Winter's POV
Hindi na 'ko nagsayang ng oras at sinundan agad ang taxi na sinakyan ni Mizzy at Xiara nang makalabas ng mall. Naguguluhan ako sa kung paano at bakit, o kung tama ba iyong pagkakarinig ko sa sinabi ni Xiara kanina. Hindi ko na alam. Sana mali lang ako ng narinig.
Habang nagmamaneho ay tumunog ang phone ko at nakitang si Ashley ang tumatawag mula sa caller ID. Napapikit ako ng mariin nang maalalang kasama ko nga pala siya. Stupid.
"Ash," bungad ko.
"Sa'n ka? Nasa KFC na ako pero wala ka naman dito." sabi niya mula sa kabilang linya.
"Sorry, I had to leave. It's an emergency. I saw her, Ash. I saw her."
"Her? You mean, Xiara?" gulat din ang tono ng boses niya at parang di makapaniwala.
"Yes. And I'm following them right now."
"Go ahead. Mag-tataxi nalang ako–"
"No. Tawagan mo si Lester tapos sabihin mo kayo na ang pumunta kay Ashton."
"Sige. The kid probably misses his daddy Lester too. Ingat yelo, go get her!" at kahit di ko nakikita, I know that she has her fist up na parang sinasabing "aja" in that one korean drama I saw somewhere.
"Yes I will." determinado kong sabi bago pinatay ang tawag.
Ilang minuto pa ang itinagal sa byahe at nakarating na kami sa tapat ng bahay nila Mizzy. It's not that big and not that small. Sakto lang for a four to six-membered family.
Nakita kong lumabas sila ng taxi at ipinark ko naman sa di kalayuan ang kotse ko habang tinatanaw sila mula sa loob.
Pinanuod kong alalayan ni Mizzy si Xiara at sabay na pumasok ng gate nang pagbuksan ng isang kasambahay.
Siguro ay 20 minutes na nang makapasok sila Xiara sa loob ay nasa kotse pa din ako at tinatanaw ang bahay na sa tingin ko ay napakatahimik. Payapa.
What now, Winter? tanong ko sa sarili. Papasok ba ako o dito nalang magdamag?
Napabuntong hininga ako bago piniling lumabas ng kotse at magtungo sa gate ng bahay para mag-doorbell. Ilang minuto lang ay may lalaking nasa 40s ang lumabas. Daddy ata ni Mizzy iyon.
"Magandang hapon po," bati ko nang pagbuksan niya ako ng gate. Tinanguan naman ako nito.
"Sinong hanap mo dito?" tanong nito. Inilagay ko ang kanang kamay ko sa bulsa ko dahil hindi nito maiwasang manginig. Fucking calm down, Winter.
"Si–"
"Dad! Nasaan po yung– Winter!?" gulat na gulat na sabi ni Mizzy nang makalabas ng bahay para tawagin sana ang daddy niya.
Mabilis siyang lumapit sa gate at sinabi sa daddy niya na siya na ang bahala sa'kin kaya pumasok naman ito sa loob habang nanatili kaming magkausap ni Mizzy sa gate nila.
"A-anong ginagawa mo dito?" parang nahihiya niya pang tanong pero mukhang nagets na niya ang ipinunta ko nang makita ang kotse ko sa di kalayuan at napabuntong hininga nalang saka ako pinapasok sa bahay nila.
"Tama yung narinig mo kanina. Hindi na siya nakakakakita. Pero matalino 'yong pinsan ko, alam niyang ikaw yan kahit hindi ka na niya nakikita ng ilang buwan na sa mga pictures." kwento ni Mizzy at huminto na sa tapat ng isang sky blue na pintuan.
"Nasa loob siya. Nagpapahinga siguro. Sa lahat ng taon na magkahiwalay kayo, isa lang ang sigurado ko. Hindi nagbago yung pagmamahal ng pinsan ko sa'yo." dagdag pa nito bago ako nginitian at iniwan sa tapat ng pinto.
Unti-unti kong pinihit yung doorknob at binuksan ang pinto. Kitang kita ang liwanag mula sa nakabukas na bintana. Maaliwalas ang kwarto niya at malinis din.
Pagkapasok ko sa loob ay nakita ko siyang nakatingin sa gawi ko na akala mo'y nakikita niya ako. I miss her eyes.
"Mizzy? Bakit? Magpapahinga lang ako." sabi niya. Akala niya ata'y ang pinsan niya ang pumasok.
"Huy! Insan! Bat di ka sumasagot? Nasa baba ba siya? Wag mong sasabihing nandito ako ha. Maaawa lang siya sakin." malungkot na sabi niya bago sumandal sa headboard.
Dahan-dahan akong humakbang papalapit sa kama niya at lumubog ang kalahati nito nang umupo ako.
Nangunot naman ang noo ni Xiara at napatingin sa gawi kung saan ako nakaupo. She's really smart, kahit hindi niya ako nakikita ay alam niya kung nasaan ako.
Kinakapa niya ang pwesto malapit sakin nang madaanan ng kamay niya ang mga kamay ko. Parang nakaramdam ako ng kuryente mula doon. Lalong kumunot ang kaniyang noo at ibinalik sa kamay ko ang hawak.
Pinagsiklop ko ang mga kamay namin at paulit-ulit na hinalikan ang likod ng kamay niya. "I miss you. I miss you." naiiyak kong sabi.
Naramdaman ko ang pag hinto niya sa pag-kapa at namuo ang luha sa mga mata niya.
"W-winter?"
"The one and only."
Nakita kong sumilay ang maliit na ngiti sa labi niya at para bang iisa lang ang nararamdaman ay sabay na tumulo ang mga luha namin.
Salamat sa paghihintay (: easyhan niyo lang po sa'kin hahahaha I feel like updating kasi isang linggo akong nilagnat and nakaisip ako ng pwedeng i-update. Sabaw na utak ko, sorry talaga