Chapter 17

2.7K 133 10
                                    

Xiara's POV

"Huy Xi, anong drama mo nung isang gabi?" tanong sa'kin ni Cara. Lunch time na namin.

"Huh? Anong drama?" tanong ko.

"Yung patili-tili mo ng mahina! Nakakaloka ah! Late ka na nga umuwi ng gabing yun eh! Sa'n ka nga ba nanggaling?" tanong naman ni Lily.

Hala. Narinig nila?!

"A-ah... Wala yun. May nakita kasi akong ipis nun kaya napa-tili ako. Mahina nga lang kasi nandun pala kayo, baka magising ko kayo." Lies.

"Oh? May ipis?" di makapaniwalang tanong ni Mizzy.

"Eh si Lily kasi di nilinis yung apartment mo nung nag-punta kami." Sabi ni Cara.

"Anong ako?! Apat tayong gumagamit nun tapos ako lang mag-lilinis?" katwiran din ni Cara.

"Eh bakit? Ako nga kada punta ko dun, nag-aayos ako eh!" at nag-simula na naman ang world war nilang dalawa. Haay, talaga nga naman.

"Ay, oo nga pala. Xi, may surprise ka na para kay Winter?" tanong ni Mizzy.

"Surprise? Para saan?" tanong ko rin.

"Ano ka ba girl! Birthday na ni Winter sa Saturday! Meron ka nalang 4 days para mag-isip ng surprise! Next week, monthsary niyo na din!" napa-ayos ako ng upo at napa-kuha sa cellphone ko. Tinignan ko ang calendar. November 26 sa Saturday, birthday ni Winter. Next week naman, November 30. Monthsary na naming dalawa.

Akalain niyong nakalimutan ko? Tsk. Well, di naman talaga kami couple eh.

"Oh ano? Naalala mo na?" singit ni Mizzy.

"Yeah." Maikling sagot ko.

"Anong yeah-yeah ka jan?! Wala ka manlang surprise o regalo?!" inis na sabi ni Mizzy.

"Eh kung ikaw na kaya ang girlfriend?! Mas alam mo pa kesa sa'kin eh! Nag-iisip na nga ako oh!" sabi ko.

"Ayoko nga. May Katsumi na 'ko no." inirapan ko lang siya.

Winter's POV

"They don't know about the things we do, they don't know about the I love you's"

"Ano ba yan Katsumi! I-off mo na nga yang cellphone mo!" sigaw ko kay Katsumi. Music kasi ng music, ang lakas lakas pa! -.-

"Tss. Porque crush ni Xiara yung isa sa band members ng kumanta nito ayaw mo na marinig? Bitter mo, tol!" at binato pa niya 'ko ng earphones niya.

"Inaasar mo na naman si tag-lamig." Sabi ni Seth sabay upo sa sofa katabi ni Katsumi.

"Nakikisingit na naman si Sedric Hugh! Papansin!" pang-aasar ni Katsumi kay Seth kaya sinuntok siya nito sa braso.

Humarap naman sa'kin si Seth, "Kamusta na pala deal natin 'tol?" tanong niya.

"Maayos naman." Maikling sabi ko.

"Magwa-one month na kayo ni Miss Mansanas ah? May plano ka na ba sa Monthsary niyo?" tanong ulit niya.

Umiling ako. "Wala pa. Baka magpa-reserve nalang ako sa isang restaurant o kaya pumunta nalang din kami sa park ulit." Sagot ko.

"Hmm... mas gusto ko yung sa park. Tsaka, kailan nga? Next week, 30 diba?" tumango naman ako.

"Isang linggo nalang pala. Kaya kung ako sa'yo, mag-prepare ka na."

September 24 palang, handa na lahat. Napa-ready ko na yung park. Nakahanda na yung dinner-slash-picnic. Nakabili na rin ako ng regalo. Si Xiara nalang. Di ko pa siya nayayaya.

Mas maganda bang itext, tawagan, o puntahan nalang sa apartment? Kaso di nag-papapasok yung matanda dun eh. Tawagan ko kaya? Baka tulog na eh. Text ko na nga lang muna. -.-

Winter:
Still awake?

Pareho kami ng pangalan sa phonebook no? Ako nag-lagay nun eh. Pati yung kay Xiara.

Xiara:
Yep. Reviewing. Why?

Grabe na talaga kasipagan nito sa pag-aaral! Ilang days na rin oh!

Winter:
Talino talaga ng babe ko. Pwede tumawag?

Ilang minuto rin ay nag-reply din siya.

Xiara:
Sige. :)

Dinial ko na yung number niya at tinawag siya.

Calling Xiara...

"Hello?" bungad niya.

"Good evening, babe." Sabi ko.

"Good evening din. Bakit pala gusto mong tumawag?" tanong niya.

"May itatanong lang sana ako."

"Ano yun?"

"May gagawin ka ba sa 30 ng gabi?"

"30 ng gabi? Hmm... wala naman bakit?"

"Gusto sana kitang yayain mag-dinner sa park? Alam ko kasing ayaw mo kapag sa mamahaling restaurant eh."

Natawa siya sa kabilang linya.

"Yeah. Okay. Sure."

Nag-kwentuhan lang kami tungkol sa mga random na bagay hanggang sa napatingin ako sa wall clock ng condo at 1:42AM na pala. Grabe, ang tagal naming magka-usap.

"Babe, sleep na. Ang haba na ng pinag-usapan natin. May pasok pa tayo mamaya. And it's 1:43AM already." I love you. I wanted to add.

"Hmm... okay. Ikaw din, matulog ka na. Goodnight."

Xiara's POV

"Babe, sleep na. Ang haba na ng pinag-usapan natin. May pasok pa tayo mamaya. And it's 1:43AM already." Sabi niya.

"Hmm... okay. Ikaw din, matulog ka na. Goodnight." I love you.

I Want The BassistTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon