Chapter 4

3.2K 140 10
                                    

Xiara's POV

"OMG XI! OMG! OMG!" sabi ni Mizzy habang inaalog ako. Puro OMG nalang ang narinig ko sa bibig ni Mizzy mula nang makita niya 'ko dito sa canteen. Break time na kasi naming mga Tourism students.

"Ano ba yan, Mitz! Di na maka-kain ng maayos si Xi dahil sa kakaalog mo sa kaniya!" saway kay Mizzy ni Cara.

"Di na kami mag-tatagal ni Cara. Male-late na din kami sa next class namin. Math. Terror pa naman yung prof namin sa subject na 'yon." Paalam ni Lily.

Tourism kasi kaming dalawa ni Mizzy habang sila Lily at Cara naman engineering. Sila na matalino, diba?

"Oh ayan Mitz, wala na silang dalawa. Baka naman pwede mo nang sabihin sa'kin yang OMG mo nang maka-kain na 'ko ng maayos?" tanong ko sa kaniya.

"Eh kasi naman! Xi, minention ka ni Winter sa isang tweet niya! Huhuhuhu. OMG. Ikaw na talaga, Xi!" kinikilig na sabi niya.

Kumunot ang noo ko, "Bakit naman ako pag-aaksayahan ng panahon na hanapin niyang idol mo? Sinampal ko nga siya remember? Tsaka baka poser lang." sabi ko at sumubo na sa inorder kong carbonara.

I haven't opened my twitter account since that day I slapped the bassist – we're not close for me to call him Winter – and I know by now flooded na yun ng hate tweets.

"Hindi ah!" sabi ni Mizzy at kinuha yung iPad niya sa bag pagkatapos ay may pinindot-pindot doon. After a minute, she gave me her iPad. Tinignan ko kung ano ba yung gusto niyang ipakita sa'kin dun at nang makita ko na ay ibinalik ko agad sa kaniya yung iPad niya.

"Ano ba yan, Mitz! Profile lang naman nung Winter yan, ano bang gusto mong gawin ko? Ifollow siya, ganun?" tanong ko sa kaniya sabay balik ng iPad pero ibinigay na naman niya sa'kin 'yun.

"Ano ba Xi! Tignan mo kasi yung pinaka-recent tweet niya!" sabi ni Mizzy na parang ako na ang pinaka-shungang tao na nakilala niya.

Wala na 'kong nagawa kundi tignan yun pero bigla ko nalang winish n asana hindi ko nalang pala binasa at sana di ko nalang siya sinampal para hindi na nangyayari pa 'to.

"@imwintersandoval: Kindly read."

Yun ang naka-lagay na caption sa isang picture kung saan meron pa siyang sinabi. Siguro ay lampas 140 characters 'to kaya iniscreenshot nalang niya at saka niya itinweet.

"What happened last week at the Mall Tour was a plain misunderstanding. My girlfriend and I had a fight before the Mall Tour happened. The night before that day, I promised her that we'll have a date on the following day because it's our 2nd month as a couple but then I forgot that I promised her a date and instead, I went to the Mall Tour. I was surprised that I saw her as one of the crowds so I did what I think is the best thing to do. I chose her to be the girl that I'm going to play on the stage with. Then you guys know what happened next. She slapped me. She slapped me, maybe because she's still mad. Anyway – Yes guys, I am now officially admitting that I have a girlfriend and we are in a relationship for 2 months and a week now. So I hope you guys understand. Stop bashing her. And can you all please tweet her and tell her how much I love her? Her twitter account's username is @xkfperez Thank you Daydreamers! xoxo, Winter."

Winter's POV

"Brad, ang tindi mo!" sabi ni Lester.

"Marunong ka naman palang dumiskarte eh!" sabi naman ni Seth.

"Ewan ko sainyo. Marunong naman talaga ako kaso pinangungunahan niyo lang talaga 'ko." Sabi ko sabay smirk.

"Pero dapat ginawa mo sa traditional way para mas dama, Kuya!" sabi ni JC.

Si Katsumi? Busy mag-cellphone.

"Hayaan mo na 'ko dumiskarte, Jeys. May Nathalia ka na." sabi ko sa kaniya at nag-kibit balikat lang siya.

"Ano nang balak ngayon?" tanong ni Lester.

"Tulungan niyo 'ko. Since on break naman tayo for almost 2 or 3 months, why not go to school and continue our studies? Mag-papaalam tayo kay Manager."

(Windmere Studios)

7:30 palang nasa office na kami ni manager at dinalhan namin siya ng isang box ng cake. Favorite niya yun eh. Kailangan ng suhol para payagan. Hahaha.

Ilang minuto pa ay nag-bukas na ang pinto at nakita na naming si Manager Clar, short for Clarissa.

"Oh boys? Anong ginagawa niyo dito?" tanong niya sa'min.

"Wala lang Manager. Namiss ka namin eh." Sabi ni Kats.

"Oh talaga lang ah? Isang linggo nga lang tayong di nag-kita eh. At ano 'tong box ng favorite kong cake sa mesa ko?" tanong ni Manager.

"Wala lang din. Regalo naming sa'yo." Sabi naman ni Seth.

"Haaay nako, ang dami pang satsat. Ano kailangan niyo?" tanong ni Manager sa'min habang sinisimulan niyang mag-type sa laptop niya. Kilalang kilala na niya talaga kami.

"Hmm... mag-papaalam lang po sana kami?" nag-aalangang tanong ni Lester.

"Manager, napag-desisyunan kasi naming pumasok muna sa school at magpatuloy since on break naman kami for 2 or 3 months. Sa Windmere Univ sana namin gustong mag-aral." Dirediretsong sabi ni JC kaya nanahimik kaming lahat at pati si Manager ay napa-hinto sa pag-tatype.

Nagsitakipan na kami ng tenga dahil alam naming raratrat na naman yung mala-armalit niyang bunganga pero laking gulat namin nang bigla itong ngumiti at sinabing, "Okay. Pag-butihan niyo."

"Manager Clar, ikaw ba yan?!" bigla kong react.

"Oo nga! Anong ginawa mo sa Manager Clar naming?!" tanong ni Kats.

"Kung anong masamang espiritu man ang pumasok sa katawan ng Manager namin, lumabas ka!" sabi ni Lester na nag-aaction pa na parang albularyo.

"Ano ba yan, magsi-tigil nga kayo! Hahahaha." Nagulat kami lalo nang biglang tumawa si Manager. Bihira lang yan tumawa!

"Hala, natuluyan na si Manager." Bulong ni JC.

Napa-hinto lang ang tawa ni Manager nang kumatok ang secretary niya.

"Ma'am Clar, nanjan ho si Sir Matthew." Sabi ng sekretarya niya.

"Sige, sabihin mo bababa nalang ako." Sagot ni Manager.

"Hm, manager. Sino yun?" tanong naming pero imbes na sagutin kami ay inayos na niya yung gamit niya at dumiretso na sa pinto.

"Bye boys! Akon a bahala sa application niyo for Windmere Univ. I'll text Winter kapag pwede na kayo pumasok and yung uniforms niyo ipapadala ko nalang sa mga condo niyo. Be good. Bye!" at tuluyan nan gang naka-alis si Manager.

I Want The BassistTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon