"Ma? Saan tayo po pupunta?" tanong ng batang babae sa mommy niya.
"We're going on a vacation, anak." Sagot ng mommy ng bata.
"Pero po... bakit natin niiwan si daddy sa house? Nag-cry pa siya sa harap ko tapos sabi niya mag-behave daw ako po lagi." Tanong niya ulit.
"He's happy with his other family, Rynryn." At nakita na naman ng batang babae na umiiyak ang mommy niya.
"Eh? Other family? Bakit po may other family?" tanong ng inosenteng bata.
"Anak, your dad has another baby already." Sabi naman ng mommy nito.
"Another baby?" kumunot yung noo ng batang babae.
Kahit medyo naguguluhan ay pinilit na isipin ng batang iyon ang mga nangyayari at nang maintindihan na niya ang ibig sabihin ng mommy niya na 'another baby' ay bigla nalang itong umiyak.
"No! Mommy, sinungaling ka! Bad ka! Mahal tayo ni daddy! He loves me! Ako lang ang baby ni daddy!" giit ng bata habang umiiyak na.
Kumapit pa ito sa braso ng kaniyang mommy, "Mommy, let's go back to daddy! Mom!!!" pangungulit pa niya.
"Kathryn! Can't you understand?! May mahal na iba ang daddy mo so shut up!" bumalik ang tingin ng mommy niya sa highway at pareho silang nagulat nang may malaking truck ang kasalubong nila.
"Kathryn!!!" rinig niyang sigaw ng mommy niya bago siya yakapin nito.
"Maaa!!!"
Xiara's POV
"Maaa!!!" napa-sigaw ako at habol habol ko ang hininga ko. Napanaginipan ko na naman. It's been 10 years pero napapanaginipan ko pa rin.
Agad na bumukas ng malakas ang pinto ng kwarto ni Winter at nakita ko siyang naka-white shirt pa, gulo-gulo ang buhok at halatang naistorbo ko ang gising.
"Anong nangyari? Bakit ka sumisigaw? May problema ba?" tanong niya nang makalapit siya sa'kin. Umiling nalang ako at naramdaman ko na ang maiinit na tubig na umaagos sa pisnge ko.
"Shh... anong problema? Stop crying... Shh..." pag-papatahan sa'kin ni Winter.
"S-si Mommy... Yung mommy ko..." at napahagulgol na naman ako ng iyak sa dibdib niya.
Walang tigil lang akong pinapakalma ni Winter. Tahimik lang siya at puro "Shh..." lang ang sinasabi niya.
Ilang minuto pa ay natigil na din ako sa pag-iyak habang naka-yakap lang ako kay Winter.
"Are you okay now?" tanong ni Winter nang tumigil ako sa pag-iyak. Tumango naman ako sa tanong niya.
Medyo lumayo siya ng onti at hinarap yung mukha niya sa'kin. Pinunasan niya yung pisnge ko at inayos yung magulo ko nang buhok.
"Y-yeah, sorry for disturbing your sleep." Paumanhin ko. Ngumiti naman siya at niyakap na ako ulit.
Pareho na kaming naka-sandal ngayon sa headboard ng kama niya at yakap yakap parin niya ako. Sinusuklay lang ng mga daliri niya yung buhok ko habang tahimik lang kaming dalawang magkayakap.
"Xiara?" tawag niya sa'kin kaya napatingala ako sa kaniya.
"Hm?"
"Anong gagawin mo pag tapos ng deal natin?" tanong niya bigla habang naka-tingin lang sa kawalan.
Isinandal ko nalang ulit yung ulo ko sa dibdib niya habang napapaisip ng isasagot ko.
"Siguro mag-aaral parin ng mabuti? Back to normal lang lahat? Hindi ko alam. Ewan."
"Bakit hindi mo alam?" tanong niya.
Hindi ko alam kasi importante ka na sa'kin. Hindi ko alam yung gagawin ko kapag wala ka na kasi nasanay na 'ko. Sinanay mo kasi ako na nanjan ka para sa'kin.
Gusto kong isagot pero parang may pumipigil sa'kin.
"Hindi ko alam eh. Bahala na kung anong mangyayari." Sabi ko.
Ilang minuto na naman kaming tahimik hanggang sa mag-salita na ulit siya.
"Sing for me." Sabi niya kaya napa-kunot yung noo ko.
"Ikaw 'tong singer sa'ting dalawa tapos ako ang papakantahin mo?" natatawa kong tanong sa kaniya.
"Nah, I just want to hear you sing. So please? Can you?" tanong niya habang naka-tingin na sa mga mata ko. Naka-ngiti akong tumingin sa kaniya at yumakap na ulit habang naka-sandal yung ulo ko sa dibdib niya.
"I am the eye of your storm, your lions roar. On the battlefield my love will be your shield. No cause for alarm, I will come to arms. The world could fall, we'd still be standing tall."
Napa-angat ako ng ulo para tignan siya pero ang nakita ko nalang ay ang mahimbing na natutulog niyang mukha.
"And when you think all hope has gone, my beating heart will drive you on. I will fight for you, give my life to you. If you can't see the sky I will make you fly."
Umupo muna ako sa kama at inayos si Winter ng pagkakahiga. Baka kasi sumakit yung likod at leeg niya kung sa gano'ng posisyon siya makakatulog.
"I'll be dreaming till I'm no longer breathing. Rising from the wreckage, fighting to protect this gem of love."
Humiga na 'ko sa tabi niya at tinitigan nalang yung gwapo niyang pagmumukha hanggang sa maramdaman ko na rin yung antok.
"You're all I ever dreamed of so I'm fighting to protect this love..."
![](https://img.wattpad.com/cover/40835508-288-k82284.jpg)