Chapter 22

2.9K 124 9
                                    

Xiara's POV

It's been a week since nung lahat ng nangyari sa Press Con at isang linggo naring hindi nagpapakita sa'kin si Winter. Puro text lang ang ginagawa namin at bilang ko lang sa kamay kung ilang beses siyang nag-rereply.

Hindi ko tinanggap ang alok niyang mag-tanan kaming dalawa. Nung una, aaminin kong gusto ko pero napag-isip isip ko, paano na ang fans niya? Paano yung career niya? Iiwan niya lahat ng yun para lang sa'kin?

Nauna niyang minahal ang pag-babanda bago ako dumating sa buhay niya. Siguro isang dahilan narin yun kung bakit ako umayaw sa kagustuhan niya.

Inilabas ko nalang ang phone ko at nag-type ng message para kay Winter.

Xiara:
Hi. Good morning.

Nag-hintay ako para sa reply niya pero lumipas ang 15 minutes at wala parin kaya nag-type pa ulit ako.

Xiara:
Kumain ka ng breakfast, okay? :)

Siguro sobrang busy lang niya ngayon kaya di siya nakakapag-text. Mahal ko eh, iintindihin ko.

Nag-type ulit ako ng text pero para na kay Mizzy.

Xiara:
Mitz, mall tayo?

Mizzy:
May date kami ni boyfie eh.

Napa-kunot ang noo ko sa nireply nito. So hindi busy sila Winter? Bakit di niya magawang mag reply sa'kin?

Napa-hinga nalang ako ng malalim at naisipang mag-bihis para pumunta sa grocery store. 10:37 na kaya siguro naman ay may bukas na grocery store na ngayon. Paubos narin kasi yung stock ko ng pagkain dito sa apartment.

Buti nalang rin at may natatanggap akong pera galing sa nagpapaaral sa'kin. Scholar lang kasi ako, obviously.

Nag-taxi nalang ako papunta sa Windmere Mart. Kumuha ako ng malaking cart para sa mga bibilhin ko at itinulak na 'yon papasok.

Bumili ako ng maraming cup noodles. Hindi nga kasi ako marunong mag-luto diba? Prito lang. Hehe.

Halos kalahating oras na ata akong nag-iikot at nag-iisip pa ng bibilhin o kung may nakalimutan pa 'ko nang may marinig akong nagtatalo na babae at lalaki sa malapit.

"Ashley, stop being a baby." sabi ng isang pamilyar na boses.

"Bumalik na kasi tayo, gusto kong bilhin yung teddy sa Blue Magic, Drew!"

"I thought we're only here because you want me to accompany you here in the grocery store?"

"Yes, I said that but not really in here! Pwede namang mamaya na tayo dito!"

Natawa nalang ako sa pag-tatalo nila. Nilapitan ko sila at natatawa pang nag-salita.

"Ano ka ba, dapat sweet ka sa..." bigla akong napahinto at nahirapang huminga nang lumingon yung dalawa.

"Girlfriend mo..." halos pabulong ko nalang na sabi.

Nakita kong ngumisi yung babae na sa pagkakaalam ko ay si Ashley, yung ex ni Winter.

"Oh dear, namumutla ka, okay ka lang?" parang nang-aasar pa na sabi ni Ashley at kumapit sa braso ni Winter.

Napatingin ako kay Winter nang hindi niya 'yon tanggalin. Ngumiti ako at tumingin sa baba para di nila makita yung namumuong luha.

Saktong sakto pa sa music ng store ngayon yung nararamdaman ko.

I'm still alive but I'm barely breathing...

Bumitaw ako sa cart na dala ko at sinimulang tumakbo.

Cause when our heart breaks, no, it don't break even.

Agad akong umuwi sa apartment at doon umiyak ng umiyak sa unan ko.

Sunud-sunod na tunog ng cellphone ko ang narinig ko. Kinuha ko 'yon na medyo malabo pa ang paningin dahil sa mga luha.

Nang makita ko ang pangalan niya ay lalo lang akong naiyak. Hindi ako naiyak sa inis o dahil sa nakita ko kanina. Naiyak ako kasi, may pake pa pala siya sa'kin?

Ilang segundo ang lumipas at nawala ang ilaw nun na ibig sabihin ay wala nang tumatawag.

Tinignan ko ang tatlong messages na nakalagay doon... at dumagdag pa ng dumagdag.

Winter:
Answer my damn call.

Winter:
Wag kang magselos kay Ashley.

Nag-ring na naman yung cellphone ko at nakita kong tumatawag siya ulit. Sinagot ko na ito pero hindi ako nag-salita.

"Xiara." tawag nito sa pangalan ko na ikinaluha na naman ng mata ko.

Tinakpan ko ang bibig ko para hindi kumawala ang mga hikbi.

"Baby..." shit, no.

"Wala lang yung nakita mo kanina. Kasama ko lang si Ashley kasi nagpapasama siya sa grocery store." na dapat ay gagawin ko rin kaso di ka nagrereply sa mga text ko.

"Ngayon ko lang nabasa yung messages mo, nakay Ashley kasi yung phone ko. Kinuha niya, sorry."

Hindi ko napigilan at napa-hikbi ako ng malakas.

"Fvck. Umiiyak ka na naman, damn." rinig ko pa ang malulutong niyang mura.

"Look, Xiara. Sorry kung kasama ko si Ashley, kung sana ay pumayag ka na makipag-tanan sa'kin ay–" pinutol ko na ang sasabihin niya at pinatay ang tawag. Ako pa ang may kasalanan?

Ilang minuto ang lumipas pagkatapos naming mag-usap ni Winter ay may narinig akong katok sa pinto ng unit ko.

Agad akong nag-lakad papunta sa pinto at sumilip sa maliit na butas doon para tignan kung sino ang nasa labas.

Makita palang siya ay nag-init na agad ang ulo ko. Anong ginagawa ng ex mo sa pinto ng unit ko, Winter Drew?

I Want The BassistTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon