Chapter 29

1K 81 54
                                    

Winter's POV

Nagising ako sa liwanag na tumatama sa mukha ko. Iminulat ko ang isa kong mata at kinapa ang side table para kunin ang cellphone ko. 9:45AM.

Pumikit pa 'ko ng ilang saglit bago tumayo at sakto namang tumunog ang cellphone ko.

Ashley calling....

"Yeah?" bungad ko.

"Ay, wala munang good morning?" sabay tawa nito sa kabilang linya.

"Good morning Ash, no schedules for today right?"

"Anong wala?! Pupunta tayo kay Ashton ngayon!" sigaw nito na ikinatawa ko ng mahina. Paniguradong may kasamang irap na naman ng sinabi niya 'yon.

"Chill, I'll take a bath then we'll go. Sunduin nalang kita in an hour, mall muna tayo. I promised to buy him toy cars."

"Okay! Go na, move faster Yelo!" sigaw na naman niya mula sa kabilang linya.

"Aye aye captain!" then she ended the call.

Kinuha ko na yung towel sa towel rack at pumunta na sa CR para makaligo na at makaalis. Ayaw ni Ashley nang late. Psh.

Nag-suot lang ako ng black shirt na may joker print at khaki shorts. Tinext ko si Ashley na on the way na ako para makapaghanda na siya.

Pagdating ko sa labas ng condo ni Ashley ay naghihintay na siya sa labas.

"Morning" bati ko pagkapasok niya sa shot gun seat.

"Morning morning ka jan! Ang init init pinaghihintay mo 'ko ng matagal!"

Natawa naman ako, "Kundi ka ba naman kalahating ewan, lumabas ka agad. Masyado kang excited makita ako."

"Grrr. Ang kapal!" sabi nito at umirap pa.

Ngumisi nalang ako at nag-simulang mag-drive papunta sa mall.

Nang makarating kami sa mall ay hindi maiwasan ang mga taong napapatingin. Siguro'y nakikilala nila kami. Buti nalang at walang mga nagtitilian. Maayos lang silang lumalapit para magpapicture sa'min ni Ashley.

"Saan tayo?" tanong ko.

"Toy Kingdom? You said we'll buy Ashton some toy cars." suggest niya na tinanguan ko lang.

Magkatabi kami habang naglalakad at nang marating namin ang Toy Kingdom, nag-hiwalay kami saglit para mamili ng pasalubong para kay Ashton.

Medyo hindi ako sigurado sa mga toy cars na magugustuhan niya dahil matagal na kaming di nagkita kaya naman kumuha nalang ako ng tatlo.

Dumiretso ako sa cashier para magbayad at habang ipinaplastic ng babae 'yon ay hindi ko na naman maiwasang mag-isip tungkol sakanya.

Kung hindi siguro nangyari yung araw na yun, masaya pa kami. Sana yung mga laruan na binibili ko ngayon para sa maliliit na Xiara at Winter. Siguro.

Ganun siguro talaga, kahit anong gawin ko hindi na siya maaalis sa sistema ko. Kahit anong gawin ko, kahit saan ako pumunta maaalala ko siya.

Itinext ko si Ashley na magkita nalang kami sa KFC mamaya at mag-iikot muna ako mag-isa dahil mukhang matatagalan pa siya doon. Nag-reply naman siya agad kaya pagkakuha ko ng mga pinamili ko ay umalis na ako.

Habang naglalakad ay may mga babaeng lumalapit parin para magpa-picture. Ngumingiti naman ako at nagpapasalamat pagkatapos.

Tahimik lang ako habang napapatingin sa labas ng mga stores nang madaanan ko ang Activity Center ng mall. Napangiti ako ng mapait. That day.

Lumapit ako sa barrier at tumingin sa stage habang inaalala yung araw na una ko siyang nakita dito.

"Winter?" bigla akong napatingin sa likod ko nang may kumalabit sa'kin.

Nang makakita na naman ako ng dalawang babae ay napangiti agad ako, "hm?"

"Papicture kami, okay lang?" sabi ng isa.

"Yeah, sure." sabi ko at tumabi na sa kanila para makipicture.

Akala ko ay aalis na sila pagkatapos pero nanatili lang sila at nagtutulakan na parang may sasabihin.

"Ano yun?" curious kong tanong.

"Uhm, wala po. Enjoy po kayo sa stay niyo dito." sabi nalang ng isa at nag-unahan na silang umalis. Weird.

Nakaramdam na ako ng gutom kaya itinext ko si Ashley na sa KFC na ako papunta para hindi narin ako maghintay ng matagal. Hindi pa 'ko nagbbreakfast.

Nang papunta na ako sa KFC para kumain ay parang may kakaiba sa pakiramdam ko. Parang bumigat yung pag-hinga ko.

At as if on cue, mula sa di kalayuan ay may nakita akong babae. Shit.

Pumikit pa ako para pakalmahin yung sarili ko dahil baka naghahallucinate lang ako. Aish, kanina mo pa kasi siya iniisip.

Dumilat ako pero nakita ko nang nakatingin sa'kin ang babae. Shit. Hindi ako nag-hahallucinate.

"Xiara!" sigaw ko pero parang wala siyang narinig at nakatingin parin sa'kin. Nakatayo lang sa kung nasaan siya.

"Xiara!" hindi ko alam pero tinawag ko siya ulit habang naglalakad na ako palapit sakanya. Fnck it. I miss her.

"Mizzy!" sigaw din niya at pumikit. Ayaw niya ba 'kong makita?

"Mizzy! Bilis!" sigaw ulit niya sa loob ng store kaya binilisan ko din ang paglalakad.

Malapit na.

Isa. Dalawa. Tatlo.

"Xiara!" sigaw ko ulit habang papalapit at may ngiti sa labi.

Ilang hakbang nalang.

"Bakit ba, insan?" rinig kong tanong ni Mizzy kay Xiara nang makalabas na din siya.

"Ang tagal mo naman! Tara, umuwi na tayo." sabi ni Xiara.

Ayaw mo na ba talaga akong makita na gusto mo na rin akong layuan, Xi? Ang tagal nating hindi nagkita oh.

"Bakit ba gusto mo nang umuwi? Parang kakarating lang natin ah?"

Huminto ako malapit sa kanila, siguro ay dalawang meter stick nalang ang layo. Nakatalikod si Mizzy sa'kin.

"Para kasing naririnig ko si Winter na tinatawag ako e." pati boses ko ayaw narin niyang marinig?

"Ha? Eh imposible naman yun!" parang di pa makapaniwalang sabi ni Mizzy.

"Insan, posible yon! Nandito na sila sa Pilipinas diba?"

"Sigurado ka ba sa naririnig mo?"

Hindi niya ako narinig, nakita niya rin ako!

"Oo, insan. Umuwi na tayo."

"Sige, tara na."

Humawak si Xiara sa braso ni Mizzy at hahabulin ko pa sana sila para magpakita nang may sinabi siya na nagpahinto sa'kin mula sa paglalakad. Na nagpahinto sa pag-ikot ng mundo ko.

"Ang hirap naman kasing mabulag, insan. Buti nakakatiis ka pa sa'kin."

"Oo naman, pinsan kaya kita. Sister narin." at pinanuod ko nalang silang mawala sa paningin ko.

I Want The BassistTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon