Chapter 20

2.7K 132 27
                                        

Xiara's POV

Ilang araw na din na hindi nagpapakita sa'kin si Winter simula nung birthday namin. Hindi mawala sa'kin na mag-alala pero wala akong magawa kasi wala naman akong karapatan. Hindi siya nag-tetext at hindi ko rin siya tinitext dahil baka busy siya kasama si Ashley, yung napapabalitang bago niyang girlfriend.

Medyo lumala ang pangbabash sa'kin. Yung ibang dati eh nagtutweet sa'kin ng magaganda ay nang babash na din. Iniisip nila na niloko ko lang silang lahat. Iniisip nila na nag-feeling girlfriend lang ako at pinaikot ko si Winter para sa pera at fame.

November 30 na ngayon, Friday. Oo, monthsary namin ni Winter pero hindi ko alam kung naaalala niya pa. Syempre nga baka busy na yun masyado, tas dadagdag pa ba ako?

Busy kasi sila sa bagong recording kasama yung bago nilang band member na si Ashley tapos sa mga Mall Tours din, nagiging busy na. Siguro 2 weeks na din siyang excused sa mga klase niya.

Oo, nakakamiss siya. Minsan gusto ko nga mag-assume na namimiss niya na din ako kaso sino ba naman ako para mag-assume diba?

Sila Mizzy, Lily at Cara hindi rin pumasok for a week. Lahat kasi sila may important things with their families kaya sobrang loner ko for the whole week. Wala akong kasama at lagi akong nabubully. Yes, nabubully ako because of the issues at dahil saamin ni Winter.

Sabi nga ng CM (Cali Mix), namamayat na daw ako porket wala sila. Jinojoke ko nalang sila na nag-dadiet ako. Ayaw ko kasing mag-alala sila sa'kin.

These past few days kasi wala na rin akong kain.

Kadalasan kasi tuwing Lunch or Free time ay nasa loob nalang ako ng classroom at hindi lumalabas. Palagi nalang kasi akong nabubully o napapahamak kapag lumalabas ako ng mga ganung oras sa school.

It's either babasagan nila ako ng itlog. Papagulungin sa hagdan. Itutulak o pagtutulungan nila ako hanggang sa alam nilang di na talaga ako makaka-laban.

Kapag naman uuwi ako sa apartment parang depressed na depressed ako. Pag nag bukas ako sa social media, puro hates. Pag nanuod ako si Winter at Ashley ang binabalita. I kept myself busy.

Paubos narin lahat ng naipon ko at dahil mag-isa na nga lang ako sa buhay, I decided to apply for a job. Sa isang fast food chain na malapit sa apartment, 7:00-10:30 ang shift ko every Mondays, Wednesdays and Fridays. Since 4:30 naman ang uwian namin, I still have 30 minutes to rest.

Since Friday ngayon, meron akong shift mamaya sa restaurant.

Nang mag-dismissal na ay dumiretso na agad ako sa apartment at nag-shower. Nag-bihis na ako ng uniform naming sa restau tapos itinali ko ang buhok ko into a bun. Chineck ko din yung skype ko kung nag-message ba yung CM. Nireplyan ko lang yun at umalis narin ako pagkatapos.

Dala ko yung iba kong gamit sa school dahil pinapayagan naman ako ng manager namin na mag-aral kapag wala pa masyadong customers.

Saglit akong pumunta sa kitchen ng restau at binuksan ang ref para uminom ng tubig. Nakita ko ang isang cake na kabebake ko lang kahapon. Nagpaturo pa ako sa head chef kung paano.

Ako mismo ang nag-design noon at may naka-lagay pa sa harap na Happy 1st Month. Siguro ay hindi ko na rin naman maibibigay kay Winter yun kaya iuuwi ko nalang mamaya sa bahay para naman may makain ako.

8:30 na at medyo madami na rin ang customers kaya lumabas na 'ko sa kitchen at tumulong sa cashier. Puro lalaki lang kasi ang aloud na mag-hatid ng pagkain sa tables. Mas mabilis daw kasi kapag ganun.

"Good evening, sir. Ano pong order nila?" tanong ko sa lalaking nasa harap ko. Hindi ko siya tinitignan pero alam kong lalaki siya dahil sa porma niya.

I Want The BassistTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon