriend's to do list mo. Bring her Pizza and Ice Cream when she gets mad, sad or stressed. Only boys from books do that. We're in real life. And me, as your future boyfriend, hindi kita bibilhan ng Pizza o Ice Cream as your comfort food. You will only need me to comfort you. Me, my hugs and my kisses." I kissed her forehead.

"Goodnight, Xiara Kaethe. I love you." I said before I left the room.

I Want The BassistTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon